PATAY ang isang mag-asawa na hinihinalang sangkot sa droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Sa imbestigasyon ni SPO2 Eduardo Tribiana, dakong 2:00 am nagpapahinga si Randy David, 38, at misis niyang si Marnele Casido, 28, sa kanilang bahay sa Blk. 12-B, Lot 5, Sulib Street, Brgy. …
Read More »3 dedbol sa ambush sa Malabon
PATAY ang tatlo katao makaraan pagbabarilin ng riding in tandem gunmen habang sakay ng L300 van sa Gov. Pascual Avenue, Malabon City dakong tanghali kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Rick Pablo, Ronaldo Sarquin at Carlo Rodriguez. Sa salaysay ng mga testigo, gumamit ang mga suspek ng sub-machine gun at cal. 45 sa pagpaslang sa mga biktima. Lumabas sa berepikasyon …
Read More »2 holdaper, pusher todas sa shootout
DALAWANG hinihinalang holdaper at isang drug pusher ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na operasyon kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD District Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, napatay ang dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS-4) sa pangunguna …
Read More »2 drug user patay sa buy-bust ops
PATAY ang dalawang lalaking hinihinalang gumagamit ng illegal na droga makaraan lumaban sa buy-bust operation ng mga pulis sa Quiapo, Maynila dakong 10:30 am kahapon. Kinilala ang mga napatay sa alyas na Jerome at Jun Tausug, kapwa residente ng Concepcion Aguila St., Quiapo. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), …
Read More »Mag-amang ASG arestado sa Zambo
ZAMBOANGA CITY – Arestado ang mag-ama na hinihinalang mga kasapi ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) at wanted kidnapper, sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) kamakalawa sa Brgy. Sta. Barbara sa Zamboanga City. Kinilala ni Police Regional Office (PRO9) director, Chief Supt. Billy Beltran, ang mag-amang suspek na si Abdul-latip Talanghati Suwaling, alyas Latip Sihata at Tatang, 64, at …
Read More »2 kelot todas sa vigilante
PATAY ang dalawang lalaking sinasabing napagkamalan na sangkot sa illegal na droga, makaraan pagbabarilin ng hinihinalang mga miyembro ng vigilante group sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Dakong 3:00 pm nasa loob ng kanilang bahay si Richard Panganiban, 38-anyos, ng 1610 Ilang-Ilang St., Camarin, nang pasukin ng apat lalaki at siya ay pinagbabaril. Habang patay rin …
Read More »3 estudyante patay sa motorsiklo vs mini dump truck
BUTUAN CITY – Patay ang tatlong high school student makaraan salpukin ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang mini dump truck sa Sitio Bioborjan, Brgy. Rizal kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang estudyanteng lalaking driver ng motorsiklo na si Lito Estrada Makapinig, 15, residente ng Brgy. Lipata, habang dinala sa Caraga Regional Hospital ang tatlong mga kasamahan ngunit namatay rin ang …
Read More »Import ban ng China mula sa PH inalis na
INALIS na ang ipinatupad na suspensiyon ng China sa pag-aangkat ng mga produktong nagmumula sa Filipinas. Ito ang inanunsiyo ni Agriculture Sec. Manny Piñol, makaraan silang makatanggap ng abiso mula sa mga opisyal ng naturang bansa. Magugunitang nagpataw ng ban sa importasyon ng mga prutas ang China mula sa Filipinas dahil sa inihaing kaso ng ating bansa sa Arbitral Tribunal …
Read More »Batangas niyanig ng 4.1 magnitude quake
NIYANIG ng 4.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Batangas at mga karatig na lugar. Naitala ito dakong 3:32 pm kahapon. Natukoy ang epicenter sa 21 km timog kanluran ng Calatagan, Batangas. May lalim itong 103 km at tectonic ang pinagmulan. Naramdaman ang intensity III sa Lubang Island, Intensity II sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at Calatagan, Batangas. Habang …
Read More »Sumuko sa Tokhang, dedo sa tandem
BINAWIAN ng buhay ang isang tricycle driver na kabilang drug watch list ng Barangay Anti-Drug Council makaraan pagbabarilin ng apat hindi kilalang mga suspek sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Mauricio Recto, 59, ng C-4 Road, Brgy. Tañong, ng lungsod, ayon sa pulisya ay sumuko na kamakailan sa …
Read More »86-anyos lola patay sa sunog
CEBU CITY – Hindi nakalabas nang buhay ang isang 86-anyos lola nang ma-trap sa loob ng kanyang nasusunog na bahay sa Brgy. Malolos, bayan ng Barili kahapon. Ayon kay FO1 Dennis Villa sa Barili Fire Station, nagluluto ang biktimang si Dionisia Empinado nang mangyari ang insidente. Sinasabing napansin na lang ng mga kapitbahay ng biktima na lumiyab ang bahay ng …
Read More »Tserman, 6 pa patay sa Quiapo drug raid (263 kalalakihan inaresto)
PATAY ang pito katao, kabilang ang barangay chairman, makaraan ang inilunsad na anti-illegal drug operation sa Quiapo, Maynila kahapon. Kabilang sa mga napatay sina Barangay 648 Chairman Nohg Faiz Macabato, may P1 milyon patong sa ulo, Kagawad Malic Bayantol, Gaus Macabato, at apat hindi pa nakikilalang kalalakihan, isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ngunit pawang idineklarang dead on …
Read More »3 suspek sa Davao bombing arestado
ARESTADO ang tatlong miyembro ng Maute terrorist group na hinihinalang nasa likod nang madugong pagsabog sa Davao City na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 70 biktima. Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, naaresto ang tatlong suspek noong Oktubre 4 sa Cotabato City sa isinagawang checkpoint operation. Aniya, may nakuha silang matibay na ebidensiya na nagpapatunay na ang nabanggit …
Read More »Duterte very satisfactory sa militante
VERY satisfactory o gradong 8 ang ibinigay ng mga militanteng grupo sa Southern Mindanao sa unang 100 araw ng administrasyong Duterte. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan-Southern Mindanao Region (Bayan-SMR), pa-sado si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mi-litanteng grupo sa Davao City kung pag-uusapan ang mga nasimulang gawin, ginagawa at gagawin pa. Ngayong ika-100 araw ng Pangulo sa Palasyo, binigyan ni …
Read More »Chinese telcos papasukin sa PH — Duterte (Nabuwisit sa bagal ng telcos sa bansa)
DAVAO CITY – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang telecommunication companies (telcos) sa bansa gaya ng Smart, PLDT, Globe at Sun Cellular, na ayusin ang serbisyo kung ayaw nilang makatikim sa kanya. Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa National Banana Congress sa Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte, nagtitiis lamang siya ngayon at nagpapasensiya sa mabagal na serbisyo ng telcos. …
Read More »Matobato isinuko ni Trillanes sa PNP (Seguridad tiniyak ni Gen. Bato)
ISINUKO ni Senador Antonio Trillanes IV nitong Biyernes ng umaga ang nagpakilalang isa sa mga hitman ng sinasabing Davao Death Squad (DDS), sa national headquarters ng pulisya sa Camp Crame. Inilagay ng senador sa kustodiya ng mga pulis si Edgar Matobato ilang oras makaraan ilabas mula sa Senate Building sa Pasay City. Tumestigo si Matobato sa pagdinig ng Senate justice …
Read More »Pinoy sa US pinag-iingat sa Hurricane Matthew
PINAALALAHANAN ng embahada ng Filipinas sa Amerika ang mga Filipino sa apat na estado na nakatakdang hagupitin ng Hurricane Matthew. Ayon sa Philippine embassy, dapat sumunod ang mga Filipino sa utos ng mga opisyal sa Florida, Georgia, North at South Carolina at lumikas. Nasa 225,000 Filipino ang nakatira sa apat na estado na inaasahang tatamaan ng bagyo. Sa estado ng …
Read More »Samar niyanig ng magnitude 4.5 lindol
NAYANIG sa magnitude 4.5 lindol ang Samar at Leyte bandang 3:09 am kahapon. Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol 48 kilometro sa hilagang-silangan ng Catbalogan, Samar. May lalim na 36 kilometro ang naturang lindol at tectonic ang ori-gin. Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bayan sa Northern Samar, Eastern Samar, Tacloban City, Borongan City, at …
Read More »Drug case vs De Lima ikinakasa — DoJ
INIHAHANDA na ng Department of Justice (DoJ) ang isasampang kaso laban kay Sen. Leila de Lima. Sinabi ni DoJ Sec. Vitaliano Aguirre II, kakasuhan ang senadora ng kasong paglabag sa Dangerous Drug Act, Section 5, sakop nito ang pagbebenta, trading, administration, dispensation, delivery, distribution at transportation ng ilegal na droga. Aniya, gagawing batayan nila sa pagsasampa ng kaso ang testimonya …
Read More »Lookout bulletin vs driver ni De Lima
MAGPAPALABAS ang Department of Justice (DoJ) ng lookout bulletin laban sa dating driver ni Sen. Leila De Lima na si Ronnie Dayan. Ito ay nang mabigong sumipot si Dayan sa pagdinig ng House Justice Committee kahapon kaugnay ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Paliwanag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, mayroon pang 24 oras si Dayan para magpaliwanag …
Read More »Senador na lulong sa cocaine tukuyin (Senators kay VM Duterte)
HINAMON ng mga senador si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na pangalanan ang binabanggit niyang senador na gumagamit ng cocaine. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, seryosong akusasyon ito at maaaring maging kasiraan ng lahat ng senador hangga’t hindi pinapangalanan ang tunay na dawit sa ilegal na gawain. Habang para kay Senate President Koko Pimentel, saka na lang niya papatulan …
Read More »Anti-wiretapping, bank secrecy law aamyendahan
PLANO ng House committee on Justice na amyendahan ang ilang mga batas sa gitna ng imbestigayson hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) Sinabi ni Justice Committee chairman Reynaldo Umali, ang nakikita nilang kailangan “i-relax” na batas ang Anti-Wiretapping Law at ang Bank Secrecy Law ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Ngunit paglilinaw ni Umali, mahigpit …
Read More »Digong drug war rating ibinida ng Palasyo
ITINUTURING ng Malacañang na pagpapatibay sa landslide victory ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 84 porsiyento ng mga Filipino ay kontento sa ‘all-out war’ laban sa ilegal na droga ng administrasyon. Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, patunay itong naniniwala ang mayorya ng mga kababayan na epektibo ang inilunsad na …
Read More »Cocaine ipinalit ng drug addicts sa shabu — Bato
NAGBABALA si PNP chief Director General Ronald dela Rosa sa mga drug dependent na tigilan na ang kanilang masamang bisyo. Ito’y sa harap nang pagmahal ng presyo ng shabu na ngayon ay pumapatak na sa P6 milyon hanggang P7 milyon kada kilo kompara sa dating P1 milyon kada kilo nito. Sinabi ni Dela Rosa, bunsod nang mahal na bentahan ay …
Read More »Militar kakayanin kahit walang aid mula sa US at EU
TINIYAK ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, kakayanin pa rin ng puwersa ng militar ng Filipinas kahit wala na ang foreign financial assistance mula sa Amerika at European Union (EU). Ito ay makaraan patulan at hamunin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabanta ng US at EU na maaari nilang bawiin ang kanilang ibinibigay na tulong sa bansa. Nag-ugat ito sa tumataas …
Read More »