LAGUNA – Dalawang itinutu-rong notoryus na drug pusher ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa Lumban, Laguna sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Maytalang Uno sa nasabing bayan. Kinilala ni Senior Insp. Luis Perez, hepe ng pulisya, ang na-arestong mga suspek na sina Ernesto Catapang, Jr., 41, driver, at residente ng Brgy. Sampalocan, Pagsanjan, Laguna, at Willy Flores, …
Read More »Masonry Layout
Nanuba ng utang grabe sa tarak ng vendor
KRITIKAL ang isang mister matapos singilin at hindi makapagbayad ng utang sa isang vendor sa Malabon City, kamakalawa ng hapon . Kritikal ang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Antonio Tates, 34-anyos, ng 400 Sitio Gulayan, Brgy. Catmon, sanhi ng dalawang saksak sa dibdib. Agad naaresto ang suspek na si Jessie Ratoni, 59-anyos, vendor at …
Read More »Suspensyon kay Sabio kinatigan ng CA
KINATIGAN ng Court of Appeals (CA) ang parusang suspension ng Ombudsman kay Chairman Camilo Sabio at apat na iba pa ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) na sangkot sa maanomalyang pagrenta ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P5.3 milyon noong 2007. Sa 19-na-pahinang decision na isinulat ni Associate Justice Ramon Cruz (na pinaboran nina Associate Justices Noel Tijam at …
Read More »Sekyu binoga sa mukha, todas
WALA nang buhay at duguang nakahandusay ang 21-anyos security guard nang madatnan ng kanyang karelyebo, sa binabantayang bakanteng lote, sa Malate, Maynila, kamakalawa. May tama ng bala sa mukha ang biktimang si Joemar Sallote, sa bakanteng lote na kanyang binabanta-yan sa kanto ng Singalong at Francisco streets sa Malate. Si Sallote ay empleyado ng Helenian Security Agency sa #3 Rosal …
Read More »Ex-Marikina councilor utas sa ambush (Dahil sa jueteng war?)
PATAY sa ambush ang dating opposition councilor ng Marikina City at sinasabing isa rin jueteng lord habang sugatan ang isa sa kanyang dalawang kasama matapos tambangan paglabas ng sabungan sa Cainta, Rizal, nitong Sabado ng hapon. Kinilala ni Senior Supt. Rolando Anduyan, PNP Provincial Director, ang namatay na si Elmer Nepomuceno, 51 anyos, habang sugatan ang driver na si Elmer …
Read More »Noynoy nag-walkout (Nanlumo sa 95% pagkawasak ng Tacloban)
NAG-WALK OUT si Pangulong Benigno Aquino III sa disaster council meeting sa Tacloban bunsod ng panlulumo kaugnay sa lawak ng pinsala ng super typhoon Yolanda. Ayon sa ulat, desmayado si Aquino sa mga ulat na ipinahayag sa kanya ng mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay sa kalagayan ng Leyte, partikular sa Tacloban, na sinasabing …
Read More »10,000 plus death toll kay Yolanda
Pinangangambahang nasa 10,000 katao ang namatay sa Leyte sa hagupit ng super typhoon Yolanda. Ito ay batay sa pagtataya ng pamahalaang lokal. Ayon kay Police Regional Office 8 (PRO-8) regional director, C/Supt. Elmer Soria, batay sa kanilang pagpupulong kamakalawa ng gabi ni Leyte Governor Dominico Petilla, at batay sa kanilang assessment, nasa 10,000 katao ang patay sa nasabing probinsya. Ngunit …
Read More »Apat bagyo pa sa Disyembre —Pagasa
Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging maganda ang panahon sa mga susunod na araw. “Wala pang nakikitang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) at asahan po natin na sa susunod na tatlo hanggang apat na araw makararanas tayo ng mainit na panahon at may pulo-pulong pag-ulan lang sa …
Read More »Customs modernization isusulong sa Kamara
POSITIBO ang resulta matapos ang ikatlong araw ng 15th meeting ng ASEAN Customs Procedures and Trade Facilitation and Working Group na dinaluhan ng mga delegado ng 10-member Association of South East Asian Nations (ASEAN), na ginanap sa Traders Hotel, kamakailan. Tinalakay ang Strategic Plans of Customs Development (SPCD) para sa ASEAN Integrated Economy sa 2015, na pinangunahan ng PH Bureau …
Read More »Pamilya timbog sa drug bust
ISANG pamilya ang nabistong nagkakalakal ng ilegal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Taguig City police kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod. Kinilala ni Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Station Anti-illegal Drug Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ng Taguig police ang mga suspek na sina Alvin Villa Agustin, 23; ang kinakasamang si Jhonelyn Magpatag, …
Read More »5-anyos nene niluray ng lover ni lola
NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng 40-anyos lalaki matapos halayin ang 5-anyos batang babae sa Lucena City. Sa ipinadalang ulat ng Quezon Police Provincial Office, personal na nagsampa ng reklamo ang ina ng biktima laban sa suspek. Kwento ng bata, hinalay siya ng suspek na napag-alamang live-in partner ng lola niya. Tumanggi naman ang PNP na magbigay pa ng …
Read More »British baby kinidnap Pinay arestado
NAKAPIIT ang isang Filipina sa Malaysia makaraang isangkot sa pagdukot sa 20-buwan gulang na British baby, ayon sa ulat ng Malaysian news site kahapon. Sa isyu ng Malaysia’s New Straits Times, ang Filipina ay nagtatrabaho bilang kasambahay sa pamilya ng sanggol na si Freddie Joseph. “The woman is believed to have been employed with the family for about a year,” …
Read More »Presyo ng gasolina at diesel bumaba
Alas 12:01 ng madaling araw, nagpatupad ang Shell ng P0.60 kada litrong rollback sa gasolina, P0.60 sa diesel at P0.70 sa kerosene. Maliban sa kanilang mga estasyon sa Cebu at Bohol na P0.60 kada litro rin ang tinapyas sa gasolina, habang P0.25 lamang ang ibinawas sa diesel at P0.50 sa kerosene. Sa parehong oras, nagbaba rin ng P0.60 kada litro …
Read More »PH binayo ng world’s strongest typhoon
bagyo MAHIGIT na sa 300 kilometro ang lakas ng hangin ng super typhoon Yolanda. Ito ay batay sa advisory na inilabas ng US Navy and Air Force Joint Typhoon Warning Center (JTWC) dakong 11 p.m. kamakalawa, oras sa Filipinas. Ang Yolanda na binansagan ng international weather agencies bilang “world’s strongest tropical cyclone of 2013″ ay umaabot na sa 305 kph …
Read More »Taho vendor kalaboso sa hostage (Anim na buhay nanganib sa LPG)
NAILIGTAS ng mga tauhan ng Taguig City Police ang anim katao kabilang ang apat na bata na ginawang hostage ng isang taho vendor sa loob ng kanilang bahay sa naturang lungsod kahapon ng tanghali. Halos tatlong oras ang inabot bago nailigtas ang mga hostage na sina Tristan Subilio, 15-anyos; mga kapatid na sina Luis, 13; Bonbon, 10; at 2-anyos na …
Read More »Economic sanctions vs PH ikinasa ng HK solons
NAGING “overwhelming” ang boto ng Hong Kong lawmakers sa panukalang pagpataw ng economic sanctions laban sa Filipinas, kaugnay sa 2010 Manila hostage-crisis. Una rito, nagbanta ng economic sanction ang gobyerno ng Hong Kong laban sa Filipinas kapag wala anilang naging progreso sa pag-uusap ng magkabilang panig sa nangyaring Manila hostage incident noong 2010. Ayon kay Hong Kong leader Leung Chun-ying, …
Read More »‘Paul Gutierrez’ lumutang sa sapa (Sinumpong ng sakit sa utak )
PATAY na nang matagpuan ang 33-anyos na epileptic, na iniulat na nawawala, matapos lumutang sa sapa kamakalawa ng tanghali sa Taguig City. Nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Paul Gutierrez, ng 70-B ML Quezon St., Brgy. Hagonoy pasado alas-11:00 ng tanghali nang lumutang ang kalahating katawan nito sa sapa sa gilid ng CP Tinga Gym. Sa pahayag ni Annalyn Gutierrez, …
Read More »Napoles itapon sa city jail — Escudero (P150-K nasayang)
DESMAYADO ang isang senador sa kinahinatnan ng pagdalo ni Janet Lim-Napoles sa pagdinig ng Senado sa isyu ng pork barrel scam dahil hindi napiga ng mga mambabatas na ikanta ang mga kasabwat sa P10-bilyon pork barrel scam. Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, sayang ang special treatment na ibinigay ng gobyerno kay Napoles na itinuturong utak sa multi-bilyong pisong scam. …
Read More »OFW pa sa Saudi isasalang sa bitay
BIBITAYIN na sa buwan na ito ang isang overseas Filipino worker na nasa death row sa Saudi Arabia bunsod ng pagpatay sa kanyang employer tatlong taon na ang nakararaan. Si Carlito Lana, may tatlong anak, ay nakulong sa pagbaril at pagsagasa sa kanyang Saudi employer noong Disyembre 2010. Gayonman, iginiit ng kanyang ina na ang insidente ay dahil sa pagtatanggol …
Read More »Grace Poe ayaw na sa pork barrel
SUMULAT na si Senadora Grace Poe kay Senador Chiz Escudero na humihiling na tanggalin ang nakalaang pork barrel sa kanyang tanggapan para sa 2014. Ayon kay Poe, hiniling niya kay Finance Committee Chairman Chiz Escudero na tanggalin ang kabuuang P200 million Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nakalaan sa kanyang tanggapan para sa taon 2014. Matatandaang si Poe ay kabilang …
Read More »Lady tanod itinumba
PATAY ang isang 50-anyos na babaeng barangay tanod matapos barilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad kahapon ng tanghali sa Malabon City. Dead on the spot ang biktimang si Lilibeth Mandares, 50-anyos, residente ng Gozon Compound, Letre, Brgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa likurang bahagi ng katawan. Sa ulat ng …
Read More »OFW limas sa kawatan
NALIMAS ang malaking halaga ng salapi at kagamitang naipundar ng overseas Filipino worker (OFW) nang pagnakawan ng mga miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” ang kanyang bahay sa Taguig City, kamakaaawa. Natuklasan ni Dexter Buerano, 33, ang pagkalimas ng kanyang mga gamit, salapi, alahas at mga dokumento sa kanyang bahay sa No. 4 Lontoc St., Brgy. Calzada, nang ipaalam ng kapatid. Sa …
Read More »‘Agnas’ na sekyu nareskyu sa ilog
Isang agnas na bangkay ng lalaki at pinagpi-piyestahan ng mga isda ang nakitang nakalutang sa ilog Pasig kahapon ng umaga. Isinalarawan ni P/chief Insp. Glenn Magsino hepe ng Criminal Investigation Section ng Pasig City Police ang biktimang nakasuot ng kulay pink t-shirt at orange na shorts. Sa ulat, alas 7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng security guard na …
Read More »Nakatakas na holdaper dedo sa ops
PAMPANGA – Isa sa limang nakatakas na mga holdaper ng isang negosyante ng gulay sa City of San Fernando, ang napatay ng mga awtoridad nang manlaban sa follow-up operation sa Brgy. Quebiawan. Binawian ng buhay ang suspek na si alyas Peter matapos makipagpalitan ng putok sa humahabol na mga pulis. Batay sa ulat ng pulisya, 4:40 a.m. nang magsagawa ng …
Read More »2 preso sugatan sa prov’l jail
ISANG 24-anyos na preso ang isinugod sa pagamutan matapos saksakin ng nakaalitang preso sa South Cotabato Provincial Jail. Isinugod din sa ospital ang isang preso na sinasabing may dipe-rensya sa utak matapos paluin ng matigas na bagay ang kanyang ulo. Tinamaan ng dalawang saksak sa kata-wan ang biktimang si Rodel Pagalangan, 24, ng Malandag, Malu-ngon, Sarangani Pro-vince. Sinugod siya ng …
Read More »