Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Whistleblower 10-taon kulong sa graft

HINATULAN ng anim hanggang 10 taon pagkakakulong ng Sandiganbayan Fourth Division ang dating National Broadband Network (NBN) – ZTE deal whistleblower na si Rodolfo “Jun” Lozada Jr., dahil sa kasong katiwalian. Sa ruling ng anti-graft court, guilty si Lozada sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa maanomalyang land deal noong siya pa ang pangulo …

Read More »

2 sangkot sa droga utas sa pulis (2 tulak patay sa drug bust)

shabu drugs dead

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang “Oplan Sama-Sama” operation sa magkahiwalay na lugar kamakalawa ng hapon sa Malabon City. Kinilala ni Sr. Insp. Joseph Godovez ang unang napatay na si Guillermo Hernandez, alyas Gimo, 40-anyos, residenge ng 333B Gov. Pascual, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod. Batay sa ulat nina PO3 Rolando Hernando, PO2 …

Read More »

Honor roll ng prov’l govs inilabas ng Palasyo

  NILABAS na ng Palasyo ang listahan ng provincial governors na pasok sa honor roll o may magandang performance sa pamumuno sa kani-kanilang nasasakupang lugar. Sa liham na isinumite ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Communications Secretary Martin Andanar, nangunguna sa listahan si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Isabela Governor Faustino Dy, Quirino Governor Junie Cua, Palawan …

Read More »

Nominees ng Senior Citizens, hiniling ng taga-Davao na iproklama na

Helping Hand senior citizen

  Nanawagan si Senior Citizens Association of Davao City President Albina Sarona kay Commissions on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na iproklama na ang dalawang nagwaging nominee ng Senior Citizens Party-list para mapangalagaan ang kapakanan ng mga nakatatanda sa Kongreso. Hiniling ni Sarona kayBautista na iproklama na ang da-lawang nominado ng Senior Citizens na sina Francicos Datol Jr. at Milagros …

Read More »

61-anyos driver nagbaril sa sentido (Problemado sa pera)

dead gun

PATAY ang isang 61-anyos jeepney driver makaraan magbaril sa sarili dahil sa prolema sa pera kamakalawa sa Tondo, Maynila. Binawian ng buhay habang dinadala sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Edmund Cruz, ng 341 Coral Street, Tondo, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balingan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 10:30 pm nang maganap ang insidente sa …

Read More »

Sen. JV suspendido

INIUTOS ng Sandiganbayan ang 90-araw suspensiyon kay Sen. Joseph Victor (JV) Ejercito kaugnay sa kinakaharap na kasong graft hinggil sa maanomalyang pagbili ng mga baril noong 2008. Sa anim na pahinang resolusyon ng Fifth Division ng anti-graft court, ipinasususpinde si Ejercito sa tungkulin bilang senador at hindi puwedeng humawak ng ano mang public office sa loob ng 90 araw maliban …

Read More »

GRP-NDF peace talks sinasabotahe ng LP — Bayan

SINASABOTAHE ng Liberal Party ang umuusad nang usapang pangkapayapaan ng administrasyong Duterte at Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Ito ang pahayag ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes kaugnay sa kumalat na bogus media advisory kahapon na nag-iimbita para sa media coverage kaugnay sa sinasabing sabay-sabay na pagbibitiw ng …

Read More »

Philippine Stadium bagong tahanan ng UP track team (On the right track)

BAGONG tahanan na ng University of the Philippines (UP) track and field team ang pinakamoderno at pinakamalaking track and football stadium sa bansa. Ito ang anunsiyo nitong Sabado, kasabay ng paglulunsad ng nowheretogobutUP Foundation na sadyang itinatag upang mangalap ng donasyon at pangasiwaan ang makokolektang ambag para sa varsity scholars ng Unibersidad ng Pilipinas. Ayon kay Atty. GP Santos IV, …

Read More »

Manila Zoo pinababayaan (Para maibenta?)

NANGANGAMBANG mawalan ng trabaho ang hindi kukulangin sa 100 empleyado ng Manila Zoological and Botanical Garden o Manila Zoo, kabilang ang ilang beterinaryo, kung matutuloy ang nauulinigan nilang pagbebenta sa makasaysayang pasyalan sa lungsod ng Maynila. Ayon sa ilang empleyado, isa-isa nang inililipat ang ilang kawani ng zoo sa iba’t ibang tanggapan kahit wala silang kaalaman at karanasan. Nabatid sa …

Read More »

Customs police official swak sa ‘tara’

customs BOC

SINAMPAHAN ng kasong graft sa Department of Justice (DoJ) ang isang Customs police official dahil sa pangongolekta ng daan-daang milyong pisong ‘tara’ o suhol kada buwan mula noong 2012. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, tiniyak ni Customs chief Nicanor Faeldon, may malakas na kaso ang kawanihan laban kay Customs Police Capt. Arnel Baylosis dahil ikinanta siya ng apat na …

Read More »

Pagdilao, Tinio kakasuhan na sa droga (50 LGUs sabit)

NAKATAKDANG sampahan ngayong araw ng pormal na kaso ang dalawang police general na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang sangkot sa illegal na droga. Sinabi ni DILG Sec. Mike Sueno sa press conference sa Malacañang, kabilang dito sina police director Joel Pagdilao at Chief Supt. Edgar Tinio, sinasabing protektor ng drug lords. Ayon kay Sueno, hawak na niya ang rekomendasyon …

Read More »

Mayor Espinosa aarestohin na (Sa armas at droga)

BILANG na ang maliligayang oras sa laya ni Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa dahil hinihintay na lamang na ilabas ang warrant of arrest ng korte para siya ay arestohin. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Ismael Sueno, mga kasong illegal possession of firearms and illegal drugs ang isinampa ng Criminal …

Read More »

Ex-chairman itinumba sa Caloocan

PATAY ang isang dating tserman ng barangay makaraan barilin ng hindi nakilalang  mga suspek sa tabi ng kanyang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Tala Hospital ang biktimang si Cesar Padilla, 57, residente sa Phase 6, Block 62, Lot 3, Package 3, Brgy. 176 ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ng pulisya, dakong …

Read More »

Patayan sa PH grabe na, itigil na De Lima

IDINIIN ni Sen. Leila De Lima ang kahalagahan ng pagdinig ng komite sa Senado sa isyu ng maraming insidente ng extra-judicial executions sa bansa. Ayon sa senadora, chairperson ng Senate Committe on Justice and Human Rights, ang focus ng imbestigasyon ay isyu ng ‘criminal act’ at hindi prosekusyon at pagharang sa kampanya ng pulisya sa ilegal na droga. “Mayroong nakikisakay …

Read More »

718 patay sa anti-illegal drug campaign ng PNP

shabu drugs dead

UMABOT sa 718 drug suspects ang namatay sa inilusand na drug operation ng pambansang pulisya sa buong bansa. Nasa 10,153 drug pusher at users ang naaresto habang higit sa 600,000 drug personalities ang sumuko sa PNP. Ayon kay PNP chief Director General Ronald Dela Rosa, batay sa nakuha nilang datos, mayroong 3.7 milyong drug users sa buong bansa. Isang indikasyon …

Read More »

130 pulis laglag sa confirmatory drug test

Drug test

INIANUNSIYO ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na nag-positibo sa confirmatory drug test ang 130 pulis. Ayon kay Chief Supt. Emmanuel Aranas, acting director ng PNP Crime Laboratory, nakompirma sa pagsusuri ang paggamit ng shabu ng 130 pulis. Kabilang ang naturang mga pulis sa kabuaang 99,598 kawani ng PNP na sumalang sa drug test, hanggang dakong 8:00 am nitong …

Read More »

Tulak na driver todas sa buybust

dead

NAPATAY sa buy-bust operation ang isang jeepney driver na sinasabing nagbebenta ng illegal na droga sa apat na bayan sa Bulacan. Batay sa ulat, lulan ng kanyang jeep, napatay ang suspek na si Jimmy Boy Gruta sa bayan ng Sta. Maria, nang mahalatang pulis ang katransaksiyon at lumaban sa mga awtoridad. Ayon sa pulisya, naglalako ng droga ang suspek habang …

Read More »

3 sakay ng motorsiklo patay sa truck van

road traffic accident

NAGA CITY – Patay ang tatlong katao nang pumailalim ang sinasakyang motorsiklo sa truck van sa bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa. Binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Gilbert Cerdan ang kahabaan ng kalsada sa nasabing lugar lulan ang dalawang backrider na sina Manuel Lovero, 19-anyos ,at Romulo Piana Jr., 50-anyos, nang mag-overtake sila sa sinusundang van na minamaneho ni …

Read More »

80 coed nalason sa acquaintance party

ILOILO CITY – Higit 80 estudyante na pinaniniwalaang nalason sa pagkain sa party ang isinugod sa Iloilo Doctor’s College Hospital nitong Biyernes ng gabi. Itinuturong sanhi ng food poisoning ng mga estudyante partikular ng College of Dentistry, ang isinilbing siomai at carbonara sa kanilang acquaintance party. Hindi pa nagpapalabas ng ano mang pahayag ang pamunuan ng nasabing kolehiyo ukol sa …

Read More »

Karapatan ng kabataan itaguyod — DepEd

deped

MULING inihayag ng Department of Education (DepEd) ang pangangailangan na itaguyod ang karapatan ng mga kabataan sa panahon ng armadong labanan upang matulungan silang agad  makabalik sa normal at ligtas na kalagayan, kasabay ng pagdiriwang ng 2016 International Humanitarian Law Month ngayong Agosto. Ayon sa DepEd, ang panuntunan para sa proteksiyon na ito at pangangasiwa sa mga kabataan sa panahon …

Read More »

Newcomer, nakipag-date sa halagang P30K

NAKIPAG-DATE raw ang isang newcomer sa isang fashion designer sa halagang P30,000, sabi ng isa naming source. Iyang newcomer na iyan ay sumikat nang husto dahil sa isang sex video scandal na kumalat sa internet kamakailan. Bad start iyan. Kung papasok ka sa showbiz, hindi rin naman maganda na ganyan agad ang naririnig na balita tungkol sa iyo. ( Ed …

Read More »

Hataw columnist, napagkamalang driver/lover ni De Lima

HINDI malaman ngayon ng kasamahan namin dito sa Hataw na si Roldan Castro kung matutuwa siya o maiinis dahil pinagkamalan siyang lover boy o driver/lover ni Sen. Leila De Lima na mabilis na kumakalat ngayon sa social media. Paggising niya noong Huwebes ng umaga ay bumalandra sa social media ang kanyang larawan kasama si De Lima. Kuha ang naturang larawan …

Read More »

Rider-lover ‘iginarahe’ ng female lawmaker

HINDI pa natatapos ang kontrobersiya sa isang lady senator, muli na namang umugong ang relasyon ng isang ‘rider-lover’ sa isa pang female lawmaker. Ayon sa isang Palace official, na tumangging magpabanggit ng pa-ngalan, “mukhang taon ito ng mga mambabatas!” Ayon sa Palace official, ibang putahe ang ‘tinitikman’ ng female lawmaker. Narinig umano niya ang  impormasyon  sa  ilang kaibigan na nakaki-kilala …

Read More »

Mag-asawang Tiamzon pinalaya na

NAIPAMALAS sa pagpapalaya kahapon sa mag-asawang lider-komunista na sina Benito at Wilma Tiamzon na seryoso at determinado si Pangulong Rodrigo Duterte na humanap ng mapayapang solusyon sa ilang dekada nang armadong pakikibaka ng kilusang komunista sa bansa. Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na ang mag-asawang Tiamzon ang huli sa mga pinalayang detenidong matataas na opisyal …

Read More »

Brgy. officials hadlang sa anti-drug operations — PNP chief

HUMINGI ng tulong sa Department of the Interior and Local Government (DILG) si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa kaugnay sa barangay officials na hindi nakikipagtulungan sa kanilang anti-illegal drug operations. Hinala ni Dela Rosa, kumukuha ng suporta para sa nalalapit na barangay elections ang mga kapitan at kagawad sa drug personalities kaya minsan sila pa ang hadlang …

Read More »