ARESTADO ang dalawang ikinokonsiderang high value target sa pagtutulak ng droga sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District at Taguig City Police Station sa parking lot ng Sunshine Mall sa FTI, Taguig City kamakalawa. Sa ulat kay QCPD Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga nadakip na sina Suraida Guiomla alyas Aslia, 38, …
Read More »Libel vs Hataw ibinasura ng piskalya
ABSUWELTO ang kolumnista at iba pang opisyal ng pahayagang Hataw D’yaryo ng Bayan sa kasong libel na isinampa ng isang barangay chairman sa Maynila. Sa inilabas na review resolution ni Assistant City Prosecutor Winnie Edad nitong Agosto 30, 2016, ibinasura niya ang kasong libel na inihain ni Ligaya Santos laban sa mga respondent na sina Percy Lapid, kolumnista; Jerry Yap, …
Read More »P30-M ransom sa Norwegian hostage ‘di alam ng Palasyo
DUMISTANSYA ang Palasyo sa ulat na pinalaya ng teroristang Abu Sayyaf Group ang Norwegian hostage kamakalawa makaraan magbayad ng P30-M ransom. Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, pinanininndigan ng administrasyong Duterte ang no ransom policy ng gobyerno ngunit sakaling nagbigay ng ransom money sa ASG ang pamilya ng Norwegian hostage na si Kjartan Sekkingstad para siya’y palayain, hindi ito alam …
Read More »Witness na NBP inmates walang kapalit – DoJ (Kontra kay De Lima)
ITINANGGI ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na may ipinangakong kapalit ang Duterte administration sa high-profile inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) sa pagtestigo nila laban kay Sen. Leila de Lima. Ayon kay Aguirre, walang inialok na parole sa nasabing mga inmate kapalit nang pagsasalita nila laban kay De Lima. Haharap ang Bilibid inmates sa pagdinig ng Kamara sa Martes kaugnay …
Read More »Teddy ‘Boy’ Locsin ambassador to UN (Pantapat sa batikos)
ISANG hard-hitting media personality ang itatapat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagbatikos ng United Nations (UN) sa isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon. Itinalaga ni Pangulong Duterte ang abogado, dating press secretary, Makati City Rep., at media personality Teddy Boy Locsin Jr. bilang bagong Philippine ambassador to the United Nations. Sinabi kahapon ni Communications Secretary Martin Andanar, kinompirma …
Read More »In-city housing beneficiaries, iskolars dapat drug free – Tiangco
SINISIGURADO ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na “drug-free” ang lahat ng in-city housing beneficiaries at lahat ng mga iskolar sa pamantasan ng siyudad. “Huwag kayong magdo-droga. Iyan ang pinakapanuntunang dapat sundin ng mga beneficiaries ng housing at ang mga iskolar para makapasok sa mga programa ng siyudad,” ani Tiangco sa Ingles. “Violation of this rule means losing the house …
Read More »Pinoys kalma pero magmatyag – Palasyo (Sa pagsabog sa Chelsea NY)
MAGING kalmado at mapagmatyag. Ito ang payo ng Palasyo sa mga Filipino na nakabase sa New York makaraan ang pagsabog Chelsea district na ikinasugat ng 29 katao. “We advise Filipinos living in the area to remain calm and vigilant as we wait for further developments,” sabi ni Communications Secretary Martin Andanar. Nakatutok aniya sa sitwasyon ang Philippine Consulate General sa …
Read More »Chinese national patay sa ambush
PATAY ang isang Chinese national makaraan tambangan dakong 11:00 pm kamakalawa sa Binondo district sa Maynila. Kinilala ang biktimang si Hua Tian Shi, 28, binaril ng hindi nakilalang mga suspek sa bahagi ng Mapua St., Brgy. 301, Binondo, Manila. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binaril ang biktimang Chinese nang close range sa loob ng kanyang sasakyan. Iniimbestigahan ng pulisya ang …
Read More »3 Indons pinalaya ng ASG
PINALAYA na rin ng bandidong Abu Sayyaf sa probinsiya ng Sulu ang bihag nilang tatlong Indonesians bandang 1:00 am kahapon sa Jolo,Sulu. Nakalaya ang tatlong bihag, isang araw makaraan palayain ang isa pang bihag, ang Norwegian national na si Kjartan Sekkingstad kamakalawa sa Patikul. Ang paglaya ng tatlong Indonesian ay dahil sa isinagawang negosasyon ni Moro National Liberation Front (MNLF) …
Read More »Pulis patay sa Makati road crash
PATAY ang isang bagitong pulis sa naganap aksidente sa motorsiklo sa Magallanes Flyover sa Makati City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si PO1 Michael Jordan Tumbaga. Sa report ng Makati Police, naganap ang insidente bandang 2:00 sa nabanggit na lugar. Ayon sa bus driver na si Hendry Rodriguez, napansin niyang pagewang-gewang ang motorsiklo ng biktimang pulis sa Magallanes …
Read More »Armadong pulis puwede sa malls
KINOMPIRMA ng pambansang pulisya, puwede nang magpatrolya sa malls ang armadong mga pulis. Ito’y sa kabila nang banta sa seguridad at kaliwa’t kanang bomb scares na nararanasan sa Metro Manila. Ayon kay PNP Directorate for Operations, Chief Supt. Camilo Cascolan, makaraan mapagkasunduan ng PNP at mall security managers, pumayag na silang makapagpatrolya ang unipormadong pulis sa malls. Bukod sa uniformed …
Read More »2 pa itinumba sa Bulacan
NADAGDAGAN pa ang kaso nang pagpatay ng nakilalang mga salarin sa sinasabing mga sangkot sa ilegal na droga sa City of San Jose del Monte, Bulacan at karatig-bayan. Dakong 9:30 pm nang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo si alyas Michael sa CSJD, Bulacan. Habang natagpuan ang bangkay ng isang Renato Nicolas, 32, sa madamong bahagi ng Garden Village, …
Read More »2 high value target (HVT) sa drug war tinukoy ni Digong
TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang alkalde at isang barangay captain bilang mga high value target (HVT) sa drug war ng kanyang administrasyon. Sinabi ni Pangulong Duterte na sina Naguilian, La Union Mayor Reynaldo Flores at Boni Sultan, barangay captain sa Barangay Lumatil, Maasin, Saranggani Province ay positibong sangkot sa operasyon ng illegal drugs, batay sa pagsisiyasat ng mga …
Read More »1,138 patay, 17,319 arestado sa drug ops
INIULAT ng Philippine National Police (PNP), umaabot na sa 1,138 drug personalities ang napatay sa buong bansa sa pagpapatupad ng “Oplan Double Barrel” mula Hulyo 1 hanggang dakong 6:00 am kahapon, Setyembre 17. Batay sa pinakabagong report ng PNP kahapon, sa nasabing panahon, nasa 17,319 drug personalities ang naaresto sa isinagawang 18,832 police operations. Ang “Oplan Double Barrel” ay pinasimulan …
Read More »EJKs sa CSJDM itinanggi ng Bulacan PNP
MARIING itinanggi ni PNP Bulacan Provincial Director, Senior Superintendent Romeo Caramat na may kinalaman ang mga pulis sa sunod-sunod na pagdukot at pamamaslang sa mga residente ng City of San Jose Del Monte (CSJDM). Ayon kay Caramat, inatasan niya ang mga tauhan na patindihin pa ang pagbabantay at pagmamanman upang mahuli ang nasa likod ng mga pagpatay sa mga taong …
Read More »Payo ni Duterte sa AFP: Magsanay sa profiling, long fight vs terrorism
NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ang susi sa tagumpay ng giyera kontra-terorismo ay kilalanin ang kaaway. Sa kanyang pagbisita sa 5th Infantry Division sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Gamu, Isabela kahapon, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na ipatupad ang estratehiyang militar na kilalanin nang husto ang kaaway ng estado, partikular ang teroristang Abu Sayyaf Group …
Read More »Preso ng MPD patay sa bully
PATAY ang isang bilanggo sa Manila Police District (MPD) sa Malate, Maynila makaraan ang sinasabing pagdagan ng kapwa bilanggo. Ayon sa ilang saksi, madalas i-bully ng suspek na si Noriel Orbeta si Mario Santos, bago binawian ng buhay ang biktima. Pinaniniwalaang kinapos ang paghinga ni Santos dahil sa pagdagan ni Orbeta habang natutulog ang biktima. Napag-alaman, isang linggo pa lang …
Read More »Puri ng grade 1 ‘tinapalan’ ng kendi
SWAK sa kulungan ang isang lalaki makaraan ireklamo ng panghahalay sa isang Grade I pupil kapalit ng candy sa Malabon city kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) Senior Insp. Rosilitt Avila ang suspek na si Roger Marabiran, 40, ng Brgy. Concepcion sa nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 …
Read More »DepEd kailangan ng maraming math at science teacher
MALAKI ang pangangailangan ngayon ng Department of Education (DepEd) ng Math at Science teachers. Ito ay makaraan ang pagbubukas ng karagadagang teaching items dahil sa pagpapatupad ng K-12 program. Hinikayat ni DepEd Secretary Leonor Briones ang qualified teachers na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na DepEd offices. ( ROWENA DELLOMAS-HUGO )
Read More »P30-M ransom sa paglaya ng Norwegian
ZAMBOANGA CITY- Umaabot sa halagang P30 milyon halaga ng ransom money ang binayaran sa teroristang Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu kapalit nang pagpapalaya sa Norwegian national kidnap victim na si Kjartan Sekkingstad. Ayon sa impormasyon, isang Tahil Sali, commander ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nag-facilitate sa pagbayad ng ransom at pagpapalaya kay Sekkingstad. Napag-alaman, dakong 8:00 pm …
Read More »Presentasyon kay Digong ng Norwegian hostage naunsiyami
NAUNSIYAMI ang presentasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pinalayang Norwegian hostage na halos isang taon bihag ng teroristang Abu Sayyaf Group. Sinabi ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, nakansela ang pagharap kay Duterte ni Norwegian national Kjartan Sekkingstad sa Davao City dahil masama ang panahon sa Sulu. Si Sekkingstad ay pinalaya ng ASG kahapon dakong 4:00 pm sa Sulu sa …
Read More »DDS paiimbestigahan ng rights watch sa UN
HINIKAYAT ng Human Rights Watch na nakabase sa Estados Unidos, ang gobyerno ng Filipinas na hayaan ang United Nations (UN) na imbestigahan ang mga ibinulgar ni Edgar Matobato laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Brad Admas, Asia director ng grupo, imposibleng imbestigahan ni Pangulong Duterte ang kanyang sarili kaya mahalagang papasukin ang UN para pangunahan ang imbestigasyon. Noong 2009, …
Read More »2 drug suspect patay, 14 arestado sa tokhang
PATAY ang dalawang hinihinalang drug suspect habang 14 iba pa ang naaresto sa magkakahiwalay na Oplan Tokhang, Oplan Galugad, at buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa mga lungsod ng Taguig, Makati, Las Piñas at Muntinlupa. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang suspek na si Ferdinand Moldez makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Muntinlupa City. Naaresto sa nasabing insidente …
Read More »Anti-illegal gambling ops ‘di aabutin ng 6 months (Ayon sa PNP)
LEGAZPI CITY- Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na susuportahan ng taongbayan sakaling ipatupad na ang mahigpit na kampanya kontra illegal gambling. Ayon kay PNP chief, Director General NP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, itutuon ng pulisya ang atensiyon sa illegal gambling kapag tiyak na panalo na sa laban sa ilegal na droga. Binigyang-diin din ng PNP chief, …
Read More »4 tulak utas sa buy-bust
PATAY ang apat hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Maynila. Agad binawian ng buhay ang mga suspek na sina alyas Khairo at alyas Bentong, residente sa Norzagaray St., Quiapo, sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar kahapon. Ayon kay Major Michael Garcia, PCP Commander …
Read More »