INIHAHANDA na ng kampo ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kanyang ihahaing electoral protest bago ang deadline sa Hunyo 29 deadline, ukol sa kuwestiyonableng resulta ng vice presidential election. Ito ay matapos madiskubre nina Atty. Jose Amor Amorado, head ng BBM Legal Team at Abakada Rep. Jonathan Dela Cruz, political adviser ni Marcos na kanilang natuklasan ang pagkakaroon ng tinatawag …
Read More »Barker itinumba (Dating asset ng pulis)
PATAY ang isang taxi barker na sinasabing dating asset ng pulis at kalaunan ay nasangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga, makaraan pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Hindi umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Gaspar Maglangit, 34, ng 264 Sitio 6, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod. Habang patuloy ang …
Read More »Ginang utas sa ratrat sa Rizal
PATAY ang isang 37-anyos ginang makaraan tadtarin ng bala ng dalawang suspek sa harap ng kanyang bahay sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Resty Damaso, chief of police ng Rodriguez PNP, ang biktimang si Nomelita Patigayon, may-asawa, walang trabaho, nakatira sa Blk. 2, Lot 37, Double-L, Brgy. San Isidro. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 7:45 p.m., nakatambay …
Read More »Biker todas sa truck
PATAY ang isang lalaki nang masagi ang sinasakyan niyang bisikleta nang rumaragsang truck sa Caloocan City kahapon ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Eugenio Tugawin, 57, residente ng 4297 Diam St., Gen. T. De Leon, Valenzuela City. Agad naaresto ang suspek na driver ng Isuzu van (NWQ-598) na si Ronniedel …
Read More »Tsap-tsap na 2 binti at 2 braso itinapon sa Senado
NATAGPUAN ng isang vendor ang putol-putol na bahagi ng katawan ng tao sa loob ng isang sako sa harapan ng Senate Building sa Pasay City kahapon ng madaling araw. Base sa inisyal na ulat na nakarating kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria, dakong 5:30 a.m. nang matagpuan ng vendor na si Meniano Samarro, 65, ang naturang sako …
Read More »Benepisyo inipit 16 PAO lawyers inasunto si Abad (Itinanggi ng DBM chief)
PINABULAANAN ni Budget Sectetary Florencio Abad ang bintang na iniipit ang benepisyo ng 16 abogado ng Public Attorney’s Office (PAO). Sinabi kahapon ni Abad, hinihintay lang niya ang legal opinion ng Department of Justice (DOJ) dahil may conflict sa interpretasyon ng ilang probisyon ng National Prosecution Service Law na sakop ang kanilang retirement benefits. Ang 16 abogado ay nagsampa ng …
Read More »Inagurasyon ni Duterte, Palasyo walang paki
DUMISTANSIYA ang Malacañang sa preparasyon para sa inagurasyon ni President-elect Rodrigo Duterte sa Hunyo 30. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, labas na rito ang Aquino administration dahil okasyon na ito ni incoming President Duterte. Ayon kay Coloma, naibigay na nila sa transition team ni Duterte ang kinauukulang mga dokumento at records ng pamahalaan para mapag-aralan. Tiwala rin si Coloma …
Read More »Cebu mayor kinasuhan sa kontrata pabor sa misis?
SINAMPAHAN ng graft charges ng Office of the Ombudsman si incumbent mayor Ronald Allan Cesante ng Dalaguete, Cebu makaraan aprubahan ang ‘contract of lease’ ng apat na commercial units para sa kapakinabangan ng kanyang asawa. Batay sa pitong pahinang kautusan, kinatigan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang probable cause para idiin si Cesante sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act …
Read More »17-anyos dalagita ‘hiniyot’ ng albularyo
NADAKIP ng mga pulis ang isang albularyo kamakalawa makaraan gahasain ang menor de edad niyang pasyente sa Irosin, Sorsogon. Ayon sa ulat ng pulisya, nagpakonsulta ang 17-anyos dalagita sa 54-anyos albularyo nang hindi siya datnan ng kanyang buwanang dalaw. Ayon sa biktima, ipinasya niyang magpatingin sa albularyo dahil sa kakapusan ng pera. Pang-apat nang pagpunta ng biktimang si Lyka sa …
Read More »Trillanes pinakamaraming naisabatas na nat’l bills
SA pagtatapos ng ika-16 Kongreso, nanguna si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV sa mga senador sa dami nang naisabatas na mga pambansang panukala, bilang pangunahing may-akda at pangunahing isponsor. Sa huling araw ng sesyon sa Kongreso nitong Hunyo 6, 2016, mayroong 11 principally sponsored bills at 10 principally authored bills si Trillanes na naisabatas na. Ilan sa importanteng mga …
Read More »Arkitekto pinatay ng abogado
TACLOBAN CITY – Pinaniniwalaang ‘crime of passion’ ang sanhi ng pagpatay ng isang abogado sa architect sa Leyte Normal University sa Tacloban City. Ayon kay Chief Supt. Domingo Say Cabillan, Tacloban City director, may lumutang na isyu na posibleng nagselos ang abogadong suspek sa biktima. Kinilala na ang suspek ngunit hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad habang patuloy ang imbestigasyon. …
Read More »PNP low morale sa 3 heneral na sangkot sa illegal drug trade
CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ng pamunuan ng PNP Northern Mindanao, makapagdudulot din nang low morale ang ginawang controversial na expose’ ni President-elect Rodrigo Duterte na tatlong police generals ang sangkot sa illegal drug trade sa bansa. Inihayag ni PNP regional spokesperson Supt. Surki Sereñas, umaasa silang hindi totoo ang banat ni Duterte sa tatlong hindi pinangalanang police generals. …
Read More »3 sakay ng motorsiklo nakaladkad ng bus
NABUNDOL at nakaladkad ng bus ang tatlong sakay ng isang motorsiklo sa kanto ng Araneta at E. Rodriguez Avenues sa Quezon City nitong Martes. Ayon sa mga saksi, humaharurot ang Florida bus sa E. Rodriguez kahit pula na ang traffic light. Habang hinabol ng motorsiklo ang huling segundo ng green traffic light sa Araneta. Dahil dito, sumalpok ang bus sa …
Read More »Retiradong parak, patay nang mahagip ng kaanak ni Pacman
GENERAL SANTOS CITY – Kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide ang isa sa kamag-anak ni Senator-elect Manny Pacquiao makaraan mapatay sa bundol ang isang retiradong pulis sa minaneho niyang motorsiklo. Kinilala ang biktimang si retired SPO4 Angel Clerino, residente ng Lanton, Apopong, habang ang suspek ay si Marcelo Pacquiao. Sa imbestigasyon ng Makar Police station, nagkasalubong ang dalawang kapwa …
Read More »3 tiklo sa ‘Oplan Big Bertha’ 3 kilo ng shabu kompiskado
NAHULI ang tatlo katao at nakompiskahan ng tatlong kilo ng shabu sa isinagawang “Oplan Big Bertha” at follow-up operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Cavite sa lungsod ng Parañaque kamakalawa ng gabi. Kalaboso ang tatlong suspek na sina Madayao Mustapha Batonggara, 47; Macabato Binor Pangcatan, 19, at Amatonding Noroden Alap, 35, pawang dinala na sa …
Read More »Media maging matapang sa pagharap sa bagong admin — ALAM (Maging kritikal at ‘wag matakot!)
NANAWAGAN ngayon si Alab ng Mamamahayag (ALAM) President Jerry Yap sa hanay ng media partikular sa mga nagko-cover kay incoming President Rodrigo “Digong” Duterte na maging kritikal sa pagkuha ng balita na may kaugnayan sa bagong administrasyon. “Hindi dapat magpa-bully ang mga reporter na nagko- cover kay Digong! Hindi dapat matakot, ang kailangan ay magtanong tayo nang higit na maayos, …
Read More »Duterte iwas muna sa media interview
DAVAO CITY – Ayaw munang magpa-interview ni President-elect Rodrigo Dutete bilang sagot sa panawagang boykot sa kanyang press conference hangga’t hindi siya humihingi ng paumanhin kaugnay sa kanyang pahayag hinggil sa media killings, ayon sa kanyang spokesman kahapon. “Unang-una, yun naman yung hiningi ng media,” pahayag ni Salvador Panelo. Idinagdag niyang ang mga pahayag ni Duterte ay hindi lumalabas “as …
Read More »Relasyon ni Digong sa media tiniyak na aayusin ni Andanar
GAGAWING tulay ni incoming Communications Secretary Martin Andanar ang dalawang malalapit na kaibigan ni President-elect Rodrigo Duterte para maiparating ang kanyang planong magkaroon nang maayos na relasyon ang Punong Ehekutibo sa Malacañang media. Sa press briefing kahapon sa New Executive Building (NEB) sa Malacañang, sinabi ni Andanar, sisikapin niyang magkaroon nang maayos na relasyon si Duterte sa media makaraan ang …
Read More »Chinese kinasuhan ng murder sa pinaslang na Pinay transgender
KINASUHAN ng murder ng pulisya kahapon sa Pasay City Prosecutor’s Office ang isang Chinese national na pumatay sa kinakasama niyang Filipina transgender na isinilid sa maleta nitong Sabado ng madaling-araw sa condominium unit sa nasabing lungsod. Isinailalim na sa inquest proceeding sa Prosecutor’s Office ang suspek na si Jayson Santos Lee, 25, may pangalang Che-Yu Tsai sa pasaporte, nanunuluyan sa …
Read More »Proklamasyon ni Pacbrod ipinababasura
INIHAIN ang isang petisyon para sa diskuwalipikasyon laban kay Rogelio ‘Ruel’ Pacquiao, kapatid ni Pinoy boxing icon at senator-elect Manny Pacquiao, sa ilalim ng Rule 25 ng Rules of Proceudre ng Commission on Elections (Comelec) na may reiteration ng mosyon para ideklara ang proklamasyon nito bilang ‘null-and-void’ alinsunod sa kautusan ng korte sa huling hearing noong Mayo 26, 2016. Isinumite …
Read More »3 turista missing sa Laguna flashflood
TATLO ang nawawala makaraan tangayin ng flashflood sa ilog sa Majayjay, Laguna nitong Linggo. Nabatid sa paunang imbestigasyon, pawang mga turista ang mga biktimang nagbakasyon sa isang resort na kalapit ng ilog sa Brgy. Ilayang Banga. Nahirapan ang mga rescuer sa paghahanap sa mga biktima dahil sa lakas ng agos ng tubig.
Read More »Filipino mahalagang gamitin sa hudikatura
BINIGYANG-DIIN ni retired Supreme Court Associate Justice Ruben Reyes ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa sangay ng Hudikatura. Sa ikalawang Lekturang Norberto Romualdez ng Komisyon sa Wikang Filipino na idinaos sa Court of Appeals Auditorium, sinabi niyang mainam na gumamit ng Filipino sa mga kaso dahil nagsisimula ito sa municipal trial courts na kalimitang kinasasangkutan ng mga ordinaryong mamamayan. …
Read More »SSS pension hike veto override idudulog kay Duterte
NANAWAGAN sina Bayan Muna party-list Reps. Neri Colmenares at Isagani Zarate kay President-elect Rodrigo Duterte na magdeklara ng suporta sa override resolution para maisantabi ng Kongreso ang veto ni Pangulong Benigno Aquino III sa SSS Pension Hike Bill. Ayon sa dalawang mambabatas, nagpapasalamat sila sa pagpabor ni Duterte sa dagdag SSS pension dahil nagpapakita nang pagkakaiba kay Pangulong Aquino. Sinabi …
Read More »Bading patay, dyowa sugatan sa sunog sa CDO
CAGAYAN DE ORO CITY – Namatay ang isang bading nang ma-trap sa nasusunog nilang inuupahanag kuwarto habang sugatan ang kanyang live-in partner sa Block 3, Lot 25, Villa Trinitas Subd., Brgy. Bugo sa Cagayan de Oro City kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Richie Gonzales, habang sugatan si Rene Micabalo, kapwa ng Koronadal City. Inihayag ni Bureau of Fire Protection …
Read More »Aguirre sa DOJ tinuligsa (Inakusahang nangamkam ng lupa at pananakot)
MAHIGPIT na tinuligsa at tinutulan ng mahihirap na magsasakang mismong mga kababayan ni incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Mulanay, Quezon ang ginawang pagnombra sa kanya ng bagong halal na Pangulong Rodrigo Duterte para mamuno sa Kagawaran ng Katarungan. Sa isang liham para kay Duterte na nilagdaan ni Carlos Icaro, pangulo ng Hacienda Tulungan Farmers and Settlers Association (HTFSA) …
Read More »