PATAY ang mag-ina nang tamaan ng kidlat sa Nasugbu, Batangas kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 8 p.m. nang tamaan ng kidlat sina Mercedez Baral-Grumal, 45, at Mark Anthony Grumal, 18, kapwa ng Sitio Amaralina, Brgy. Pantalan, Nasugbu, Batangas. Nasa labas ng kanilang bahay ang mag-ina nang biglang kumidlat at nasapol ang mga biktima. (BETH JULIAN)
Read More »Masonry Layout
18 patay sa Agusan encounter
BUTUAN CITY – Umabot sa 13 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay habang apat na security personnel ng isang rebel returnee, at isang sundalo ang casualties sa nangyaring labanan sa Prosperidad sa Agusan del Sur. Kinompirma ni Insp. Gerry Fernandez, hepe ng pulisya sa bayan ng Prosperidad, kabilang sa namatay ang security personnel ni rebel returnee Datu Calpit …
Read More »Buntis, mister patay sa ‘rambol’ ng 3 sasakyan (5 pa sugatan)
KORONADAL CITY – Patay isang buntis at ang kanyang mister sa karambola ng tatlong sasakyan sa Purok Maharlika, Brgy. Saravia, Koronadal City dakong 5:50 a.m. kahapon. Hindi na umabot pa nang buhay sa South Cotabato Provincial Hospital ang mag-asawang sakay ng Honda wave 110 (KK-9344) na kinilalang si Federico Bustria at misis niyang buntis na si Jocelyn Bustria, kapwa residente …
Read More »2 akyat-bahay utas sa vigilante
KAPWA tumimbuwang na walang buhay ang dalawang hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki makaraan umatake sa isang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina Roldan Polinio, 28, at Edgardo Viray, alyas Oyi, 36, kapwa residente ng Phase 8A, Package 11, Block 11, Excess Lot, Brgy. …
Read More »DAP mabuti — PNoy (GMA admin, SC sinisi)
NAGBABALA si Pangulong Benigno Aquino III sa Korte Suprema na maaaring umabot sa banggaan ng tatlong sangay ng pamahalaan o umiral ang constitutional crisis kung hindi babawiin ng Kataas-taasang Hukuman ang deklarasyon na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP). Sa kanyang 24-minutong President’s Address to the Nation (PAN) kagabi, tahasang kinuwestiyon ng Pangulo ang desisyon ng SC kontra-DAP kahit hindi …
Read More »Trust, approval rating ni PNoy bumagsak (Dahil sa DAP)
BUMAGSAK ang trust at approval rating ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinakahuling survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) makaraan ideklara ng Korte Suprema na ‘unconstitutional’ ang ipinatupad niyang Disbursement Acceleration Program (DAP). Sa survey ng Pulse Asia sa 1,200 respondents nitong Hunyo 24 hanggang Hulyo 2, bumagsak sa 56 percent ang approval rating ni Pangulong Aquino …
Read More »Glenda lumakas storm signal itinaas sa 22 lugar
LALO pang lumakas ang bagyong Glenda habang nakaamba ang pagtama nito sa kalupaan ng Luzon. Ayon sa Pagasa, taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 120 kilometro bawat oras. bago magtanghali kahapon ay natukoy ang sentro ng bagyo sa layong …
Read More »Davao Occ. niyanig ng 6.1 magnitude quake
NIYANIG ng 6.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon ng hapon. Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito dakong 3:59 p.m. Natukoy ang epicenter sa layong 88 km sa timog silangan ng Don Marcelino, Davao Occidental. May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Naitala ang intensity II sa General Santos at Davao City. Habang intensity I ang …
Read More »Bong, Jinggoy ilipat sa city jail (Giit ng prosekusyon)
NAIS ng government prosecutors na makulong na rin sa ordinaryong kulungan sina Sen. Ramon Bong Revilla Jr., at Sen. Jinggoy Estrada, kapwa nahaharap sa kasong plunder bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam. Kahapon ay inihain ng Office of the Special Prosecutor sa Sandiganbayan ang kahilingan na dapat ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology …
Read More »Enrile pinaboran na manatili sa ospital
NANINIWALA ang mga doktor ng PNP General Hospital na dapat manatili sa ospital si Senator Juan Ponce Enrile dahil sa iba’t ibang problema sa kalusugan. Si Enrile ay ilang araw nang nasa hospital arrest. Ayon sa PNP doctors, si Enrile ay may diabetes, coronary artery disease at hearing problems. Kailangan din anila ni Enrile nang regular na eye examinations and …
Read More »Nalungkot sa stage 4 cancer biyudo nagbigti
NANG malaman na siya ay may stage 4 cancer, nagbigti ang isang 73-anyos biyudo sa Bacoor, Cavite kamakalawa. Napag-alaman mula sa Bacoor Police, tatlong beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktimang si Asquilino Latac, ng Block 5, Lot 9, Phomelo Extension, Citihomes, Brgy. Molino 4, Bacoor City, dahil sa sobrang depresyon nang malamang malala na ang kanyang cancer ngunit siya ay …
Read More »Barangay na ninakawan ng boundary kinatigan ng DILG
PINABORAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang protesta ng Brgy. 719, Zone 78, District V kaugnay sa 9th City Council Resolution No. 23 Series of 2014 ng lungsod ng Maynila. Sa nasabing resolusyon, iniutos na makuha ng Brgy. 720, Zone 78, District V ang real property tax na nagmumula sa Brgy. 719. Bunsod nito, humingi ng tulong …
Read More »Gigi Reyes muling humirit ng TRO sa SC
MULING humirit sa Supreme Court si Atty. Gigi Reyes upang hilingin na ibasura ang arrest warrant laban sa kanya sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam. Sa 18-pahinang supplemental petition na inihain ng abogado niya na si Atty. Anacleto Diaz, hiniling din ni Reyes na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order sa pagdinig ng Sandiganbayan …
Read More »OFW patay sa despedida 4 sugatan
PATAY ang isang 27-anyos overseas Filipino worker (OFW) habang malubhang nasugatan ang apat niyang katropa kabilang ang nakababatang kapatid makaraan paulanan ng bala ng hindi nakilalang suspek ang masayang despedida party sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga . Hindi na umabot nang buhay sa Bernardino Hospital si Greggy Tibang, ng #255 Area D., Sitio Diwa, Brgy. 178, Camarin ng nasabing …
Read More »Puno ng saging may 8 puso tourist attraction sa Ilocos Norte
LAOAG CITY – Naging isang tourist attraction ngayon ang isang puno ng saging na may walong puso sa Sitio Calutit, Brgy. 40, Buyon, Bacarra, Ilocos Norte. Ayon kay Joselyn Bu-ted, may-ari ng puno, hindi sila makapaniwala sa nakitang puno ng saging dahil sa napakahabang panahon na pagtatanim sa kanilang bakuran ay ngayon lamang ito nangyari. Sa una nilang pagkakatuklas sa …
Read More »PNoy hawak sa leeg ni Abad?
ITINANGGI ng Palasyo na hawak ni Budget Secretary Florencio Abad sa leeg si Pangulong Benigno Aquino III kaya hindi mapakawalan ng punong ehekutibo ang kanyang kaalyado. Itinanggi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang tsismis na may hawak na alas si Abad kaya hindi tinanggap ni Aquino ang kanyang pagbibitiw. “Wala pong batayan at wala pong katotohanan ang alegasyon na …
Read More »Drug den sinalakay 7 tulak timbog
SINALAKAY ng Marikina Police operatives ang isang townhouse na sinabing ginagamit na drug den na nagresulta sa pag-aresto sa pito katao sa Barangay Nangka, Marikina City kahapon ng umaga. Ayon kay Sr. Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina Police, isa sa pitong dinakip ay sinasabing kilalang kilabot na drug pusher sa nasabing barangay. Ni-raid ng mga awtoridad ang nasabing drug …
Read More »Gigi Reyes nagda-drama -Political prisoner
MALAKI ang hinala ng political prisoner sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Female Dormitory sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, na nagdadrama lamang si Atty. Gigi Reyes upang hindi tuluyan maikulong. Sa sulat ni Loida Magpantay, isa sa mga political prisoner sa BJMP na ipinadala sa secretary general ng grupong Hustisya na si Cristina Guevarra, desmayado sila dahil …
Read More »Bodyguards ni Enrile binawasan
BINAWASAN ng pamunuan ng pambansang pulisya ang security convoy ni Senator Juan Ponce Enrile nang muling lumabas ng PNP General Hospital kahapon ng umaga para muling magpa-check-up sa mata sa Asian Eye Institute sa Rockwell, Makati City. Nasa dalawang sasakyan na lamang ang pulis na kasama sa convoy ng senador at nakasakay siya sa ambulansiya ng PNP Hospital. Kasama ni …
Read More »DAP probe justification lang – Solon
NANGANGAMBA si Bayan Muna Rep. Congressman Neri Colmenares na posibleng justification ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ang mangyayari sa gagawing imbestigasyon ng Senado sa Hulyo 21, 2014. Ayon kay Colmenares, alam niyang ipagtatanggol ang DAP sa gagawing imbestigasyon, dahil karamihan ng mga miyembro ng Senado ay kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III. Dagdag pa ng mambabatas, inaasahan niya na ang …
Read More »Alert level 3 itinaas ng DFA sa Gaza
INIUTOS ng pamahalaan ang agarang pagpapauwi sa mga Filipino na naninirahan sa Gaza Strip sa harap ng umiigting na kaguluhan doon. Ito ay makaraan itaas ng DFA sa level 3 ang alerto o voluntary repatriation para sa mga kababayan sa naturang lugar. “In view of the growing threats to security posed by the Israel-Hamas conflict to Filipinos in the Gaza …
Read More »Southern Luzon tutumbukin ni ‘Glenda’
TUTUMBUKIN ng tropical storm Rammasun o bagyong Glenda ang Southern Luzon kapag pumasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) kaya pinaghahanda ng PAGASA ang mga residente sa nasabing bahagi ng rehiyon. Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,540 kilometro sa silangan ng Southern Luzon. Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 22 kilometro bawat oras. Sa ngayon …
Read More »Puganteng misis, bayaw arestado sa murder kay mister
ARESTADO ang isang ginang at ang kanyang bayaw na itinurong responsable sa pagpaslang sa kanyang mister noong Oktubre 2013 sa lalawigan ng La Union, iniulat kahapon. Unang dinakip ng Bangar Municipal Police Station ang suspek na si Celso Domondon, 67, matapos matunton sa Sitio Apaleng, Barangay Rissing, Bangar, La Union. Kasunod na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Bangar PNP …
Read More »3 parak-Maynila inireklamo ng hulidap (Kelot binugbog, ninakawan)
TATLONG pulis-Maynila ang inireklamo ng isang lalaki na kanilang sinita at pinagbintangang may dalang shabu habang sakay ng kanyang bisikleta sa Malate, Maynila. Sa reklamo ng biktimang si Jayson Villaran, 34, ng No. 48 San Miguel, Maynila, habang sakay siya ng bisikleta sa N. Lopez St., Malate, nilapitan siya ng tatlong nagpakilalang mga pulis at pilit na pinalalabas ang sinasabing …
Read More »Granada inihagis ng tandem 2 kritikal
DALAWA katao ang sugatan nang tamaan ng shrapnels matapos hagi-san ng granada ng isang lalaking lulan ng motorsiklo sa Binondo, Maynila kahapon. Isinugod sa Jose Abad Santos General Hospital ang mga biktimang sina Eloisa Guttierez, 38, vendor, ng Block 1, Unit 83, Baseco Compound, Port Area, Maynila; at Ferdinand Cabaldo, negos-yante, ng Ugong St., Sta. Mesa Hills, Quezon City. Sa …
Read More »