Saturday , January 11 2025

News

Aquino officials kumita sa shabu lab sa Bilibid

NAGKAKUWARTA ang ilang matataas na opisyal ng administrasyong Aquino sa pagbibigay proteksiyon sa operasyon ng mga sindikato ng droga sa New Bilibid Prisons (NBP). Ito ang ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre makaraan ang security cluster meeting sa Palasyo kamakalawa. “They could be in conspiracy with these people because there are some information that many in the high position of …

Read More »

Peting sumuko sa Caloocan cop (Utol ni VM Maca Asistio)

KUSANG LOOB na sumuko sa pulisya ang kapatid ng vice mayor ng Caloocan City kaugnay nang kinasasangkutang paggamit ng ipinagbabawal na droga. Si Luis Asistio III, alyas Peting ay sinamahan kahapon ng umaga ng kanyang kapatid na si Vice Mayor Macario Asistio III kay Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Johnson Almazan nang magpasyang magbabagong buhay na. Isasailalim sa imbestigasyon …

Read More »

Alok ng drug lord vs Duterte bilyones na

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, umaabot na sa ilang bilyon ang inaalok ng mga drug lord para siya ay ipatumba. Ngunit sinabi ni Pangulong Duterte, hindi siya natatakot dahil kung sakali ay mayroon namang bise presidente na papalit sa kanya. Ayon kay Duterte, tiwala siyang magiging matapang din si Vice Pres. Leni Robredo sa mga drug lord para sa kapakanan …

Read More »

Draft EO ng FOI aaralin muna — Digong

PAG-AARALAN muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) sa implementasyon ng Freedom of Information (FOI) Bill. Ayon sa Pangulo, kamakalawa lang naipresenta sa gabinete ang draft ng nasabing EO. Kaya kanya muna itong aaralin bago lagdaan. Sa susunod na linggo na ayon sa Pangulong Duterte, mailalabas ang EO para sa FOI Bill. Una nang ipinangako ni Pangulong Duterte …

Read More »

Flood alert sa Metro pinalawig

flood baha

PINALAWIG pa ng PAGASA ang umiiral na flood alert sa Metro Manila at karatig na mga lugar dahil sa epekto ng habagat na pinaigting ng bagyong Butchoy. Nakataas ang red warning alert o matinding pagbaha sa ilang lugar sa Zambales at Bataan. Habang nasa orange alert o lantad pa rin sa pagbaha ang Cavite,  at Batangas. Samantala, may inisyal na …

Read More »

DSWD naka-alerto sa emergency response sa bagyo

NAKA-STANDBY alert status ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagresponde sa mga naapektohan ng bagyong Butchoy na may international name na Nepartak. Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, patuloy na mino-monitor ng kanilang ahensiya ang mga lugar na pinaka-apektado kabilang ang Maynila, Parañaque at Quezon City na nagpalabas ng yellow warning affect. Nakahanda umano ang kanilang quick …

Read More »

Ex-pres PNoy, Abad inasunto sa DAP

SINAMPAHAN nang panibagong kaso sa Ombudsman sina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at dating Budget Sec. Florencio “Butch” Abad dahil sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Batay sa reklamong inihain nina Bayan Muna Rep. Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at iba pang personalidad, kasong graft, technical malversation at usurpation of legislative powers ang inihain nila laban sa dalawang dating …

Read More »

Kidnapping, gun for hire tutukan — Duterte

NGAYONG puspusan ang kampanya ng administrasyong Duterte kontra-illegal na droga ay siguradong tataas ang kidnapping at gun for hire cases kaya inatasan niya ang pulisya na tutukan din ito. “I’m sure as the drug problem would go down, then you expect the criminality of gun for hire, and kidnapping will also rise. It just never ends,” sabi ni Pangulong Rodrigo …

Read More »

Kongresistang laging absent ‘wag sahuran — solon

HINIKAYAT ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang kanyang mga kasamahan na suportahan ang inihain niyang “no work, no pay bill” para matapos ang absenteeism sa Kamara. Iginiit ni Tiangco, hindi layunin ng kanyang panukala na siraan ang institusyon ng Kamara kundi ang hikayatin silang lahat na maging tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin. Kung ordinaryong manggagawa aniya ay hindi nababayaran …

Read More »

Pinoy chef sa UAE 6-buwan kulong sa prostitusyon

PINATAWAN ng anim buwan pagkakakulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) kaugnay sa pagkakadawit sa prostitusyon sa United Arab Emirates (UAE). Ayon sa ulat, isang 29-anyos Filipino chef na nagtatrabaho sa naturang bansa ang sinasabing pumayag na makipagtalik sa dalawang Emirates national sa edad na 21 at 25, nangyari sa isang villa sa Al Barsha noong Nobyembre 2015. Napag-alaman, makaraan …

Read More »

32-pulis NCR na ipinatapon sa Mindanao isasabak vs ASG

TUTULONG sa law enforcement operation ng Armed Forces of the Philppines (AFP) ang mga pulis NCRPO na idineploy sa Autonoumous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Police Regional Office-9 (PRO-9) sa western Mindanao. Paglilinaw ni PNP spokesperson, Senior Supt. Dionardo Carlos. hindi talaga literal na isasabak sa operasyon ang nasabing mga pulis lalo sa pagtugis sa mga bandidong Abu Sayyaf …

Read More »

Duterte may batayan vs 5 generals

TINIYAK ng Palasyo na may matibay na batayan si Pangulong Rodrigo Duterte nang tukuyin sa publiko ang limang heneral na sangkot sa illegal drugs. Sinabi ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, bilang presidente ay may ‘access’ si Pangulong Duterte sa lahat nang nakakalap na impormasyon ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Hindi pa aniya nakauupo sa Palasyo si Pangulong …

Read More »

Nat’l Hotline 8888 activated sa Agosto (Sumbungan vs katiwalian)

INAASAHANG magagamit na sa susunod na buwan ang national hotline na magiging sumbungan ng bayan laban sa tiwaling mga opisyal at empleyado ng pamahalaan. Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, isinasapinal na ang kaukulang mga hakbang para magamit ang 8888 at ang 911 Nationwide Emergency Response Center. Sa pamamagitan ng linyang 8888 ay maipaparating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang …

Read More »

Davao City may banta ng terorismo

NAHAHARAP sa banta ng terorismo mula sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang lungsod ng Davao. Ito ang isiniwalat kahapon ni Davao City acting Mayor Paolo Duterte. Ayon kay Duterte, kanila nang pinaigting ang kanilang intelligence monitoring upang berepikahin ang nasabing ulat. Inatasan na rin ni Duterte ang Task Force Davao at Davao City Police Office na higpitan …

Read More »

VP Robredo new HUDCC chair

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Ito ang kinompirma mismo ni Duterte sa interview ng government TV station. Ang nasabing ahensiya ay dati rin hinawakan ni Vice President Jejomar Binay sa ilalim ng Aquino administration. Ang paghirang ni Duterte kay Robredo na pamunuan ang HUDCC ay …

Read More »

Plunderer idadamay sa bitay

dead prison

IPINALALAKIP ng ilang kongresista ang mga mandarambong o mahahatulang guilty sa plunder sa mga dapat patawan ng parusang kamatayan. Nakapaloob ito sa House Bill 001 na inihain nina incoming House Speaker Pantaleon Alvarez at Capiz Rep. Fredenil Castro na naglalayong ibalik ang parusang kamatayan. Bukod sa plunder, kasama sa mga krimen na nakalinya rito para tapatan ng death penalty, ang …

Read More »

Batanes signal no. 2 kay Butchoy (4 domestic flights kanselado)

NAKATAAS na ang tropical cyclone signal number two sa Batanes Group of Islands, habang signal number one sa Calayan at Babuyan Group of Islands. Ayon kay PAGASA forecaster Meno Mendoza, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 235 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Nananatili ang lakas nitong 220 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 255 kph. …

Read More »

Ibang taxi Grab, Uber papapasukin sa NAIA

PAPAYAGAN na ng bagong pamunuan sa pangunahing paliparan ng bansa na kumuha ng pasahero ang mga white taxi sa arrival area upang mapunuan ang pagkukulang ng mga accredited transport service sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kasabay nito, hahayaan na rin ng Manila International Airport Authority (MIAA) na manatili ang Grab taxi at papapasukin na rin ng authority ang Uber. …

Read More »

2 tulak todas sa enkwentro sa Maynila

dead gun police

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng droga makaraan maka-enkuwentro ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa buy-bust operation sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga napatay na si Renato Badando, alyas Neno, 41, may live-in partner, ng Parcel St., Sta. Mesa, sakop ng Brgy. 630, at isang alyas Panget, 30-35 anyos. Batay sa ulat na …

Read More »

3,000 miyembro idadagdag sa PNP — Duterte

MAKARAAN pangalanan ang limang aktibo at retiradong mga heneral na sinasabing mga protector ng drug lords, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, kailangan pang dagdagan ang puwersa ng Philippine National Police (PNP). Bukod daw kasi sa problema sa kriminalidad, sinabi ng Pangulo na seryosong suliranin din ng bansa ang terorismo. Sinabi ni Pangulong Duterte, nasa 3,000 pa ang kailangang maidagdag sa …

Read More »

Order ni Digong: tanim-bala tapusin

MAGWAWAKAS na ang pagtatanim ng bala sa mga paliparan makaraan ipagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad ang paghuli sa mga pasaherong matutuklasang may bala sa kanilang bagahe. Sinabi ni Senior Superintendent Mao Aplasca, bagong director ng police Aviation Security Group (Avsegroup) kahapon, hindi ikukulong o kakasuhan sa korte ang mga pasahero kapag nakompiskahan ng bala, batay sa utos …

Read More »

Drug user, pusher hinarana ng pulisya sa Davao Del Norte

shabu drug arrest

HINARANA ng mga pulis sa bayan ng Kapalong Davao del Norte para kusang sumuko ang mga drug user at pusher. Ayon kay Chief Inspector Michael Seguido, hepe ng PNP sa Kapolong Davao del Norte, nagresulta sa pagsuko ng daan-daang kataong sangkot sa illegal drugs ang kanilang Project Marianita. Araw-araw aniya silang nagha-house to house sa bawat barangay para haranahin ang …

Read More »

Morale ng PNP mataas pa rin — Gen. Bato

ronald bato dela rosa pnp

TINIYAK ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, nananatiling mataas ang morale ng PNP kahit tatlo sa kanilang matataas na opisyal ang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa ilegal na droga. Sinabi ni Dela Rosa, ang kinakaharap nilang isyu ngayon ay bahagi lamang ng pagsubok sa buhay at darating ang panahon na lilipas din ito. Pagbibigay-diin ng …

Read More »

Team vs Narco-gens binuo ng Napolcom

BUMUO na ang National Police Commission (Napolcom) ng legal team na mag-iimbestiga sa pagkakasangkot ng tatlong aktibong police general sa isyu ng ilegal na droga. Ayon kay Napolcom Executive Officer Atty. Rogelio Casurao, sisikapin ng investigating team na makapaglabas ng report sa loob ng isang buwan bago desisyonan ang kaso ng police officials. Kabilang sa mga ibinunyag ni Pangulong Rodrigo …

Read More »