TUMIMBUWANG na walang buhay ang isang seksing babae makaraang barilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki sa Malabon City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Bianca Watson, tinatayang 18 hanggang 22-anyos ang edad. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Base sa imbestigasyon …
Read More »Masonry Layout
600 pamilya homeless sa Muntinlupa fire
TINATAYANG aabot sa P3 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo at halos 600 pamilya ang naapektohan sa sunog sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat ng Muntinlupa Bureau of Fire Protection, dakong 11:30 p.m. nang magsimula ang sunog sa bahay ni Daniel Acubo, sa Bagong Sibol, Putatan at mabilis na kumalat sa katabing kabahayan na yari sa light …
Read More »SINALUBONG ng kilos-protesta ng mga kabataang miyembro ng Anakbayan ang biglaang pagtaas muli ng presyo ng produktong petrolyo, at sabay-sabay na sinilaban ang logo ng tatlong mala-king kompanya ng langis sa Trabajo Market sa España, Maynila. ( BONG SON )
Read More »HINIKAYAT ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy ang serbisyo at pagpapabuti sa pamumuhay ng nakararaming Filipino lalo na ang mga nangangailangan. Ipinagdiwang ng DSWD ang kanilang ika-65 anibersaryo sa Malacañang kahapon. ( JACK BURGOS )
Read More »NADAKIP ng mga tauhan ni MPD Moriones Police Station 2 commander, Supt. Nicholas Pinon, sa pangunguna ng PS-2 Delpan PCP chief, Chief Insp. Roberto Mangune, ang suspek na si Joemar Cantilang, 25, miyembro ng kilabot na BCJ Gang, sa PPA Compound, Pier 2, Tondo, Maynila, sa kasong robbery hold-up. ( BRIAN BILASANO )
Read More »Renewable energy hindi maruming koryente — Romualdez
SA banta ng tumataas na lebel ng tubig-dagat sa Filipinas sa karaniwang antas saan man sa mundo, muling iginiit ng House Special Committee on Climate Change member Rep. Martin Romualdez ang kanyang panawagan sa gobyerno na repasohin ang polisiya sa pagpapatayo ng mga planta ng koryente na coal-fired power plants kasabay ng babala sa peligrong kaakibat sa paggamit ng nasabing …
Read More »INC kaisa ng ibang relihiyon vs kahirapan
KABALIKAT ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang mga denominasyong panrelihiyong nagsisikap upang labanan ang kahirapan, ang nag-iisang kaaway na dapat sugpuin sa lahat ng sulok at kapuluan sa Filipinas. Ito ay ayon isang opisyal ng INC nitong Lunes kasabay nang pagsang-ayon sa sinabi ng ilang lider ng Simbahang Katoliko, kabilang na Ang Aprikanong Cardinal na si John Onaiyekan na mariing …
Read More »Libel vs Hataw ibinasura ng Manila RTC (Impormasyon ng MPD Police palpak)
IBINASURA ng korte ang kasong Libel laban sa publisher at kolumnista ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan na si Jerry Yap na inihain ng isang opisyal ng pulisya ilang taon na ang nakararaan. Sa utos ni presiding judge Hon. Josefina Siscar ng Regional Trial Court (RTC) Branch 55 ng Maynila binalewala nito ang Motion for Reconsi-deration (MR) na inihain ng …
Read More »Kolehiyala ginilitan sa leeg ng BF (Nang-block sa FB)
CEBU CITY – Ginilitan sa leeg ng isang 18-anyos lalaki ang kanyang girlfiend bunsod nang matinding selos sa Brgy. Puti-an, bayan ng Bantayan, Cebu kamakalawa. Ayon kay PO1 Jay Desucapan ng Bantayan Police Station, nag-away ang dalawa dahil nagduda ang suspek na may ibang minamahal ang 18-anyos nobya na nag-aaral ng kolehiyo sa bayan ng Madredijos sa nasabing isla. Ito’y …
Read More »18 katao arestado sa QC drug den
UMABOT sa 18 katao ang naaresto nang salakayin ng mga operatiba ng Quezon City Police District-Anti Illegal Drug-Special Operation Task Group (QCPD-AIDSOTG) ang isang hinihinalang drug den sa Brgy. Pasong Tamo sa lungsod na ito kamakalawa. Sa ulat ni Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng task group, kay Chief Supt. Edgardo Tinio, QCPD director, kinilala ang mga nadakip na sina Jolito …
Read More »548 gov’t officials arestado sa droga (Sa loob ng 5 taon)
TUMAAS pa ang bilang ng mga kawani ng gobyerno na nasasangkot sa ipinagbabawal na droga. Batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na inilabas sa Senado, mula sa taon 2011 hanggang 2015, umabot sa 548 government officials ang naaresto dahil sa pagtutulak ng bawal na gamot. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., bawat taon …
Read More »Senado sinisi sa SSL 4 ‘deadlock’
NANINIWALA si House Majority Leader Neptali Gonzales, hindi napag-aralan ng Senado ang panukalang Salary Standardization Law (SSL) 4 na layuning itaas ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno sa loob ng apat na taon. Pahayag ito ni Gonzales nang maganap ang ‘deadlock’ sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa nasabing panukala habang papalapit ang pagsasara ng kanilang sesyon sa Biyernes. Sinabi …
Read More »P10,000 bonus sa DSWD employee — PNoy
INIANUNSYO ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang tig-P10,000 anniversary bonus para sa lahat ng kawani (contractual & regular) at mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ginawa ito ng Pangulong Aquino sa kanyang talumpati sa ika-65 anibersaryo ng DSWD na ginanap sa Palasyo ng Malacañang. Sa speech ng Pangulong Aquino, todo-papuri siya sa mga kawani at …
Read More »Bigtime pusher patay, 11 arestado sa drug den sa CSJDM, Bulacan
PATAY ang isang hinihinalang drug pusher habang 11 kasamahan niya ang naaresto sa pagsalakay ng mga awtoridad sa isang drug den sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw. Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Senior Supt. Ferdinand Divina, police director sa Bulacan, kinilala ang napatay na si Abdul Minalang, 33, tubong Lanao del Norte, naninirahan sa …
Read More »LUCENA CTY – Lantaran ang pagsinghot ng rugby ng mga batang hamog sa lungsod na ito. ( RAFFY SARNATE )
Read More »CHINESE NEW YEAR. Mabenta ngayon sa Binondo, Maynila ang Chinese New Year decorations para sa nalalapit na pagdiriwang ng Year of the Monkey sa Pebrero 8. ( BONG SON )
Read More »TUMANGGAP si Pangulong Benigno Aquino III ng regalo mula kina Eminence Charles Maung Bo, Papal Legate and Archbishop of Yangon, Most Reverend Jose Palma, Archbishop of Cebu, at sa Pontifical delegation sa kanilang courtesy call sa Malacañang kahapon. Ang Papal Legate at ang kanyang delegasyon ay nasa Manila makaraan ang matagumpay na pagdiriwang ng International Eucharist sa Cebu. ( JACK …
Read More »DLSZ WAGI SA INT’L ROBOT OLYMPIAD: Ginawaran ng mga medalya ni Mayor Jaime Fresnedi kahapon (Pebrero 1), ang mga delegado mula sa De La Salle Santiago Zobel na nag-uwi ng tatlong ginto, isang pilak, at anim na technical awards ang mga kalahok mula sa paaralan sa idinaos na 17th International Robot Olympiad sa Bucheon, South Korea noong Disyembre 2015. Binati …
Read More »HANDOG PABAHAY RAFFLE. Pinangunahan ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez kasama ang ibang mga opisyal ng lungsod, katuwang ang D3830 Rotary Homes Foundation Inc., ang proyektong Handog Pabahay Raffle na ginanap sa Parañaque City Hall gym. ( JSY )
Read More »Kahirapan public enemy no. 1 – INC
SA harap ng mga inihayag kamakailan ng iba’t ibang denominasyong pangrelihiyon na mariing tumutuligsa sa lumalaking agwat ng mayaman at mahirap, nanawagan ang Iglesia Ni Cristo (INC) nitong Linggo para sa isang multi-sektoral na pagkilos magkakaiba man ang relihiyon upang sama-samang labanan ang kahirapan na tinukoy ng INC bilang “public enemy number one.” “Bagama’t magkakaiba ang aming paniniwala, buo ang …
Read More »PNoy binatikos sa ‘Pangako’ sa Paris-Cop21
MARIING nanawagan nitong Lunes ang kandidatong senador na si Rep. Martin Romualdez ng Leyte kay Pangulong Benigno S. Aquino III na tuparin ang mga kaukulang hakbang na ‘ipinangako sa mundo’ na kanyang binitiwan sa harap ng mga delegado ng P21st Conference of Parties (COP 21) sa kabila ng tinukoy ni Romualdez na ‘kuwestiyonableng pagkiling’ sa mga ipinapatayong mga planta ng …
Read More »Sen. Trillanes ‘di patitinag vs Binay (Kahit may arrest warrant)
HINDI raw patitinag si Sen. Antonio Trillanes IV laban sa pamilya Binay kahit may warrant of arrest nang inilabas ang Makati RTC kaugnay ng kasong libel na inihain ni Makati Mayor Junjun Binay. Ayon kay Trillanes, pinag-aaralan na ng kanyang abogado ang naturang kaso ngunit hindi siya titigil sa pag-uusig sa pamilya Binay. “Kung ang layunin ng pamilya Binay sa …
Read More »PH no. 2 sa ‘most dangerous place’ para sa media (Sa IFJ report)
PINALAGAN ng Malacañang ang ulat ng International Federation of Journalists (IFJ), nagsasabing pumapangalawa ang Filipinas sa Iraq bilang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag. Sa nasabing report, lumalabas na mas ligtas pa sa mga journalists ang mga bansang halos araw-araw ay may bombahan o karahasan at mga bansang may ‘restriction’ o pagbabawal sa malayang pamamahayag. Bukod sa pagpalag, naghugas-kamay din …
Read More »Bigtime drug pusher, 15 pang tulak laglag sa parak
CAMP OLIVAS, Pampanga – Nadakma ng mga elemento ng San Fernando Police ang isang bigtime drug pusher gayondin ang 15 iba pang mga tulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkakasunod na operasyon ng mga awtoridad sa Muslim compound sa Brgy. San Pedro, Cutud, City of San Fernando kamakalawa ng madaling-araw. Ayon sa ulat ni Supt. Jean S. Fajardo, hepe ng …
Read More »Sex sa Zika carrier nakahahawa (Ayon sa DoH)
KABILANG sa tinututukang anggulo sa isinasagawang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) ang hawa sa Zika virus sa paraan ng pakikipagtalik. Ayon kay Department of Health Sec. Janette Garin, isang kaso ng virus sa Amerika ang naitala sa isang babae na walang history nang paglabas sa ibang bansa at pagbiyahe, ang nagkaroon ng nasabing virus makaraan makipag-sex sa kanyang asawa. …
Read More »