TINAWAG na ipokrito ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga hindi nasisiyahan sa kampanya kontra droga ng gobyerno. Reaksiyon ito ni Dela Rosa makaraan ilabas ng SWS ang survey na nagsa-sabing 85 porsiyento ng kanilang mga tinanong ay kontento sa anti-drug campaign ng PNP habang walong porsiyento ang mga hindi natutuwa at pitong porsiyento ang “undecided.” Ayon …
Read More »Masonry Layout
‘Wag mabahala sa EJKs — Palasyo
PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng mga Filipino sa nagaganap na extrajudicial killings o summary execution kasunod ng anti-drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte. Reaksiyon ito ng Malacañang sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey sa last quarter ng taon na 78 porsiyento ng mga Filipino ay nangangamba sa kanilang seguridad sa gitna ng extrajudicial killings sa bansa. Sinabi …
Read More »EJKs kabiguan ng PNP — Gen. Bato
AMINADO si PNP chief Director General Ronald dela Rosa, kabiguan ng pulisya ang pag-usbong ng extrajudicial killings (EJK) sa bansa. Kaya hindi niya masisisi kung may mga sibilyan na nangangamba na baka mangyari sa kanila ang extrajudicial killings. Ito ay kasunod sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na may 1,500 respondents o katumbas ng 78 porsyento ang …
Read More »Pagbuwag sa VFA warning lang ni Digong — Palasyo
INILINAW ng Malacañang, babala pa lamang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos. Sinabi ni Communications Assistant Sec. Anna Marie Banaag, dapat munang mapag-u-sapan ng Pangulong Duterte at ng kanyang advisers ang usapin sa VFA. Ayon kay Banaag, mas maiging hintayin na lang ang susunod na hakbang ng Presidente at …
Read More »1 sugatan sa pagsabog ng IED sa Basilan
ZAMBOANGA CITY – Isang sibilyan ang nasugatan makaraan ang panibagong pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa Brgy. Sabong, Lamitan City, Basilan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Asdali Nura Awwali, 22, nilalapatan ng lunas sa ospital. Ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang tinukoy ng mi-litar na responsable sa naturang pagsabog ng IED sa lugar dahil pareho anila ang signature …
Read More »Confiscated drug supply kakaunti na — PDEA-12
GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang pagbaba ng volume at supply ng droga na nakokom-piska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-12 lalo na ngayong buwan. Ito ang sinabi ni Lyndon Aspacio, hepe ng PDEA-12, kaugnay sa kanilang kampanya laban sa droga. Aniya, dahil ito sa mas pinahigpit na kampanya kontra sa ilegal na droga ng kasalukuyang administrasyon. …
Read More »Sanggol nalunod sa sapa (Nahulog sa duyan)
NALUNOD ang isang sanggol na babae makaraan mahulog mula sa duyan sa ilalim ng isang tulay sa Davao City kamakalawa. Ayon kay Nida Ombus, ina ng isang-taon gulang sanggol, mahimbing siyang natutulog kasama ang anak sa ilalim ng Baluaong Bridge nang mangyari ang insidente. Dumiretso sa sapa ang sanggol at nalunod. Mamamasko sana ang pamilya sa lokal na pamahalaan kaya …
Read More »2 sugatan sa motorsiklo vs kotse
DALAWA ang sugatan makaraan sumalpok ang isang motorsiklo sa isang kotse kamakalawa ng gabi sa Parañaque City. Ginamot sa Parañaque District Hospital ang mga biktimang si Vincent Quirante, 42, driver, at ang back rider niyang si alyas Alex, ng Bacoor, Cavite. Sa imbestigasyon ni SPO1 Edgar Suarez ng Parañaque City Traffic Enforcement Unit, dakong 9:30 pm lulan ang mga biktima …
Read More »54-anyos kelot dedbol sa bundol
BINAWIAN ng buhay ang isang 54-anyos lalaki makaraan mabundol ng kotse habang tumatawid sa Tondo, Maynila kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktimang si Renato Balmes, residente sa 217 Penarubia St., Binondo, bunsod nang matinding pinsala sa ulo at katawan. Ayon sa ulat ni SPO3 John Cayetano, ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) …
Read More »Pedicab driver itinumba ng vigilante
PATAY ang isang pedicab driver makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na hinihinalang mga miyembro ng vigilante group, habang natutulog ang biktima sa gilid ng computer shop kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Cornelio Bernardo, 40, ng 381 Sitio 1, Brgy. 2, na-tagpuang may tama ng bala sa ulo. Ayon kay Caloocan …
Read More »Bangkay itinapon sa Ilog Bigaa
NATAGPUAN ng mga residente ang isang bangkay na palutanglu-tang sa Ilog Bigaa sa Panginay, Balagtas, Bulacan kamakalawa ng hapon. Ayon kay Panginay Brgy. Chairman Ruben Hipolito, ilang mga residente ang nagsadya sa barangay hall upang i-pagbigay-alam ang kanilang nakitang bangkay na palutang-lutang sa ilog malapit sa Florante St. Agad nagtungo ang mga barangay tanod sa lugar at nakompirmang isang bangkay …
Read More »Amnesty Int’l tanga – Duterte
BINUWELTAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang international human rights group na Amnesty International at tinawag na tanga dahil mas nababahala sa pagpatay ng mga awtoridad sa mga sangkot sa illegal drugs kaysa pamamayagpag ng drug syndicate. “Itong mga iba, kaya ako nagmumura, akala ko ba ally kayo? Instead of offering help, here comes the idiots pati itong, ‘yung sa newspaper …
Read More »Ayon sa CIDG: P30-M shabu sa cebu galing sa Bilibid
KINOMPIRMA ng Cri-minal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Sabado, nagmula sa New Bilibid Prisons (NBP) ang P30 milyon halaga ng ilegal na drogang nakompiska sa Brgy. Carreta, Cebu City. Nakompiska ang 2.5 kilo ng shabu mula sa mga suspek na sina Joshel De Jesus at Roljoy Rosette sa isang drug buy-bust operation nitong Biyernes. Nakasilid ang ilegal na droga …
Read More »Pacman next president (Inulit ng Pangulo)
MULING tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Manny Pacquiao bilang susunod na presidente ng bansang Filipinas. Ito ang sinabi ng Pangulo sa pagdalo niya sa ika-38 kaarawan ng eight division world champion kamakalawa ng gabi sa General Santos City. Ayon kay Pangulong Duterte, nakikita niya ang landas na tatahakin ng boxing champion sa susunod na mga taon. Magugunitang noong …
Read More »PRRD sa US: “Pera-pera na lang tayo”
PERA na lang ang magiging pundasyon sakaling ituloy ng Filipinas ang al-yansa sa Amerika, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Makaraan magbanta sa tropang Amerikano na pauuwiin na sa US dahil ibabasura na niya ang Visiting Forces Agreement (VFA), inihayag ng Pangulo, papayagan niyang manatili pa sila sa bansa basta magbayad. “You want to come back here? You pay us. You …
Read More »Kondisyon sa UN Special Rapporteur iginiit ni Duterte
IBINASURA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard na hayaan muna siyang magsagawa ng imbestigasyon sa extrajudicial killings saka siya bigyan ng pribadong briefing sa kanyang magiging findings at magsagawa ng joint press conference. Una nang tinanggihan ni Callamard ang mga kondisyon ni Pangulong Duterte dahil labag aniya ito sa “code of conduct” ng kanyang …
Read More »Media binanatan ni Duterte (Biro sineryoso)
KINUTYA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang media na madalas aniyang sakyan o seryosohin ang kanyang mga biro. Sinabi ng Pangulo sa birthday party ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, pagod na pagod siya sa mga biyahe sa ibang bansa bilang presidente ng bansa ngunit iniintriga pa rin siya ng media. Gaya na lang nang ihayag niya sa Wallace Business Forum na …
Read More »Kaso vs showbiz personalities tuloy-tuloy (Sa illegal drugs)
TINIYAK ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD), patuloy ang kanilang ginagawang pangangalap ng mga ebidensiya laban sa showbiz personalities na isinasangkot sa ilegal na droga. Ayon kay QCPD Director, C/Supt. Guillermo Eleazar, hawak pa rin nila ang listahan ng showbiz personalities at patuloy na nangangalap ng mga ebidensiya bago nila isagawa ang operasyon. Dagdag ni Eleazar, bukod sa …
Read More »Demolisyon sa ‘lumang palengke’ tinutulan ng vendors
NAGKAGULO ang mga miyembro ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) at mga nagtitinda sa Langaray Market nang magsimula ang demolisyon para sa nabinbing pagsasaayos nitong Sabado. Nagkasakitan ang magkabilang kampo, dahil sa pambabato at puwersahang pagsasara ng palengke sa pamamagitan ng paglalagay ng mga yero sa mga stalls ng nasabing palenge. Dakong 8:00 am nang sumiklab ang …
Read More »P.7-M alahas, cash tinangay ng dugo-dugo
UMABOT sa P700,000 halaga ng mga alahas at cash ang natangay ng hindi nakilalang babaeng hinihinalang miyembro ng “Dugo-Dugo” gang, mula sa isang 18-anyos estudyante sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Sa nakatala sa blotter ng Caloocan Police Station Investigation Division (SID), nakatanggap ng tawag sa telepono ang biktimang si Chelsea Ericka Colaniba sa kanilang bahay sa 220 San Pedro …
Read More »Brgy. Chairman timbog sa buy-bust (Sa Sta. Maria, Bulacan)
ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang barangay chairman sa buy-bust operation sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang suspek na si Henry D. San Miguel, 45, chairman ng Barangay Mag-asawang Sapa, Sta. Maria, sa naturang lalawigan. Ayon sa ulat, si San Miguel ay kasama sa listahan …
Read More »Rider tigbak sa truck
Rider tigbak sa truck PATAY ang isang lalaki nang mahagip ang minamanehong motorsiklo ng kasalubong na truck sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktimang tinata-yang 50-anyos. Habang kusang-loob na sumuko ang driver ng truck na si Helario Blanco, 67, residente ng Radial Road 10, Baseco Compound, Vitas, Tondo, Maynila. Batay sa ulat ni …
Read More »Sumpa ni Digong: 2022 prexy malaya na sa salot na droga (Narco-politics panahon pa ni Erap)
LABIMPITONG taon o panahon pa ng administrasyong Estrada ay umiiral na ang narco-politics sa bansa . Ito ang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talum-pati sa The Outstanding Filipino Awards (TOFIL) kahapon sa Palasyo. Anang Pangulo, nanghilakbot siya nang maupong Pangulo na umabot na sa apat na milyon ang drug addicts na Pinoy at libo-libong tila mga ‘zombie’ …
Read More »2 dedo, 3 sugatan sa P4-M hold-up sa Capiz
ROXAS CITY – Dalawa ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan sa panghoholdap sa bayan ng President Ro-xas, Capiz kamakalawa. Napatay ng mga suspek ang negosyanteng si Arnel Bucayan, habang patay rin ang suspek na si Roger Estrella ng Misamis Oriental, nang mabaril ng security guard na nagtatrabaho sa hardware ng negosyante. Sa imbestigasyon, pauwi na sana si Arnel …
Read More »Lady jail officer, 1 pa todas sa buryong na preso (Sa Tarlac jail)
DALAWA ang kompirmadong patay, kabilang ang isang jail officer, makaraan magkaroon ng putukan sa loob ng isang selda sa Camiling, Tarlac na humantong sa hostage-taking nitong Linggo. Sinabi ni Chief Supt. Aaron Aquino, hepe ng Central Luzon Police, dakong 10:20 am nang mang-agaw ng baril ang presong kinilalang si Rolly Falcon at pinaputukan ang hindi pa pinangalanang babaeng jail officer …
Read More »