Saturday , January 11 2025

News

Bigtime drug lord sa Iloilo sumuko

ILOILO CITY – Personal na iprinesenta ni Melvin “Boyet” Odicta sa Iloilo City Police Office ang kanyang sarili bilang pagsuko sa Oplan Tokhang ng PNP kamakalawa. Si Odicta ay unang pinangalanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang big time drug lord at pinuno ng Odicta drug syndicate sa lungsod na nakabase sa Tanza Esperanza at Malipayon sa Iloilo City …

Read More »

Binatilyo utas sa saksak ng stepdad

PATAY ang isang 21-anyos lalaki makaraan pagsasaksakin ng kanyang stepfather bilang ganti sa pambabato ng bote ng biktima sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Michael Bansoy ng Block 9, Lot 22, Phase 2, Flovie Homes 2, Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan. Habang …

Read More »

3 tulak ng shabu, arestado sa Taguig

HINDI nakapalag ang tatlong hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga nang maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) sa ML Quezon Road sa Bagumbayan, Taguig City, Sabado ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na si Ernesto Evangelista, siyang target sa operasyon, live-in partner niyang si Jocelyn Osorio, at pamangkin na si Maynard Reyes. …

Read More »

5 sugatan sa salpukan ng SUV at owner-type jeep sa Antipolo

LIMA ang sugatan sa banggaan ng isang SUV at owner-type jeep sa Circumferential Road, Brgy. San Jose, Antipolo City, nitong Sabado ng madaling araw. Kritikal ang kalagayan ni Ruben Posada na naabutan ng rescue team habang nakahandusay sa kalsada. Samantala, agad naalis mula sa pagkakaipit sa loob ng Mitsubishi Montero Sport (UUI 797) ang driver nito na kinilalang si Jaime …

Read More »

10 patay, 12 sugatan sa sagupaan sa Maguindanao

COTABATO CITY – Sampu katao ang patay habang 12 ang sugatan sa sagupaan ng militar at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Shariff Aguak at Datu Unsay, Maguindanao kamakalawa. Ito ang kinompirma ni 34th Infantry Battalion Philippine Army commanding officer Lt/Col. Edgar Delos Reyes. Sinabi ni Delos Reyes, siyam miyembro ng BIFF ang namatay, 10 …

Read More »

1 patay, 2 sugatan sa nahulog na motorsiklo sa irrigation canal

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan nang mahulog ang sinasakyang motorsiklo sa irrigation canal sa national highway, Brgy. Ipet, Sudipen, La Union kahapon ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Jerick Mostoles, 22, habang sugatan ang driver ng motorsiklo at isa pang backride na sina Justin Luis Carpio, …

Read More »

Digong may pasabog sa SONA

POSIBLENG may matitinding mga pangalang babanggitin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 25. Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, bahagi ito nang pagiging transparent ng presidente sa kanyang laban kontra ilegal na droga. Gayonman, tumangging magbigay ng clue si Andanar kung sino-sino ang mga babanggitin ng Pangulo. Abangan na lamang …

Read More »

Drug syndicates nagpapatayan na — PNP

shabu drugs dead

HINDI pulis ang pumapatay sa lahat ng mga personalidad na sangkot sa ilegal na droga, ito ang binigyang diin ng pambansang pulisya kahapon. Ayon kay PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, dahil sa pinaigting na kampanya ng PNP laban sa illegal drugs ay hindi na maibenta pa ng mga distributor ang shabu. Sinabi ni Dela Rosa, ito ang dahilan …

Read More »

Vigilante group hinamon ng barilan ni Gen. Bato

ronald bato dela rosa pnp

HINAMON ng barilan ni PNP chief, Director General  Ronald dela Rosa ang mga vigilante na walang habas na pumapatay sa  hinihinalang drug personalities nitong nakaraang mga araw. Patunay aniya ito ng kanyang galit sa vigilantism o summary killings. Ayon kay Dela Rosa, matapang lang ang sinasabing mga  vigilante sa pagpatay ng mga inidibidwal na nakatali ang kamay, nakabusal ang bibig …

Read More »

24/7 construction sa gov’t projects ipatutupad

construction

PLANONG ipanukala ng Department of Budget and Mangement (DBM) na isulong ang non-stop o 24-hour contruction sa urban projects. Pahayag ito ni Budget Sec. Benjamin Diokno kasunod nang mga inilatag na programa ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Diokno, base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), umaabot sa P2.4 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng bansa kada araw dahil …

Read More »

Freddie Aguilar new NCCA chief

TINANGGAP ng OPM legend na si Freddie Aguilar ang alok ng Duterte administration na pamunuan ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Ayon kay Aguilar, kanyang ipatutupad ang cultural revolution para maibalik ang pag-uugali at sining na Filipino. Unang hiniling ni Aguilar kay Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng department para sa sining at kultura. Ngunit habang wala …

Read More »

‘Truck attack’ sa France walang Pinoy victim

WALA pang natatanggap na report ang Konsulada ng Filipinas kaugnay sa nadamay na mga Filipino sa nangyaring truck attack sa Nice, France. Ayon kay Consul Gen. Aileen Mendiola-Rau, wala pang ipinalalabas na official tally ng mga pangalan at nationality ang crisis committee ng French government kung kaya’t masyado pa raw maaga upang sabihin kung may nadamay na Filipino. “Wala pa …

Read More »

3 coed kritikal sa sagasa ng truck

TATLONG estudyante ang malubha ang kalagayan nang masagasaan ng isang delivery truck sa P. Casal St. kanto ng Concepcion St., San Miguel, Maynila nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Clarence Ray Ocampo, ng Technological Institute of the Philippines (TIP), Nika Francisco at Dafnie Lorenzo, kapwa ng National Teachers College (NTC), may gulang na 14 hanggang 16-anyos, pawang …

Read More »

Hakot system sa brgy & SK registration sinisilip ng Comelec

INAALAM na ng Comelec ang mga ulat ng hakot system kaugnay ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) registration na nagsimula kahapon. Una rito, sa ilang bahagi ng Maynila ay namataan ang mga sasakyan ng gobyerno na ginagamit ng ilang incumbent barangay officials upang hakutin ang magpaparehistrong mga botante. Nabatid na ipinagbabawal ang ano mang hakbang ng barangay officials para makapagbigay …

Read More »

Binay cases lilitisin ng 3rd Division ng Sandigan

HAHAWAKAN ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at kinabibilangan niyang ikatlong dibisyon ng anti-graft court ang paglilitis sa mga kasong kinakaharap ni dating Vice President Jejomar Binay. Ito’y nang mapunta sa third division ang kaso makaraan ang kanilang isinagawang raffle. Matatandaan, kinasuhan si Binay at iba pang dating opisyal ng Makati City government dahil sa overpriced Makati Parking Building o …

Read More »

Mangingisdang Pinoy pinag-iingat ng Palasyo sa Bajo de Masinloc

PINAG-IINGAT at hindi pinagbabawalan ng Palasyo ang Filipino fishermen na mangisda sa paligid ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kasunod ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na sakop ng 200-nautical mile exclusive economic zone ng Filipinas ang West Philippine Sea (WPS). “We are still saying that fishermen are …

Read More »

Interes ng US iniisip ni Duterte sa WPH

AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na masaktan ang damdamin ni Uncle Sam kaya isinasaalang-alang niya ang interes ng Amerika sa kanyang magiging diskarte sa isyu ng West Philippine Sea, bilang kaalyado ng Filipinas. Sa kanyang talumpati sa San Beda Law Alumni Association Testimonian Reception sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, inamin ni Duterte, nasa komplikadong sitwasyon ang Filipinas …

Read More »

Guidelines sa lifestyle check sa pulis inaayos pa

TINIYAK ng Department of the Interior and Local Government (DILG), itutuloy ang pagsasailalim sa lifestyle check sa mga pulis sa buong bansa. Ito ay parte pa ng ‘internal cleansing’ na ipinatutupad sa hanay ng pulisya. Ayon kay DILG Secretary Mike Sueno, magpapadala siya ng team mula sa ibang lugar na siyang magsasagawa ng lifestyle check sa bawat siyudad o probinsya. …

Read More »

Dagdag budget hirit ni Gen. Bato sa Palasyo (Sa random drug test sa PNP)

HUMINGI ng tulong si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa sa Palasyo ng Malacañang sa harap nang ipatutupad na malawakang random drug test sa kanilang buong hanay na bahagi ng kanilang ‘internal cleansing’. Ayon kay Dela Rosa, malaking budget ang kanilang kailangan para sa naturang drug examination. Dahil kulang ang pondo ng PNP, humingi sila ng saklolo sa tanggapan …

Read More »

Barker utas sa tandem sa Pasay

gun dead

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang barker na sinasabing drug user at babaero, ng hindi nakilalang  mga suspek na sakay ng motorsiklo habang  nagtatawag ng mga pasahero nitong Huwebes ng gabi sa Pasay City. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Reynaldo Baculo, 22, miyembro ng Batang City Jail, ng 307 G. Villanueva St., Brgy. …

Read More »

Notoryus na AWOL patay sa drug ops

shabu drugs dead

PATAY ang isang AWOL na pulis-Marikina, hinihinalang gunrunner, sangkot sa ilegal na droga at sangkot din sa pagpaslang sa dalawang pulis-Caloocan, makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3,  sa isinagawang drug operation sa Brgy. Pasong Tamo,Quezon City kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay QCPD district director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, …

Read More »

Endo dedo kay Digong (Hanggang 2017 na lang)

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III, tapusin na sa 2017 ang pagsasamantala ng mga kapitalista sa mga uring manggagawa sa pamamagitan nang pagtuldok sa umiiral na ENDO o end of contract scheme o labor-only-contracting. Sinabi ni Bello, galit na galit ang Pangulo sa ENDO kaya’t sa pinakahuling cabinet meeting ay muling ipinaalala sa kanya na …

Read More »

DAP wala sa Duterte admin — Diokno (P3.35-T budget inihirit)

DBM budget money

HINDI makakikita ang publiko ng Disbursement Acceleration Program (DAP) sa national budget sa buong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tiniyak ito Budget Secretary Benjamin Diokno matapos humirit ng P3.35 trilyong budget para sa 2017 ang administrasyong Duterte sa pagbubukas ng 17th Congress bago matapos ang kasalukuyang buwan. Sa press conference, sinabi ni Diokno, ang P3.35-T panukalang budget ay mas mataas …

Read More »

Suspek na napatay sa anti-drug ops halos 200 na

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga napapatay at sumusukong drug suspects. Batay sa inilabas na datos ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) mula Mayo 10 hanggang Hulyo 10 ng kasalukuyang taon, pumalo na sa 192 ang napapatay. Pinakamaraming naitala sa Region 4-A na nasa 57, sinundan ito ng Region 3 na nasa 46, at pumapangatlo ang …

Read More »

Ex-VP Binay kinasuhan sa city hall bldg scam

SINAMPAHAN nang patong-patong na kaso si dating Vice President Jejomar Binay sa Sandiganbayan. Si Binay ay kinasuhan ng graft, falsification of public documents at paglabag sa Government Procurement Reform Act. Kaugnay pa rin ito sa sinasabing overpriced na Makati City Hall Building II o Makati parking building na nagkakahalaga ng P2.28 bilyon. Oktubre noong nakaraang taon nang makitaan ng Office …

Read More »