Saturday , January 11 2025

News

Hostages ng Somali pirates kumain ng daga (Limang taon sa gubat)

NAIROBI, Kenya – Isinalaysay nang nakalayang 26 seafarers ang naging karanasan nila sa limang taon pagiging hostage ng mga pirata sa Somalia. Ang nasabing seafarers ay mga tripulante ng barkong FV Naham 3 na ini-hijack ng mga pirata noong 2012. Kabilang sa kanila ang apat Filipino habang ang iba ay galing China, Cambodia, Indonesia, Vietnam at Taiwan. Sinabi ni Arnel …

Read More »

17-anyos binatilyo humithit ng damo nagsaksak sa sarili (Sakit ng ulo ‘di nakayanan)

SINASABING bunsod nang hindi makayanang sakit ng ulo, nagpasya ang isang 17-anyos binatilyo na humithit ng marijuana at pagkaraan ay nagsaksak sa kanyang sarili na nagresulta sa kanyang pagkamatay dakong 9:30 pm kamakalawa sa Taguig City. Nalagutan ng hininga bago idating sa Rizal Medical Center ang biktimang si Reden Presas, ng M. Lucas St., Purok 3, Brgy. Napindan ng lungsod. …

Read More »

Laborer patay sa torture ng 2 bayaw

GENERAL SANTOS CITY – Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng isang construction worker na nalagutan ng hininga sa pagamutan makaraan pasuin sa ari, pasakan ng kahoy sa bibig saka binugbog, inihulog sa tulay, dinampot saka itinapon sa imburnal ng dalawa niyang bayaw. Kinilala ang biktimang si Gino Cuyan, 20-anyos, residente ng Tago, Brgy. Bawing, nitong lungsod. Sa salaysay ng ama, …

Read More »

13-anyos binatilyo nagbigti

PALAISIPAN sa Muntinlupa City Police ang 13-anyos binatilyo na natagpuan ng kanyang nakatatandang kapatid habang nakabigti sa kanilang bahay kamakalawa sa Muntinlupa City. Kinilala ang biktimang si Simon Sunga, grade 8 student, residente ng Kappiville Subdivision, Katihan, Brgy. Poblacion, ng nasabing siyudad . Base sa ulat na nakarating kay Muntinlupa City Police chief, Senior Supt. Nicolas Salvador, natagpuan ng kapatid …

Read More »

4 utas, 7 arestado sa buy-bust

PATAY ang apat hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis habang pito ang arestado sa buy-bust at drug operation sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Ayon kay Sr. Supt. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, dakong 2:30 am nang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Police Community …

Read More »

Pusher patay, drug den maintainer 3 pa tiklo

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher na nagtangkang hagisan ng granada ang mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang barilin ng mga pulis habang naaresto ang isang babaeng drug den maintainer sa operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Holy Spirit ng lungsod, iniulat ng pulisya kahapon. Sa ulat kay QCPD District Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, …

Read More »

3 motorcycle riders tigok sa jeep

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang tatlo katao nang masagasaan ng jeep makaraan magsalpukan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa bayan ng Bacnota, La Union. Kinilala ang mga biktimang sina Jed Almodovar, 19, lulan ng isang motorsiklo; Leonardo Mendoza, nakasakay sa isa pang motorsiklo, at ang angkas niyang si Jerbel Diaz, 17-anyos. Base sa imbestigasyon ng …

Read More »

Freddie Aguilar pinalitan si nat’l artist Rio Alma sa KWF (Naglalaway sa chairmanship ng NCCA)

SA Oktubre 30, itatalaga ang kompositor ng awiting Anak na si Freddie Aguilar bilang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ayon sa isang mapagkakatiwalaang Palace source, muling nabuhay ang pagtatalaga sa puwesto kay Aguilar, nang maghain ng courtesy resignation ang Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario bilang tagapangulo ng KWF. Ang resignasyon ni Almario ay alinsunod sa …

Read More »

Isang drum na shabu lumutang sa dagat ng Aurora

ISANG drum na puno ng tinatayang 40 kilo ng shabu ang natagpuang lulutang-lutang sa baybaying-dagat ng Dingalan, Aurora. Ayon sa ulat, ang drum ay natagpuan ng isang mangingisda makaraan manalasa ang bagyong Karen sa probinsiya ng Aurora nitong nakaraang linggo. Sa ngayon, ang natagpuang drum ng shabu ay dinala na sa regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central …

Read More »

Bebot, 10-anyos dalagita tiklo sa 1 kg shabu

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang isang kilo ng shabu mula sa isang 23-anyos babae at isang 10-anyos dalagitang lulan ng SUV sa checkpoint sa Saguiran, Lanao del Sur nitong Biyernes ng gabi. Ayon kay Col. Joselito Pastrana, commander ng 65th Infantry Battalion, minamaneho ni Raihana Disalo ang Hyundai Tucson nang parahin ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Brgy. Pawak …

Read More »

Duterte ginagamit na ‘langgas’ ni Erap (Sa paninindigang anti-US)

GINAGAMIT ni ousted president at convicted plunderer Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang paninindigang kontra-Amerika ni Pangulong Rodrigo Duterte para palabasin na ang US ang nagpakana ng EDSA 2 at ilihis sa katotohanan na serye ng anomalyang kinasangkutan niya ang tunay na dahilan. Ito ang pahayag ng isang political observer kaugnay sa warning ni Erap kay Duterte na baka magpakana …

Read More »

Digong bumisita sa Cagayan at Isabela

BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang Tuguegarao City, Cagayan, isa sa mga lalawigan sa northern Luzon na sinalanta nang husto ng supertyphoon Lawin. Pinangunahan ng Pangulo, kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, ang pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ni Lawin. Nagpunta rin sa Ilagan, Isabela ang Pangulo para tingnan ang sitwasyon …

Read More »

Committe report sa SSS pension hike aaprubahan sa Nobyembre 15 (Pangako ng House panel)

AAPRUBAHAN ng House of Representatives committee on government enterprises and privatization sa susunod na buwan ang kanilang report kaugnay sa panukalang pagkakaloob ng P2,000 dagdag sa buwanang pensiyon ng Social Security System (SSS) members. Sinabi ni Committee chairman North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan, ang committee report sa 16 panukala ay aaprubahan (with or without the presence of SSS …

Read More »

67 katao nahilo sa amoy ng asupre sa Mt. Bulusan

LEGAZPI CITY- Apektado na ang mga residenteng malapit sa Mt. Bulusan sa Sorsogon dahil sa ilang araw nang pag-aalburuto ng bulkan. Kamakalawa, muling naitala ang panibagong phreatic eruption na umabot sa 5mm ang kapal ng abong ibinuga nito sa bahagi ng Brgy. Inlagadian sa bayan ng Casiguran. Ayon kay Municipal DRRM Officer Louie Mendoza, 67 katao ang nakaranas ng pagkahilo …

Read More »

P2-B pinsala ni Lawin sa infra, agriculture

UMABOT sa mahigit P2 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Lawin sa northern Luzon. Ito ay batay sa inisyal na pagtaya ng mga lokal na pamahalaan. Sa ulat na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang estimate damage sa impraestruktura ay umabot sa P1,402, 245,000 at ang danyos sa agrikultura ay nasa P645,515,777.90. Kabilang …

Read More »

Financial aid sa OFWs nakahanda – Bello (Nasapol ni Lawin)

CAUAYAN CITY, Isabela – Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P30 milyon pondo mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para bigyan ng financial assistance ang pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) na sinalanta ng bagyong Lawin sa Isabela at Cagayan. Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III sa kanyang pagdalaw sa mga kababayang sinalanta ng bagyo …

Read More »

Hostage-taker na bangag todas sa parak (Babae, bata, sugatan)

PATAY sa mga pulis ang isang lalaking sinasabing bangag sa droga makaraan i-hostage ang isang batang babae, isang sanggol, at isang babae sa Dasmariñas, Cavite nitong Sabado ng hapon. Kinilala ang napatay na si Peter Abingcula, ini-hostage ang isang 8-anyos batang babae at isang-taon gulang na sanggol na babae, gayondin ang 21-anyos na si Marian Famarin. Ayon kay Supt. Boy …

Read More »

2 tigok sa tandem, 2 suspek tigbak sa parak

PATAY ang dalawa katao nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects at dalawa ang sugatan kabilang ang isang paslit na tinamaan ng ligaw na bala, habang namatay rin ang mga suspek makaraan makipagbarilan sa nagrespondeng mga pulis sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Agad binawian ng buhay sa insidente ang mga biktimang sina Noel Kilantang, 40, at alyas Teresa, 45-anyos. Habang ginagamot …

Read More »

1 patay, 1 missing 5 survivor sa lumubog na bangka

CAUAYAN CITY, Isabela – Patuloy na hinahanap ng rescue team ang kapitan na siyang may-ari ng pampasaherong bangkang tumaob noong kasagsagan ng bagyong Lawin sa Divilacan, Isabela. Sinabi ni Sandy Celeste, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMMO) ng Divilacan, Isabela, sa pagtaob ng bangka ay tinangay ng alon sa dagat ang may-ari nito na si Benny Pillos at …

Read More »

Brgy. kagawad itinumba

BINAWIAN ng buhay ang isang barangay kagawad makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa harap ng kanilang bahay sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa. Nalagutan ng hininga habang dinadala sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Edmund Caranza, 42, ng Brgy. 350, Zone 35, District 3, at residente sa M. Natividad St., sa Sta. Cruz. Sa imbestigasyon ni SPO1 …

Read More »

3 drug suspect utas sa parak

PATAY ang magkapatid na lalaki at isa pang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraan lumaban sa mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa Sta. Ana, Maynila nitong Sabado. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang magkapatid na sina Jerson M. Colaban, 36, at Jossing M. Colaban, 30, gayondin ang isa pang suspek na si Joseph Baculi, nasa …

Read More »

US may pakana ng terorismo sa PH — Digong

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagal nang may kamay ang Amerika sa paghahasik ng terorismo sa Filipinas, partikular sa Mindanao, na lalong nagpaningas ng galit niya kay Uncle Sam. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Davao City Airport, tahasang tinukoy ng Pangulo na limang taon na naglabas-masok sa Davao City ang Amerikanong si Michael Terrence Meiring, isang Central …

Read More »

Terorismo inimporta ng Amerika (Digong kay Trump)

INIMPORTA ng Amerika ang terorismo sa kanilang bansa kaya dapat aminin ito sa sarili ni Republican presidential bet Donald Trump, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa press conference sa Davao City  Airport kamakalawa ng gabi, bagama’t wasto ang pagkabahala ni Trump sa terorismo sa Amerika ngunit kailangan suriin ang isyu nang malaliman upang mabatid ng presidential bet …

Read More »

RELASYON SA US ‘DI PUPUTULIN — DUTERTE

DAVAO CITY – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi “separation of relation/ties” ang kanyang naging deklarasyon sa state visit sa China laban sa Amerika kundi “separation of foreign policy” lamang. Ito ang sagot ng Pangulo nang tanungin kung tatapusin na ng Filipinas ang relasyon sa Estados Unidos makaraan ang kanyang deklarasyon na nagdulot ng kalituhan. Ayon kay Pangulong Duterte, …

Read More »