Friday , June 21 2024
janet napoles mar roxas butch abad PNoy PDAF scam

‘Ma’am Janet idiniin ng PNoy admin para iligtas si Abad

PABABAYAAN ng Palasyo ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralan ang mga affidavit ni Janet Lim-Napoles bago maghayag ng kanyang paninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hinahayaan muna po ng Presidente na DOJ ang mag-determine kung makapapasok sa witness protection si Janette Lim Napoles dahil iyan naman po ang nakasaad sa batas,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Hataw Catriona Gray Ryza Cenon Jadine James Reid Nadine Lustre Janet Napoles Martin Andanar Lourdes Sereno

Inamin kamakailan ng DOJ na isinailalim sa provisional witness protection program si Napoles.

Noong May 2014 ay tinukoy ni Napoles sa kanyang affidavit na si dating Budget Secretary Butch Abad ang nagturo sa kanya na magtayo ng foundations para pagkakitaan nang siya ay congressman ng Batanes noong 2000.

“Abad was lent by JLN [Janet Lim-Napoles] money which was returned with interest. When JLN asked how the money earned, she was introduced to foundations. JLN got curious and eventually JLN was taught how to form foundations,” ani Napoles sa dokumento.

Matatandaan, si Napoles  ay inihatid sa Camp Crame ni noo’y Pangulong Benigno Aquino III at kanyang mga opisyal na sina Mar Roxas, Rene Almendras, Ricky Carandang, at noo’y Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima, makaraan sumuko sa Palasyo noong 28 Agosto 2013.

Si noo’y Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang kinontak ni Atty. Lorna Kapunan para sa pag-surrender ni Napoles sa Heritage Park.

Umani nang batikos ang video na nagpakita na tinawag ni Roxas ng “Ma’am Janet” si Napoles.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

062124 Hataw Frontpage

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi …

062124 Hataw Frontpage

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang …

shabu drug arrest

2 tulak huli sa Malabon, Vale buybust

DERETSO sa hoyo ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *