Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

T’yak na pondo sagot sa klimang nagbabago

MATAPOS salantain ng bagyong Santi ang mga sakahan at produktong agrikultura noong Sabado, itinutulak ngayon ni AGRI partylist (Agri- Agra Para sa Magsasakang Pilipinas) Rep. Delph Gan Lee ang “mas nakatuon at mahabaang pagbuhos ng pondo ng gobyerno sa sektor ng agrikultura upang ibsan ang perhuwisyong dala ng climate change.” Sa pahayag kamakalawa, iginiit ni Gan Lee na bukod sa …

Read More »

Sole probe vs Ma’am Arlene mas gusto ng SC (Walang tiwala sa NBI)

IPINAWALANG-BISA ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang utos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes P. Sereno na imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sinasabing  fixer sa korte na isang Ma’am Arlene. Nagpasya ang mga mahistrado na ang SC en banc na ang magsagawa ng imbestigasyon sa  paglutang ng pangalang Madam Arlene na sinasabing malakas ang impluwensiya …

Read More »

Visayas quake death toll 158; 374 sugatan

UMAKYAT na sa 158 ang patay habang 374 ang sugatan sa naganap na lindol nitong Martes. Sa ulat ng NDRRMC, nabatid na pinakamarami pa ring namatay ang malapit sa sentro ng lindol sa lalawigan ng Bohol. Ayon kay PO3 Carl John Legazpi, operations clerk ng provincial office ng Bohol, nasa 145 na ang naitalang namatay sa Bohol. Bukod dito, 374 …

Read More »

PMA tumulong sa disaster operations sa Central Visayas

KASUNOD ng 7.2-magnitude na lindol sa Central Visayas nitong nakaraang Martes, agad na nagpadala ng medical team ang Philippine Medical Association (PMA) para tumulong sa disaster operations ng pamahalaan sa Cebu at Bohol. Ayon kay PMA president Dr. Leo Olarte, ang mga medical team, na pinamumunuan ni PMA governor for Central Visayas Dr. Alan Torrefrancia, ay nagresponde simula pa noong …

Read More »

Jinggoy dinuro si Alan

NAGKASAGUTAN sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Alan Peter Cayetano. Ito ay matapos ihayag ni Estrada na bawasan ang pagiging pakikialamero ni Cayetano. Kaugnay pa rin ito sa pagharap ni Janet Lim Napoles sa imbestigasyon ng Senado sa susunod na Linggo hinggil sa P10 billion pork barrel scam, na dapat ding humarap ang mga senador na may reklamong plunder dahil …

Read More »

Senior Citizens, pinababayaan ni Brillantes?

Kinondena ng mga nakatatanda sa Novaliches, Quezon City ang patuloy na pagsuway ni Comelec Commissioner Sixto Brillantes sa utos ng Supreme Court (SC)  na iproklama na ang dalawang karapat-dapat na kinatawan ng Senior Citizens party-list para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan sa Kongreso. Bagamat diniskuwalipika ng Comelec ang Senior Citizens party-list na may dalawang paksiyon, nakakuha pa rin ng 677,642 …

Read More »

Usig ng konsensiya ’di nakayanan kelot nagbigti

HINDI na nakayanan ng konsensiya at pagmumulto ng kaluluwa ng isang biktima ng krimen na kanyang nasaksihan, nagbigti  ang isang 45-anyos na lalaki sa kanilang bahay sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Norberto Brez ng gate B-3 Gawad Kalinga, Baseco compound, Port Area,  Maynila. Sa imbestigasyon ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police district Homicide …

Read More »

Bigas sa Bohol at Cebu segurado

TINIYAK ng National Food Authority (NFA) na magiging sapat ang supply ng bigas at iba pang pagkain sa mga lalawigan ng Bohol at Cebu at sa iba pang mga lugar sa Visayas at Mindanao sa kabila ng malaking pinsala na idinulot ng magnitude 7.2 lindol na tumama roon nitong Martes. Base sa huling mga ulat umaabot na sa 144 katao …

Read More »

Crop insurance isinusulong ng solon (Para sa mga magsasaka)

DAHIL sa sunod-sunod na pananalasa ng kalamidad sa sektor ng agrikultura, iginiit ngayon ni COOP NATCO Partylist Rep. Anthony Bravo sa Kongreso ang agarang pagpasa ng kanyang panukalang batas na naglalayong buhusan ng pamahalaan ng sapat na pamumuhunan ang crop insurance upang “bigyan ng paseguro ang puhunang isinugal ng ating mga magsasaka,” lalo na sa produksiyon ng bigas. Ang panukalang …

Read More »

18 obrero inararo ng jeep, 1 dedbol

ISA patay at 17 sugatan, dalawa nasa kritikal na kalagayan makaraang araruhin ng rumaragasang dyip habang nag-aabang ng masasakyan ang mga trabahador kamakalawa ng gabi sa Pasig City. Kinilala ang namatay na si Pancho Gregy Cabuac, 22 anyos ng Brgy. Rosario, Pasig habang isinusugod sa Pasig City General Hospital. Sugatan naman ang kapwa nito trabahador ng Peerless Integrated Services na …

Read More »

3 opisyal ng MPD pabor sa bitay

PABOR ang tatlong mataas na opisyal ng Manila Police District (MPD) na ibalik ang parusang bitay laban sa mga pusakal na kriminal. Ito ang pahayag nina Sr/ Supt. Ronald Estilles, deputy director for administration, Chief Insp. Erwin Margarejo,   ng District Police Relations Division at Chief Insp. Claire Dudal,  taga-pagsalita ng MPD sa linggohang Mabuhay Forum ng Manila City Hall Press …

Read More »

Neneng 5-anyos pinag-shabu, kelot arestado

“Imbes makapagturo at maging magandang impluwensiya, siya  pa ang nagtuturo at sapilitang pinahitit ng  shabu ang aking anak.” Ito ang reklamo  ng ina ng 5-anyos nene na ginawang laruan at pilit na  pinahitit ng shabu ng isang adik sa  Caloocan City . Agad naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Alvin Bejeramo, 22, residente  ng  1541 Salmon St., Brgy. …

Read More »

PNoy nagbanta vs MWSS board sa Milyon-milyong bonus (Dahil sa mga kaso ng katiwalian)

IPINASISIBAK kay Pangulong Aquino ang mga opisyales ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na tumanggap umano ng milyon-milyong pisong bonus at allowances sa kabila ng ‘di magandang financial performance ng ahensya. Iginiit ng grupo ng mga empleyado sa MWSS board na isauli ang mahigit P1.7 milyon allowance at bonuses na ibinigay sa apat na miyembro ng board sa kabila …

Read More »

Mag-uutol patay 100 bahay naabo sa Maguindanao

PATAY ang magkakapatid habang 100 bahay ang naabo sa naganap na sunog sa Brgy. Taviran, Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao kamakalawa ng gabi. Halos hindi na makilala ang bangkay ng magkakapatid na sina Bailingga Benito, 25; Baiculot Benito, 18; at Baishirca Benito, 15-anyos. Sa ulat ng pulisya, bigla na lamang lumiyab ang malaking apoy sa nasabing barangay pagkatapos ng brownout. Hirap …

Read More »

93 patay, 200+ sugatan sa 7.2 lindol (22 simbahan pininsala)

GUMUHO ang 400-anyos estruktura ng San Pedro Church sa Loboc, Bohol, nang tamaan ng 7.2 magnitude earthquake ang Bohol, Cebu at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao. Hindi rin nakaligtas ang Chocolate Hills view deck at national highway sa sa Carmen Bohol. (Grab sa Facebook mula sa kuha ni Robert Michael Poole) UMAKYAT na sa mahigit 93 ang patay …

Read More »

DepEd supervisor, mister utas sa hired killers (Principal sugatan)

CALASIAO, Pangasinan – Patay ang supervisor  ng Department of Education sa Pangasinan at ang kanyang mister na guro habang sugatan ang isang punong-guro matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo sa Brgy. Mancup sa bayang ito kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mag-asawang napatay na sina Dr. Lelita Rancodo at Rolando Rancodo, parehong residente sa bayan ng Basista, Pangasinan. …

Read More »

Flights nabalam, paglalayag kanselado (Dahil sa lindol sa Bohol at Cebu)

ILANG flights patungong Tagbilaran at Cebu ang nabalam kahapon ng umaga makaraang tumama ang malakas na lindol sa Visayas region. “All Cebu Pacific Air flights from Tagbilaran, Bohol and Cebu are suspended in the meantime, due to a strong earthquake this morning,” anang Cebu Pacific sa kanilang advisory. Ilang oras din nabalam ang Philippine  Airlines flight PR 773 na patungong …

Read More »

200+ barangay sa Masbate nasa election watchlist

LEGAZPI CITY – Nakaalerto ang buong lalawigan ng Masbate para sa nalalapit na barangay elections. Ito’y matapos mailagay sa watchlist ng pulisya ang mahigit kalahati ng kabuuang 550 barangay sa lalawigan dahil sa mga lugar na ito maaaring mangyari ang kaguluhang isinisisi sa mga rebeldeng komunista o ng mainit na pag-aagawan sa pwesto ng mga kandidato. Sa apela ni Masbate …

Read More »

Comedy bar manager, 1 pa patay sa boga

DALAWANG lalaki ang napatay na kapwa biktima ng pamamaril sa magkahiwalay na lugar sa Maynila iniulat kahapon. Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng MPD homicide, kinilala ang  unang biktimang si  Danilo ‘Dante’ Onanad, 52, manager ng comedy bar, umano’y kolumnista ng Diaryong Pinoy, residente ng Block 5, Ext., Baseco Compound, Port Area, Maynila. Dakong 7:00 ng gabi nakaupo si …

Read More »

Holdaper tigok sa kuyog

PATAY ang isa sa dalawang holdaper nang dumugin ng galit na mga lalaking nakasaksi sa panghoholdap  habang sugatan sa pananaksak ang isa sa mga humabol sa mga suspek sa Pasay City kahapon ng umaga. Halos hindi makilala sa tindi ng pinsala sa mukha ang hinihinalang holdaper na kinilalang si Jayson Encabo alyas “Batman,” residente ng 2430 Gamban Extension, Ilang-Ilang St., …

Read More »

Trike driver dedo, 3 malubha sa adik

ISANG tricycle driver ang namatay habang malubhang nasu-gatan ang tatlong iba pa nang pagbabarilin ng isang adik sa isang lamayan ng patay sa Caloocan City kahapon ng mada-ling araw. Dead on the spot ang biktimang si Cesar Todilla, 44-anyos, ng Pama-Sawata, Brgy. 28 sa nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril …

Read More »

3 carnapper timbog, 2 pa dedbol sa enkwentro

TATLONG carnapper ang nadakip habang dalawa ang napaslang ng mga awtoridad sa magkahiwalay na insidente sa Maynila at Quezon City kahapon. Nasakote ng pulisya ang kilalang carnapper at narekober ang ninakaw na motorskilo habang nagsasagawa ng spotting ope-ration. Kinilala ang notorious carnapper na si Arvy Salvador alyas Neo Salvador, na matagal nang  pinaghahanap ng pulisya dahil sa mga ninakaw na …

Read More »

Karuhatan market admin utas sa bala

PATAY ang isang market administrator matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang naniningil ng renta sa loob ng isang palengke sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon. Patay agad ang biktimang kinilalang si Juliana Lopez, 42-anyos, residente ng Cristobal, St., Brgy. Karuhatan ng na-sabing lungsod sanhi ng isang tama ng bala nang hindi nabatid na kalibre ng baril sa likurang bahagi …

Read More »

11 adik na parak sinibak

SINIBAK ang 11 pulis sa Region 12 matapos mapatunayang sangkot sa ilegal na droga sa kanilang nasasakupan. Ang mga pulis na sinibak ay pawang nakompirmang positibo sa paggamit ng ilegal na droga at sangkot sa iba’t ibang drug-related activities sa kanilang lugar. Ayon kay Region 12 police director, Chief Supt. Charles Calima, Jr., tinanggal sa pwesto ang 11 pulis na …

Read More »