Friday , December 5 2025

Local

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa Brgy. Caingin, sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 15 Mayo. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktimang si Alona Oliveros, tinatayang edad 35-40 anyos, may asawa, market collector sa Batia …

Read More »

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan sa bayan ng Pandi, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 15 Mayo. Sa ulat na kinalap mula sa tanggapan ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga biktimang sina sina Jairus Lao, alyas Jay, 39 anyos, at Khalil Dimaporo, …

Read More »

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong Division Public Affairs Office (DPAO) head sa isang Change of Chief of Office ceremony na pinangunahan ni 2nd ID Assistant Division commander Brig. Gen. Jose Augusto V. Villareal sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal kamakalawa ng umaga. Si outgoing DPAO chief Lt. Col. Hector A. …

Read More »

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

Alexis Castro Connor Costello

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian parliamentarians na mapaigting ang pagiging strategic partners ng Filipinas at ng Commonwealth of Australia. Ayon kay Bise Gobernador Alexis Castro, partikular na prayoridad ng Australian delegation ang pagtutulungan para sa lalong pag-unlad ng lalawigan sa larangan ng edukasyon, pagpapatupad sa sustainable development goals (SDG), pamumuhay …

Read More »

SK Chairman sa Negros kumisay sa instalasyon  ng bombilya todas

Dead Electricity

BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa bayan ng Toboso, lalawigan ng Negros Occidental nitong Miyerkoles, 8 Mayo. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Welmar Tapang, 23 anyos. Ayon kay P/Maj. Jun Ray Batadlan, hepe ng Toboso MPS, katatapos magpaligo ng kanyang anak ni Tapang nang maisipang palitan ang pundidong bombilya …

Read More »

Sa Pangasinan
LOLO NATUPOK SA SARILING  SIGA, PATAY

fire dead

HINDI sinasadyang masilaban ng apoy ng isang 74-anyos lalaki ang kanyang sarili habang naglilinis ng masukal na lupa sa Brgy. Inoman, bayan ng Pozorrubio, lalawigan ng Pangasinan, nitong Martes, 7 Mayo. Ayon sa pulisya, nagsisiga ng mga damo at dahon ng kawayan ang biktimang kinilalang si Fabian Songcuan, 74 anyos. Hindi napansin ni Songcuan na lumalaki na ang apoy at …

Read More »

6 drug suspects timbog sa Bulacan

Bulacan Police PNP

NASAKOTE ang anim na indibiduwal na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 7 Mayo. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlo sa mga suspek na huli sa aktong bumabatak sa ikinasang drug sting operation ng Marilao MPS sa Brgy. …

Read More »

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng SM Foundation sa SM City Marilao, sa lalawigan ng Bulacan. Nagsama-sama ang mga doktor at mga boluntaryo upang magbigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mahihirap na pasyente sa komunidad. Bukas sa publiko ang iba’t ibang serbisyo, tulad ng medical at dental check-ups and procedures, blood …

Read More »

International AIDS Candlelight Memorial ginunita ng Bulacan

International AIDS Candlelight Memorial ginunita ng Bulacan

GINUNITA ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang International AIDS Candlelight Memorial kahapon sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos, Bulacan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kamalayan at paghihikayat ng suporta sa paglaban sa HIV at AIDS. Isang mensahe ng pakikiisa ang ibinigay ni Provincial Health Officer Annie Balingit mula sa Provincial Health Office – …

Read More »

Lungsod ng Baliwag, top performing LGU sa Bulacan

Ferdinand Estrella Baliwag Bulacan

IPINAPAKITA ang kanyang hindi natitinag na pangako sa pag-unlad at kahusayan, ang Lungsod ng Baliwag na pinamumunuan ni Mayor Ferdinand V. Estrella ay niraranggo bilang top performing local government unit sa Lalawigan ng Bulacan sa seremonyal na paggawad ng Top 10 Most Competitive LGU sa 2023 Cities at Municipalities Competitiveness Index – Provincial Ranking na ginanap sa The Pavilion, Hiyas …

Read More »

Sa San Jose del Monte at sa DRT
2 TIRADOR NG MOTORSIKLO SUGATAN SA ENKUWENTRO, SIGANG DE BOGA ARESTADO

Sa San Jose del Monte at sa DRT 2 TIRADOR NG MOTORSIKLO SUGATAN SA ENKUWENTRO, SIGANG DE BOGA ARESTADO

DALAWANG suspek ang sugatan sa armadong enkuwentro sa City of San Jose Del Monte, at isa ang inaresto sa Doña Remedios Trinidad (DRT) sa Bulacan dahil sa pagbabanta at ilegal na pagdadala ng baril. Sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakasaad na agad nagresponde ang San Jose Del Monte CPS matapos …

Read More »

Van bumaliktad sa Cebu 
2-ANYOS BATA, 1 PA PATAY, 21 SUGATAN

050624 Hataw Frontpage

DALAWA katao ang namatay habang 21 iba pa ang nasaktan nang bumaliktad nang maraming beses ang isang overloaded van sa Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) nitong Sabado.                Sa weekend report ng 24 Oras Weekend, ipinakita ang dashcam footage mula sa isang sasakyan na isang puting van ang nag-overtake nang biglang umusok ang kaliwang nito. Nawalan ng control ang van at …

Read More »

PRO IV-A kinilala tagumpay, momentum ng anti-illegal drug ops

PRO IV-A kinilala tagumpay, momentum ng anti-illegal drug ops

GINAGABAYAN ng Philippine Anti-Illegal Drug Strategy, ipinagmalaki ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang mga pagsisikap na ginawa ng mga katuwang na ahensiya sa pagtataguyod ng isang kapaligirang walang droga. Isa rito ang Police Regional Office CALABARZON na kabilang sa mga unang police regional offices na nakakuha ng 100% drug-free distinction. Dumalo si Executive Director, Undersecretary Earl Saavedra, bilang Guest of …

Read More »

Sa buwan ng Abril,  
705 KATAO ARESTADO SA ANTI-CRIMINALITY OPS NG LAGUNA PNP

705 KATAO ARESTADO SA ANTI-CRIMINALITY OPS NG LAGUNA PNP

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 705 personalidad sa Anti-Criminality Operation ng Laguna PNP sa pamumuno ni P/Col. Gauvin Mel Y. Unos, Acting Provincial Director ng Laguna PPO. Sa ulat, sinabing ang Anti-Criminality Operational Accomplishments ng Laguna PPO ay isinagawa sa buong buwan ng Abril 2024 sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, illegal gambling, operation against …

Read More »

2 manyak na kelot sa Bulacan tiklo

2 manyak na kelot sa Bulacan tiklo

DALAWANG lalaki na kabilang sa most wanted persons (MWPs) ang magkasunod na nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala kay P/Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang dalawang akusado na may kasong rape ay naaresto sa maghiwalay na trackdown operation ng Bulacan PNP. Kinilala ang unang inaresto na …

Read More »

10 tirador ng kableng tanso naaktohan sa pangungulimbat

electric wires

SA MABILIS at koordinadong operasyon kahapon ng madaling araw, Huwebes 2 Mayo 2), matagumpay na naharang ng Cabanatuan City Police Station (CPS), na suportado ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), ang isang gang ng mga magnanakaw sa aktong kinukulimbat ang 700 metrong copper cable na nagkakahalaga ng P600,000 sa Cabanatuan City. Ang pinagtangkaang nakawin ng gang ay ang mga kritikal …

Read More »

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa ng mga awtoridad hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 1 Mayo, sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nagkasa ng warrant of arrest ang tracker team ng Marilao MPS laban kay alyas Carlito, 39-anyos construction worker …

Read More »

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

Bulacan ilog dredging

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa mga bumabaw na ilog ng Angat, Malolos-Kalero, Pamarawan, Malolos-Pamarawan channel, at sa Offshore Delta Bulacan o sa dalampasigan ng lalawigan ng Bulacan mula Obando hanggang Calumpit sa Manila Bay. Ito ang iniulat ni Gob. Daniel Fernando matapos ang ginawang sub-surface soil investigation, geological exploration at …

Read More »

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

shabu drug arrest

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual (HVI) na kinakompiskahan ng P387,000 halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug buybust operation ng San Pedro PNP. Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel  Unos, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Jay at Myra kapwa residente sa San Pedro City, Laguna. …

Read More »

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

Arrest Posas Handcuff

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong pananakit sa kanyang kinakasama sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang inarestong suspek ay kinilalang si alyas Ronnie, 53 anyos, residente sa Brgy. Mulawin, Francisco Homes, sa naturang …

Read More »

Banta ng HPV inaagapan libreng bakuna sa mga bata sa public schools inilunsad

Vaccine

INILUNSAD ng PGB, PHO-PH ang magkasanib na inisyatiba para labanan ang mga banta ng HPV sa Bulacan. Bilang bahagi ng patuloy na pangako ni Gobernador Daniel R. Fernando sa kalusugan at kapakanan ng publiko, ang Kagawaran ng Kalusugan kasama ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office – Public Health ay nagsagawa ng Bulacan HPV Vaccination Launching …

Read More »

NEGOSYANTE NINAKAWAN, PINASLANG   
P1.8-M cash, alahas, sasakyan tangay

crime scene yellow tape

ISANG kilalang negosyante ang pinagsasaksak nang mahigit 50 beses matapos pagnakawan sa kanyang tahanan sa isang subdibisyon sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City. Sa ulat ng PNP Region 4A  nitong Martes, kinilala ang biktimang si William Tibayan, sakay ng kanyang Toyota Hilux Conquest papasok sa parking area ng kanilang bahay dakong 2:40 am nang biglang bumulaga ang tatlo lalaki, tinutukan …

Read More »

PRO 4A kasado sa tatlong-araw transport strike

Paul Kenneth Lucas PNP PRO4 Calabarzon

Camp BGen Vicente P. Lim – Nagsagawa ng mga hakbanging proaktibo ang Police Regional Office CALABARZON upang mabawasan ang posibleng tunggalian o insidente kasunod ng tatlong-araw na transport strike ng PISTON transport group simula 29 Abril 29 hanggang 1 Mayo 2024 na humihiling sa gobyerno na i-junk ang franchise consolidation deadline sa 30 Abril. Inutusan ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas …

Read More »

9 lawbreakers sa Bulacan, kinalawit

Bulacan Police PNP

ANG NAGPAPATULOY na operasyon laban sa kriminalidad ng pulisya sa Bulacan ay humantong sa pagkaaresto sa mga indibiduwal na sangkot sa paglabag sa batas kamakalawa. Sa ulat na isinumite kay P/Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, unang naaresto ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS) ang isang drug dealer sa isinagawang buybust operation sa Brgy. San Juan, …

Read More »