PITO katao na pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na droga ang namatay sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril ng pinaniniwalaang mga vigilante at sa police operations sa Caloocan City nitong Miyerkoles ng gabi at Huwebes ng madaling-araw. Sa hinihinalang vigilante killings, kabilang sa mga napatay sina Sonny Facistol, 26; Edmond Vigilante; Alexis Delos Santos; Leopoldo Peralta Jr., 43, at Kenneth Nunay, …
Read More »Masonry Layout
Pusher, adik utas sa tandem
PATAY ang hinihinalang tulak at gumagamit ng droga makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa magkahiwalay na insidente sa Pateros at Pasay City kahapon ng madaling-araw. Sa Brgy. Sto. Rosario, Pateros, pinagbabaril ng mga suspek na maskarado si Jaime Edilberto, 53-anyos, sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya. Habang ang hinihinalang drug addict na si Rodolfo Ramis, Urban Express barker, ay pinaputukan …
Read More »2 patay, 24 sugatan sa sumabog na tindahan ng paputok (Sa Bocaue, Bulacan)
DALAWA ang patay habang 24 ang sugatan sa pagsabog at pagkasunog ng tindahan ng paputok sa MacArthur Highway, sakop ng Brgy. Biñang Ist, Bocaue, Bulacan kahapon ng tanghali. Kinilala ang isa sa dalawang binawian ng buhay na si Larry Alano, 21-anyos, trabahador sa pagawaan ng paputok, habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng babaeng namatay. Mula sa 10 kataong inisyal na …
Read More »2 Surigaonon solons nagmurahan at nagduruan sa Kamara (Con-Ass o Con-con?)
NAUDLOT ang pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments para sa charter change nang magkapikonan at muntik magsuntukan sina Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. Sa ginanap na pagdinig, ipinanukala ni Cebu Rep. Gwendolyn Garcia na gawing constituent assembly ang Kongreso na inayawan ng ilang mambabatas kabilang na si Pichay. Imbes …
Read More »Agenda ng militante tablado sa economic managers ni Digong (Moratorium sa land conversion, across the board wage hike)
MAHIGIT tatlong buwan pa lamang ang administrasyong Duterte, lumulutang na ang umpugan ng interes ng mga miyembro ng gabinete na binubuo ng mga progresibo o maka-kaliwa at mga negosyante’t malalapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam kay National Economic and Development Authority (NEDA) Director-General Ernesto Pernia sa Philippine Chamber of Commerce Inc. (PCCI) Philippine Business Conference and Expo …
Read More »Ex-BF killer ng utol ni Maritoni Fernandez
MAITUTURING na may kinalaman sa pagpaslang kay Aurora Maria Moynihan, kapatid ng artistang si Maritoni Fernandez nitong nakaraang buwan, ang kanyang dating boyfriend na napatay sa drug operation nitong nakaraang linggo ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD). Ito ang pahayag ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar makaraang lumabas sa ballistic test na ang .40 …
Read More »‘Lumpen’ magiging produktibo sa drug war ni Digong
NAIS ng Palasyo na maging produktibong mamamayan ang mga tinaguriang “lumpen proletariat” kapag lumabas na sila sa rehabilitation center ng gobyerno alinsunod sa ikalawang yugto ng anti-illegal drugs campaign ng administrasyong Duterte. Sa press briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Assistant Secretary of the Secretary to the Cabinet Jonas George Soriano, ikinakasa na ang rehabilitation program para sa drug dependents …
Read More »Dick Israel pumanaw, biyuda kritikal
UMAPELA ng panalangin ang pamilya ng namayapang dating aktor na si Dick Israel. Ito’y dahil bukod sa pagkamatay ni Dick sa edad na 68, lumabas ang ulat na kritikal ang kondisyon ng kanyang misis na nagkaroon siya ng tatlong anak. Ayon sa kaibigang aktres na si Nadia Montenegro, nasa intensive care unit ng isang ospital sa Makati ang biyuda ni …
Read More »UN inimbitahan sa EJK probe sa PH
KINOMPIRMA ng Palasyo na naipadala na ang imbitasyon kay United Nations rapporteur Agnes Callamard para bumisita sa bansa at mag-imbestiga sa mga insidente ng patayan bunsod ng drug war ng administrasyong Duterte. “Executive Secretary Salvador Medialdea said the Palace has sent the invitation to the UN rapporteur Agnes Callamard and is awaiting her response,” sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella. …
Read More »Negosyante sinaksak ng ex-mister ng live-in
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang negosyante makaraan saksakin ng dating mister ng kanyang kinakasama sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Ginagamot sa Valenzuela City Medical Center (VMC) ang biktimang si Severo Luzon, 34, scrap buyer ng 25 Doña Juana St., Brgy. Potrero ng lungsod. Habang kinilala ni Malabon Police chief, Insp. Lucio Simangan Jr. ang suspek na si …
Read More »Nakipagkalas na bebot utas sa tomboy
PATAY ang isang babaeng caregiver makaraan tadtarin ng saksak ng itak ng live-in partner niyang tomboy nang tangkaing makipagkalas sa Parañaque City nitong Martes ng hapon. Namatay noon din ang biktimang si Beberly Marcos, 46, ng 16 Ireland St., Better Living Subd., Brgy. Don Bosco ng lungsod. Habang nakapiit sa detention cell ng Parañaque City Police ang suspek na si …
Read More »Tulak na holdaper todas sa buy-bust
PATAY ang isang 34-anyos lalaking hininilalang tulak ng droga at holdaper nang lumaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila kahapon. Agad binawian ng buhay si Ronaldo Zulueta y Pelayo, alyas Chokoy, ng 1281 Tambunting St., Sta. Cruz. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Lester Evangelista ng Manila Police District Homicide Section, dakong 10:40 am sa Tambunting St., …
Read More »Ginang itinumba ng CDS
PATAY ang isang ginang na hinihinalang sangkot sa droga makaraan kaladkarin palabas ng kanilang bahay at pinagbabaril ng hinihinalang mga miyembro ng vigilante group na Caloocan Death Squad kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Emily Cabangot, 42, tubong Davao City at nangungupahan sa Tiera Nova Main, Brgy. 171, Bagumbong …
Read More »Lapses sa security ng Cavite mall hostage crisis, aalamin ng PNP-SOSIA
INIIMBESTIGAHAN ng PNP-SOSIA (Supervisory Office for Security and Investigation Agencies) ang posibilidad ng pagkakaroon ng lapses sa seguridad ng SM Dasmariñas sa Cavite kung bakit nakapasok ang patalim ng hostage-taker na nakamatay ng dalawa katao nitong nakaraang Linggo. Ayon kay PNP-SOSIA Director, Senior Supt. Jose Mario Espino, kwestyonable kung paanong naipuslit ang 12 pulgadang patalim ng hostage-taker na si Carlos …
Read More »P77-M pirated DVDs, CDs nakompiska sa CdeO
CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang durugin ng Optical Media Board (OMB) ang mahigit 200,000 piraso ng pirated DVDs at CDs na nakompiska mula sa market vendors sa Cagayan de Oro City. Ito ay makaraan ang simultaneous na pag-raid ng OMB kasama ang tropa ng PNP Regional Public Safety Batallion (RPSB-10) laban sa naglipana na mga kontrabandong ibinibenta sa bangketa …
Read More »3 Taiwanese, Chinese patay sa Pampanga
NATAGPUANG patay ang isang Chinese national at tatlong hinihinalang Taiwanese nationals sa dalawang bayan ng Pampanga nitong Martes ng umaga. Bandang 6:30 a.m. nang makita ng isang magsasaka ang bangkay ng isang babae at dalawang lalaki sa madamong bahagi ng megadike sa Brgy. Dolores, Bacolor, Pampanga. Nakabaon ang kalahati ng katawan ng isang bangkay, naka-packaging tape ang mga paa at …
Read More »De Lima, 7 pa kinasuhan ng drug trafficking
SINAMPAHAN ng kasong drug trafficking o paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Department of Justice (DoJ) si Senator Leila De Lima dahil sa sinasabing pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Base sa 62-pahinang reklamo na inihain ni Volunteer Againts Crime and Corruption (VACC) founding chairman Dante Jimenez, sinabi niyang ginamit …
Read More »Pamangkin ni De Lima inaresto ng NBI
KINOMPIRMA ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pag-aresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Jose Adrian Dera alyas Jad de Vera. Ayon kay Aguirre, inaresto si Dera kamakalawa ng gabi sa isang hindi tinukoy na lugar sa Quezon City at kasalukuyang nasa kustodiya na ng NBI para sa interogasyon. Inaresto siya dahil sa mga kasong …
Read More »Ronnie Dayan ipinaaaresto ng Kamara (NBP probe muling bubuksan)
IPINAAARESTO na ng House committe on justice si Ronnie Dayan, ang sinasabing bagman at dating driver-bodyguard ni Senator Leila de Lima, makaraan ang bigong pagdalo sa pagdinig sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons. Ang hakbang ay pinangunahan ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas at ito ay sinuportahan ng 12 mambabatas. Noong Oktubre 1, pinadalhan ng subpoena si Dayan …
Read More »Negosyong ‘karne’ ni Osang sa Bilibid inamin ni Sy
INAMIN ng high-profile convict na si Vicente Sy nitong Lunes ang pagdadala ng kanyang kaibigang si Rossana Roces ng mga babae sa New Bilibid Prison (NBP) para sa kanya at sa ibang kapwa preso. Ginawa ni Sy ang pag-amin sa harap ng House inquiry kaugnay sa sinasabing illegal drug trade at iba pang anomalya sa loob ng national penitentiary. Nitong …
Read More »Mark Anthony inilipat na sa Pampanga Provincial Jail
INILIPAT na sa Pampanga Provincial Jail ang aktor na si Mark Anthony Fernandez. Ito’y kasunod ng apela ng kampo ni Fernandez na ilipat siya sa provincial jail dahil siksikan ang mga preso sa Angeles District Jail na dating pinagkulungan sa kanya. Nasa 20 preso lang ang kapasidad ng Angeles District Jail ngunit nasa 102 ang nakakulong dito. Naaresto kamakailan ang …
Read More »Dalagita hinabol ng gumagalang ‘killer clown’ (Sa Ilocos Sur)
VIGAN CITY – Nagdulot ng takot sa mga residente ang pinaniniwalaang paghabol ng isang naka-custome ng clown sa isang babae sa Brgy. Ayusan Norte, Vigan City, Ilocos Sur kamakalawa. Ayon kay Brgy. Kagawad Bernard Dasugo, chairman ng committee on peace and order sa naturang barangay, pauwi na ang biktima galing sa panonood ng volleyball tournament nang may nakita siyang nakaupo …
Read More »3,600 tserman, 6,000 pulis sa narco-list
NAGPAAWAT si Pangulong Rodrigo Duterte kay National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagpapalabas ng narco-list. Ayon sa Pangulo, hindi muna niya mailalabas ang narco list na nagsasangkot sa ilang indibidwal sa operasyon ng illegal drugs dahil hinihintay pa niya ang clearance na ilalabas ng national security na kasalukuyang bumubusisi sa listahan. Sinabi ng Pangulong Duterte, sa oras na bigyan na …
Read More »Aktor sugatan, 1 pa patay sa tandem
MASUSING iniimbestigahan ng Pasig City Police kung may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagbaril sa aktor na si John Wayne Sace at kasamahan niya kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Pasay. Patuloy na inoobserbahan sa Rizal Medical Center si Sace na tinamaan ng bala sa bewang makaraan barilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Sagad, Pasig City. Habang binawian ng buhay …
Read More »Pribatisasyon ng gov’t hospital ikakansela
KAKANSELAHIN ng Malacañang ang lahat ng kontratang pinasok ng administrasyong Aquino na magsaspribado sa mga pampublikong pagamutan sa buong bansa. Sinabi ng isang mataas na opisyal ng Palasyo, paninindigan ng gobyernong Duterte ang pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan. Mantsado aniya ng kaipokritohan ang administrasyong Aquino na ipinangalandakan ang slogan na nagsilbi sila sa “laylayan ng lipunan” o ang …
Read More »