Friday , December 5 2025

Front Page

Kapalaran ni Erap nasa kamay ng SC-Dirty Harry

IPINAUUBAYA na ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa Korte Suprema ang kapalaran ni dating pangulo at ngayon Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada. Sakay ng taxi, naka-dilaw na t-shirt, walang bodyguard nang dumating si Mayor Lim sa lingguhang “Tapatan sa Aristocrat Forum” sa Malate, Maynila, kamakalawa. Tumangging magpalawig si Lim nang tanungin hinggil sa disqualification case laban kay Estrada. “Bahala …

Read More »

Blacklist sa ospital ipatutupad ng PhilHealth (Bwelta sa PHAP)

BINIGYANG-DIIN ni PhilHealth President/CEO Alex Padilla na hindi kinakatawan ni Dr. Rustico Jimenez ang buong Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP). Sa harap ito nang banta ni Jimenez na maaaring hindi na kilalanin ng kanilang mga miyembro ang PhilHealth card ng mga pasyente kung hindi mababayaran ng PhilHealth ang pagkakautang sa mga pagamutan. Sinabi ni Padilla, katunayan ay itinanggi …

Read More »

Bangkay ng bebot hubo’t hubad sa ilog

ROXAS CITY – Patuloy ang imbestigayon ng pulisya sa pagpatay sa isang 18-anyos babae na natagpuang hubo’t hubad ang bangkay sa Brgy. Goce President Roxas, Capiz kamakalawa. Ang biktimang si Maricel Telesforo ay huling nakita sa sayawan noong gabi bago siya natagpuang walang buhay. Natagpuang nakahiga sa batuhing bahagi ng ilog, may sugat sa ulo sanhi ng pagpukpok ng bato …

Read More »

P1-M cash, alahas nasikwat sa Japayuki

Tinatayang mahigit P1 milyong halaga ng cash, alahas at iba pang gamit ang natangay ng magnanakaw sa bahay ng isang dating entertainer sa Japan sa Sampaloc, Maynila. Sa salaysay ng biktimang nagpatago sa pangalang “Candy,” nagsimba siya kasama ang ilang kaibigan pero pagbalik niya, nagulat siya nang makitang sira na ang lock ng pinto ng kanyang bahay. Bagamat bukas na …

Read More »

3-anyos nalunod sa septic tank

BUTUAN CITY – Patay ang isang 3-anyos batang lalaki nang mahulog at malunod sa septic tank sa Brgy. Obrero sa Butuan City kamakalawa. Ayon kay PO2 Angeles Dolesen ng Butuan City Police Station 1, dakong 6 p.m. pag-uwi ng amang si Jonahan Yongco, Sr., agad niyang hinanap ang bunsong anak na si JM Yongco. Ipina-blotter niya ang pagkawala ng anak …

Read More »

Coco Levy imbestigahan sa Kongreso

ISANG ‘listahan’ ang hawak ng isang banko na mas masahol pa sa “pork barrel list” at dapat busisiin ng mga mambabatas sa Kongreso. Inihayag ito ni dating Manila representative Benny Abante, kaugnay ng aniya’y mas masahol pa sa listahan ng mga nakinabang sa P10-billion pork barrel scam at “kung may bait pa tayo sa ating bansa, hindi dapat isawalang-bahala ng …

Read More »

Lola, sanggol patay sa ipo-ipo

KIDAPAWAN CITY – Nag-iwan ng dalawang patay at isang sugatan ang malakas na ipo-ipo na tumama sa North Cotabato dakong 5 p.m. kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Princess Jelyn Tubal, 5-buwan gulang, at Teresita Murillo, 53, habang sugatan si Danny Asinas, 46, pawang mga residente ng Sitio Mauswagon, Brgy. Salunayan Midsayap North Cotabato. Ayon sa ulat ng pulisya, …

Read More »

85-anyos lola patay sa sunog

Patay ang 85-anyos lola nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Batis, San Juan, iniulat kahapon. Ayon sa pulisya, kinilala ang biktimang si Remedios Rodriguez-Go, 85-anyos, namatay dahil sa suffocation sa naganap na sunog sa 447 Pascual street. Nabatid, matagal nang may karamdaman na diabetes ang matanda kaya hindi na siya nakalalakad. Sa ulat, nagsimulang sumiklab ang apoy …

Read More »

Desisyon ng Sandiganbayan pabor sa Marcoses pinagtibay ng SC

KINATIGAN ng Supreme Court ang pagbasura ng Sandiganbayan sa 120 piraso ng dokumento na isinumite ng gobyerno laban kay dating First Lady Imelda Marcos at ilang miyembro ng pamilya Tantoco. Ayon sa Korte Suprema, walang pag-abuso sa poder na ginawa ang Sandiganbayan makaraan ibasura ang nasabing mga ebidensiya dahil sa kabiguan ng gobyerno na ito’y ipresenta sa pretrial ng kaso. …

Read More »

Anti-Dynasty Law hindi una sa Palasyo

HINDI prayoridad ng Palasyo na magkaroon ng anti-political dynasty law kahit pa nakasaad sa 1987 Constitution na kailangan magkaroon ng batas upang ganap na maipagbawal ang pamamayagpag ng mga angkan ng politiko sa bansa. “ ‘Yan po ay isa sa mga isinasaad ng ating Konstitusyon ng 1987, ngunit kinakailangan ng batas para ipatupad ito. ‘Nong huling tinanong si Pangulong Aquino …

Read More »

Pope Francis sa Middle East: Kapayapaan

BETHLEHEM – Nasa Bethlehem na si Pope Francis bilang bahagi ng kanyang tatlong araw na pagbisita sa Middle East na tinaguriang “sensitive part.” Layon ng biyahe ng Santo Papa na paigtingin ang regional peace at magkaroon ng kaunting kaluwagan sa “age-old rift” sa Kristiyanismo. Unang nagtungo si Pope Francis sa Jordan nitong Sabado, siya’y umapela na tuldukan na ang giyera …

Read More »

Pusakal na holdaper itinumba sa Divisoria

PATAY ang lalaking si alyas Linga makaraan barilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila. (ALEX MENDOZA) TODAS ang isang kilalang ‘tirador’ sa Divisoria nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek habang nakaupo sa “tejeras” (folding chair), kamakalawa sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang kinilala sa pangalang “Linga,” sanhi ng mga tama …

Read More »

Thailand’s ex-PM ikinulong sa military barracks

Ikinulong ng militar ang ex-Thailand Prime Minister Yingluck Shinawatra kasunod ng deklarasyon ng kudeta sa bansa na nasa ilalim pa ng martial law. Kabilang si Yingluck sa mahigit 100 matataas na opisyal na ipinatawag ng militar na kumukontrol sa bansa. Ayon kay National Security Adviser Lt. Gen. Paradon Patthanathabut, ipiniit si Yingluck sa military barracks sa labas ng Bangkok para …

Read More »

Whistleblower pa kumalas kay Baligod

Sinibak na rin ng whistleblower na si Merlina Suñas si Levito Baligod bilang abogado sa multi-bilyong pork barrel scam. Batay sa liham ng testigo, nagpapasalamat siya sa mahigit isang taon paggabay sa kanya ni Baligod sa kontrobersyal na kaso. Walang ibinigay na rason si Suñas sa pagtanggal kay Baligod, pero nakasaad na epektibo ito nitong Biyernes, Mayo 23.

Read More »

Aus$800 natangay ng ‘Ativan Gang’ sa Columbian national

Natangay ang Aus-$800 ng isang Columbian na isa rin volunteer, matapos mabiktima ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Ativan gang, sa Quiapo, Maynila. Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District – General Assignment (MPD GAS) ang biktimang si  Viviana Ruiz Gomez, 36, Tacloban volunteer, nanunuluyan sa 5663 Don Pedro St., Poblacion, Makati para ireklamo ang ginawa sa kanya ng tatlong suspek. …

Read More »

Kinse binasted ng 12-anyos nagbigti

Nagbigti ang 15-anyos binatilyo nang mabigo sa pag-ibig sa kanyang nililigawang 12-anyos dalagita, sa barangay Buduan, Burgos, Ilocos Norte. Nakabigti pa nang natagpuan ang biktimang si Jomel Avila nang matagpuan ng mga kaanak at kaibigan. Nabatid na dumating sa bahay si Avila na umiiyak dahil umano binasted ng nililigawan. Nagkulong siya sa kuwarto at makalipas ang ilang oras ay lumabas …

Read More »

Diga ng senglot dinedma dalaga binoga sa paa

NANGANGANIB maputulan ng isang paa ang 39-anyos dalaga dahil sa pamamaril ng manliligaw na kanyang inisnab sa isang inuman sa Navotas City kamakalawa ng hapon. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Angie Lumdino, ng Block 34, Phase 2 Area 2, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng …

Read More »

Holdaper utas sa enkwentro

Nakabulagta sa gilid ng bangketa ang isa sa dalawang riding in tandem robbery group nang maka-enkwentro ang mga tauhan ng QCPD-Stn.6 sa Kagawad St., Area C, Brgy. Batasan Hills, QC. (ALEX MENDOZA) PATAY ang isa sa dalawang hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Baranngay Batasan ng lungsod, kamakalawa ng gabi. Sa ulat …

Read More »

Broadcaster sa Digos utas sa ambush ( Media killing resolbahin — PNoy)

DAVAO DEL SUR – Patay ang isang media practitioner makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo dakong 7 a.m. kahapon sa Digos City, Davao del Sur. Kinilala ang biktimang si Sammy Oliverio, isang blocktime radio commentator sa University of Mindanao Broadcasting Network (UMBN). Sinasabing mula sa palengke si Oliverio kasama ang kanyang asawa at habang pauwi …

Read More »

Bitay sa Pinoy 2 pa habambuhay (Sa espionage, economic sabotage)

HINATULAN ng bitay ang isang Filipino nitong Abril 30 ng Qatari court bunsod ng kasong espionage at economic sabotage, habang dalawa pang kababayan ang hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa kaparehong asunto, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon. Sa press briefing sa Manila, sinabi ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose, may abogado na umasiste sa mga …

Read More »

Daddy pinatay si Mommy sa harap ng 5-anyos anak (Bago nagbaril sa ulo)

SELOS ang hinihinalang motibo sa pagpatay ng overseas Filipino worker (OFW) sa dati niyang kinakasamang OFW rin, bago magbaril sa ulo, sa harap ng kanilang 5-anyos anak, sa Barangay Roxas District, Quezon City kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay Chief Supt. Richard Albano, Quezon City Police District (QCPD) Director, mula kay C/Insp. Rodelio Marcelo, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) …

Read More »

Boundary agreement nilagdaan ng PH, Indonesia

  SINAKSIHAN nina Pangulong Benigno S. Aquino III at Excellency Susilo Bambang Yudhoyono, Pangulo ng Republic of Indonesia, ang paglagda nina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Indonesian Minister of Foreign Affairs Dr. R.M. Marty Natalegawa sa Agreement on the Exclusive Economic Zone (EEZ) Boundary sa Reception Hall ng Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS) IKINAGALAK nina Pangulong Benigno “Noy-noy” …

Read More »

4 pulis-MPD ini-hostage sa bahay ng gambling lord

APAT kagawad ng Manila police  ang ini-hostage  ng mga tauhan ng gambling lord na nag-o-operate sa Lungsod ng Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang mga kagawad ng pulisya na sina Insp. Arial del  Rosario, PO1  James Poso, PO3 Adonis Aguila at PO2 Elmer  Revita, nakatalaga sa MPD General Assignment Section. Nabatid, inatasan ni MPD Director Rolando Asuncion  ang hepe ng MPD-GAS …

Read More »

3 Koreano minasaker sa Cebu

NEGOSYO ang hinihinalang motibo sa pagpatay sa tatlong Koreano sa loob ng Lapu-Lapu City sa lalawigan ng Cebu kamakalawa ng gabi. Natagpuang patay sa loob ng Han Ga Wi restaurant sa Brgy. Maribago sa Lapu-Lapu City dakong 5 p.m. kamakalawa ang mag-asawang sina Ho An at Kim Soonok, at ang anak nilang si Young Mi An. Ayon kay Chief Insp. …

Read More »