Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Federalism solusyon sa Mindanao — Esperon

“Federalism to me, is the key to the peace process in Mindanao,” pahayag ni retired AFP chief, ngayo’y national security adviser Hermogenes Esperon kahapon. Ayon kay Esperon, hindi makakamit ang kapayapaan sa Mindanao hangga’t hindi ipinatutupad ang federalismo sa Filipinas. Taon 1997 hanggang 2008 aniya, nang sinimulan nila ang negosasyon sa MILF pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito …

Read More »

PSG ‘bagman’ ni De Lima confined sa barracks (Ihaharap sa house probe)

KINOMPIRMA ng Presidential Security Group (PSG), inalisan na nila ng gampanin bilang PSG member ang naging bodyguard at sinasabing bagman ni Sen. Leila de Lima. Sinabi ni PSG Commanding General Rolando Bautista, inalisan nila ng gawain si Air Force Sgt. Jonnel Sanchez, tinukoy sa pagdinig sa Kamara, na ‘bagman’ ni De Lima noong siya ay Justice secretary pa, sa illegal …

Read More »

Mukha ni Matobato pamilyar sa Palasyo noong PNoy admin

PAMILYAR ang mukha si self-confessed Davao Death Squad (DDS) member Edgar Matobato Malacañang Complex sa JP Laurel St., San Miguel, Maynila noong administrasyong Aquino. Ito ang nabatid ng Hataw sa isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan. Aniya, nakikita si Matobato sa parking area sa tapat ng San Miguel Church sa Malacañang Complex noong Aquino administration. May pagkamaangas aniya si …

Read More »

2 karnaper arestado

arrest prison

NAARESTO ng pulisya ang dalawang hinihinalang karnaper kamakalawa sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Reniel Valones, hepe ng Sta. Maria PNP, kinilala ang naarestong mga suspek na sina Jay-R Salvador, 33, at Joel Hernandez, 42, kapwa residente sa naturang barangay. Unang sinalakay ng pulisya ang bahay ni Salvador sa Garden Village Subdivision at na­tagpuan …

Read More »

Ex-BuCor head Bucayu humarang sa Bilibid raid (Magalong kumanta)

TINUKOY ni Philippine National Police (PNP) deputy chief for operations Director Benjamin Magalong si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayu na responsable sa pagharang sa orihinal na raid plan sa Bilibid. Ayon kay Magalong, sa pagharap niya sa House inquiry, binuo nila ang plano at binalangkas ang mga detalye ngunit si Bucayu ang pilit na humahadlang sa operasyon. …

Read More »

De Lima pumasok sa kubol ni Jaybee Sebastian — Witness

NANINDIGAN ang convicted inmate na si Jaime Patcho, pinilit siyang magbenta ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ng tinaguriang “king of drug lords” na si Jaybee Sebastian para sa pondo ng dating kalihim ng Department of Justice (DoJ)  at ngayo’y si Sen. Leila de Lima para sa kandidatura sa eleksiyon. Si Patcho ang ikalawang high profile inmate …

Read More »

Witnesses vs De Lima ‘di pinilit

NANINDIGAN ang abogado ng ilang high-profile inmates na nagbunyag sa pagkakasangkot ni Senador Leila De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP), na hindi sila pinilit o tinakot para tumestigo laban sa dating kalihim ng Department of Justice (DoJ). Sa isang statement, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, hindi sinaktan, binalaan o tinakot ang mga saksi sa kanilang …

Read More »

3 sangkot sa droga todas sa boga

shabu drugs dead

PATAY ang tatlo kataong hinihinalang sangkot sa droga, makaraan pagbabarilin sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City. Sa ulat ng pulisya, dakong 1:45 am, natutulog sa loob ng kanilang bahay ang construction worker na si Paul Adrian Manliclic, ng Phase 9, Package 3-C, Maharlika Street, Blk. 17, Lot 11, Brgy. 176, Bagong Silang, nang pasukin ng armadong mga suspek at …

Read More »

Dalagitang birthday gift na-gang rape

prison rape

ARESTADO ang isa sa tatlong suspek na halinhinang gumahasa sa isang 15-anyos dalagita na ginawang regalo sa birthday party sa San Mateo, Rizal. Sa ulat ng San Mateo PNP, naaresto ang suspek na si Edrian Peregrino, 19, habang target ng manhunt operation ng mga awtoridad ang dalawa pang sina Adrian Padayao, 19, at Edgie Tamone, 20 anyos. Habang inaresto rin …

Read More »

9 katao tiklo sa ecstacy

NAKOMPISKAHAN ng 88 pirasong ecstacy at dalawang mineral water na may nakahalong pink na ‘gamot’ ang nahuling siyam katao, kabilang ang limang babae, sa buy-bust operation ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang bahay sa Quezon City nitong Martes ng gabi. Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous …

Read More »

30 bahay naabo sa electric fan, 2 sugatan

UMABOT sa 30 bahay ang natupok at mahigit 60 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog dahil sa napabayaang electric fan sa valenzuela City kamakalawa ng madaling-araw. Nagsimula ang sunog dakong 1:50 am sa bahay ni Aristeo Evangelista malapit sa Polo Telecommunication Compound, McArthur Highway, Brgy. Karuhatan at mabilis na kumalat sa iba pang kalugar. Ang 71- anyos …

Read More »

‘Drug money’ iginatong sa unverified report ng NYT (Interview kay Matobato scripted)

PINANINIWALAANG ‘drug money’ ang ginagastos upang ‘koryentehin’ ang international media sa instigasyon ng isang ex-Palace reporter na sinabing nasa likod ng public relations (PR) stunt ni Edgar Matobato. Ayon sa isang source ng Hataw, inilako ng ex-Palace reporter ang “exclusive video” ni Matobato, ang star witness sa hearing ng Senate Committee on Justice, sa isang photographer ng New York Times. …

Read More »

New York Times nagpadala ng probe team sa PH (Sa koryenteng ‘exclusive scripted video’ ni Matobato)

PINAIIMBESTIGAHAN ng New York Times ang napaulat na ‘koryenteng istorya’ sa kanilang kompanya nang ilabas ang ‘exclusive scripted video’ ni Edgar Matobato kamakailan. Nabatid sa source ng Hataw, isang may inisyal na RP ang pinapunta umano ng NY Times sa Filipinas para siyasatin ang napaulat na nagamit ang kanilang news agency para pagkakitaan ng ‘narco-media’ sa bansa. Kabilang sa nais …

Read More »

Hatag kay De Lima ng Bilibid drug lords idinetalye ni Aguirre

INILAHAD ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang naging proseso nang paghahatid ng pera kay dating DoJ chief at ngayon ay Sen. Leila De Lima mula sa New Bilibid Prison (NBP). Sa pagdinig ng House committee on justice, sinabi ni Aguirre, mismong ang dating Bureau of Corrections (BuCor) OIC director na si Rafael Ragos ang naglahad nito sa kanya. Sa …

Read More »

Droga sa Bilibid nakopo ni Jaybee Sebastian

ISINIWALAT ng dating chief inspector na si Rodolfo Magleo, nagawang i-maximized ng drug lord na si Jaybee Sebastian ang illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) dahil sa paglipat ng kulungan ng tinaguriang Bilibid 19. Ibinunyag ni Magleo, batay sa pahayag ni Sebastian, nagbigay siya kay dating secretary at ngayon ay Sen. Leila De Lima, ng P10 …

Read More »

Bilibid before SAF ipinakita sa house probe

HINDI maipinta ang mukha ng ilan sa mga kongresistang dumalo sa pagdinig ng House committee on justice hinggil sa drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP). Ito’y nang kanilang mapanood ang video documentary na ipinakita ni Justice Sec. Vitalliano Aguirre tungkol sa situwasyon sa NBP sa nakalipas na administrasyon. Iginiit ni Aguirre, nais niyang maipakita sa mga kongresista …

Read More »

PSG na bagman ni De Lima nasa hot water

INIIMBESTIGAHAN ng Presidential Security Group (PSG) ang isang miyembro na dating security aide ni Sen. Leila De Lima na ikinanta ni convicted robber Herbert Colangco na nagsilbing bagman ng senadora noong justice secretary pa siya. Sinabi ni PSG Commander B/Gen. Rolando Bautista, iniutos niya ang pagsisiyasat kay Philippine Air Force (PAF) Sgt. Jonel Sanchez, miyembro ng PSG, dating security aide …

Read More »

Piloto ng Saudia Airlines bubusisiin ng MIAA (Hijacking false alarm)

ISASALANG sa imbes-tigasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang piloto ng Saudia Airlines Flight SV 872 mula Jeddah, Saudi Arabia kasunod nang insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon. Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, false alarm ang napaulat na ini-hijack ang eroplano. Ayon kay Monreal, nagkamali ang piloto ng Flight 872 sa pagpapa-dala ng …

Read More »

70-anyos lady trader dinukot sa Zambo

kidnap

ZAMBOANGA CITY – Isang 70-anyos babaeng negosyante ang iniulat na panibagong biktima ng pagdukot sa bayan ng Sirawai sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte. Batay sa ulat, nangyari ang pagdukot dakong 3:00 am kamakalawa. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Martina Yee, puwersahang kinuha ng mga armadong kalalakihan. Nabatid na isinakay ng mga armado sa speedboat ang negosyante saka …

Read More »

97 pulis positibo sa droga (8 sinibak sa extortion vs drug pushers) — PNP

UMAKYAT na sa 97 pulis at non-uniformed personnel ang nagpositibo sa isinasagawang random drug testing ng PNP. Ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Dionardo Carlos, sa nabanggit na bilang, 91 dito ang PNP personnel habang anim ang Non-uniformed Personnel (NUP). Sa pinakahuling datos mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 16, umabot sa 135,393 personnel ang sumailalim sa random drug test ng …

Read More »

Lamay hinagisan ng granada, 6 sugatan

explode grenade

TUBAY, AGUSAN DEL NORTE – Sugatan ang anim katao makaraan ang pagsabog ng granada sa lamay ng pamilya Batas nitong Martes ng madaling araw. Kuwento ni Julius Batas, nagsusugal at nag-iinoman ang suspek na si Ruel Bahan at mga kabarkada niya sa lamay ng kanyang yumaong anak. Umalis saglit ang grupo at nang sila ay bumalik, sinunggaban ni Bahan ang …

Read More »

Drug suspects death toll pumalo na sa 1,167

shabu drugs dead

PUMALO na sa 1,167 ang napapatay na drug suspects sa ilalim ng project “Double Barrel” ng PNP mula sa 1,152 kamakalawa. Sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP, mula Hulyo 1 hanggang 6:00 am kahapon, Setyembre 20, umabot na sa 18,064 ang naarestong drug suspects. Habang Umabot sa 18,814 anti-illegal drugs operation ang naisagawa ng pulisya. Samantala, nasa 1,077,582 ang …

Read More »

MASUSING iniinspeksiyon ng Bureau of Immigration…

MASUSING iniinspeksiyon ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga pasaherong Hajji mula Saudi Arabia upang matiyak na walang Indonesian na gumagamit ng Philippine passport. Kuha ito sa isang terminal sa NAIA sa kasagsagan ng pagbabalik ng mga pilgrim mula sa Mecca kahapon. (JSY)

Read More »

Laguna Well Field

Pormal na binuksan ng Laguna Water noong Agusto 19 ang Laguna Well Field, na isa sa pinakamalaking water facilities sa Pilipinas. Pinangunahan ito ng Manila Water executives na pinamumunuan ni Manila Water Chairman Fernando Zobel de Ayala (seated 5th from Left) at representatives mula sa Provincial Government of Laguna na pinamumunuan ni Governor Ramil L. Hernandez (seated 6th from Left) …

Read More »