Kinalap mula sa LaCroix International ni TRACY CABRERA VATICAN CITY, ROME — Maging ang Vatican ay mahigpit na sumusunod sa mga quarantine restriction na itinakda para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus. Ngunit ayon sa mga insider sa Holy See, nagpapatuloy pa rin ang Santo Papa Francis na makipagdaupang-palad habang nasa pribadong pakikipagpulong — isang bagay na hindi pinapayagan ng health …
Read More »Masonry Layout
‘Eyeball-holdap’ buking ‘Poser’ sa socmed, arestado
NADAKIP ang isang trabahador sa azucarera matapos magpanggap na babae sa social media para pagnakawan ang kanyang mga biktima, sa isang entrapment operation na ikinasa ng mga awtoridad sa Crossing Gaston, Brgy. Punta Mesa, bayan ng Manapla, lalawigan ng Negros Occidental. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alvin Amandog, 27 anyos, residente sa Brgy. Tortosa, sa nabanggit na bayan. …
Read More »HVI pusher tiklo sa P.68-M droga sa anti-narcotics ops
TINATAYANG nasa P680,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nakompiska mula sa nadakip na suspek sa inilatag na anti-narcotics operation ng PDEU, PIU Pampanga PPO, at Mabalacat City Police Station, nitong Martes, 13 Abril, sa Brgy. Mabical, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, base sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director …
Read More »Most wanted sa CL timbog sa manhunt ops (Anak ng kinakasama ginahasa)
HINDI inaasahan sa kanyang paglutang mula sa halos isang dekadang pagtatago ay matimbog ang isang suspek, itinuturing na isa sa most wanted ng Central Luzon sa isinagawang Manhunt Charlie operation nitong Martes, 13 Abril, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek na si Alberto Soriano, Jr., 51 anyos, may …
Read More »Motornapper arestado kasabwat nakatakas
ARESTADO ang isang lalaking sinasabing responsable sa nakawan ng mga motorsiklo sa lalawigan ng Bulacan habang nakatakas ang kaniyang kasabwat na sentro ng pagtugis ngayon ng pulisya sa lalawigan. Kinilala ang hinihinalang kawatan ng motor na si Relly Rodas, residente sa Sangandaan, lungsod ng Caloocan, na nadakip sa Brgy. Biñang 2nd, sa bayan ng Bocaue, sa nabanggit na lalawigan, nitong …
Read More »Drug suspect patay sa buy bust sa Bulacan, 20 pa pinagdadakma
NAPASLANG ang isang drug suspect habang arestado ang 20 iba pang drug personalities sa magkakahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, hanggang kahapon, 14 Abril. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napaslang na suspek na si Espero Dacanay, alyas Nico, iniulat na sangkot sa talamak na pagtutulak ng …
Read More »SK Fed president pinagbabaril patay (Pinasok sa kuwarto)
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation ng bayan ng Lumban, lalawigan ng Laguna, matapos pasukin at pagbabarilin sa kanyang sariling kuwarto nitong Martes ng hapon, 13 Abril. Sa ulat, dakong 5:30 pm nang makatanggap ng tawag sa cellphone ang estasyon ng pulisya na nagpapabatid na mayroong insidente ng pamamaril na naganap sa Brgy. Maytalang Uno, sa …
Read More »Babae sinabing tumalon mula sa 45/f patay
PATAY ang isang babae na hinihinalang tumalon sa isang gusali kahapon ng umaga sa lungsod ng Quezon. Base sa ulat, dakong 9:35 am nang matagpuan ang katawan ng hindi kilalang biktima, na nakahandusay sa ika-anim na palapag ng Canopy, South Tower, Zinnia, Barangay Katipunan sa lungsod. Ang gusali ay may taas na 45 palapag. Ayon kay Vincent Boncay, 22 anyos, …
Read More »Magdyowang tulak, huli sa buy bust (P121K shabu kompiskado)
NADAKIP magdyowang sinabing tulak ng ilegal ng droga makaraang makuhaan ng mahigit sa P100,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief, Col. Joel Villanueva ang mga naarestong suspek na si Marvin Diolazo, 45 anyos, at Irene Flores, 41 anyos, kapwa residente sa Bisig ng Kabataan, Brgy. …
Read More »2 miyembo ng ‘gang’ timbog sa Pampanga (Sa panghoholdap, pagtutulak ng droga)
ARESTADO ng mga awtoridad ang dalawang suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng isang criminal group nitong Martes, 13 Abril, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, nasukol ang mga suspek na kinilalang sina Romer Rillera, 36 anyos, binata, no. 2 most wanted ng San Manuel Police Station; at Mark Anthony Evangelista, 41 …
Read More »Duque sinungaling — health workers
UMALMA ang medical frontliners sa anila’y tahasang pagsisinungaling ni Health Secretary Francisco Duque III na binabantayan nang husto ng Department of Health (DOH) at dalawang beses isinasailalim sa CoVid-19 swab test ang health workers. Dinagsa ang social media platform Twitter ng mga pagbatikos kay Duque makaraang mapanood sa telebisyon ang kanyang ‘imbentong’ ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte na regular na …
Read More »Mass graves ng CoVid-19 patients sa Hunyo posible (Kapag wala pa rin nagtimon sa pandemya)
NAGBABALA ang isang dating kalihim ng Department of Health (DOH) na magkakaroon ng mass graves ng mga namatay sa CoVId-19 sa Hunyo o Hulyo kapag nagpatuloy na ‘walang timon’ sa pagtugon ng pandemya sa bansa. “I hope it does not come to that, but you know I already have a vision of mass graves in the country. Because we are …
Read More »Serye-exclusive: SEC exec ‘deadma’ sa DV Boer investors
ni ROSE NOVENARIO ISINUMBONG ng may 291 investors sa liderato ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang isang opisyal ng ahensiya na matamlay sa idinulog nilang reklamo laban sa DV Boer Farm Inc., ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin. Inilahad ni Irish Fajilagot, investor at kinatawan ng 290 pang investors ng DV Boer at subfarms nito, sa kanyang liham …
Read More »Kontrata nasungkit ng misis ni Ian Veneracion (Single bidder pinaboran ni Villar sa P389-M dolomite beach project)
ni ROSE NOVENARIO NASUNGKIT ng asawa ni actor-painter Ian Veneracion na si Pamela Rose G. Veneracion ang kontrobersiyal na P389-milyong Manila Bay white sand project. Nabatid, ang kontrata ay may Contract ID Number 19200039, batay sa dokumentong Notice of Award (NOA) na may petsang 17 Disyembre 2019 na ipinadala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kay Pamela, nagsasaad …
Read More »CoVid-19 testing palpak, Vince Dizon sibakin — Bayan
MULING nanawagan ang militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na sibakin bilang testing czar si Vince Dizon at palakasin ng administrasyong Duterte ang libreng CoVid-19 testing sa gitna ng napakataas na positivity rate at lomobong bilang ng mga bagong kaso ng CoVid-19. “We again reiterate our call to replace so-called testing czar Vince Dizon and to ramp up free CoVid …
Read More »Roque ‘malalim’ sa PGH (Kaya mabilis na-admit)
‘MALALIM’ si Presidential Spokesman Harry Roque sa Philippine General Hospital (PGH) kaya mabilis siyang nakakuha ng kuwarto kahit maraming mas malalang pasyente na nagtitiis sa mahabang pila para magkaroon ng silid sa pagamutan. Sinabi ni Roque, ang lahat ng kanyang doktor ay kapwa niya faculty member sa University of the Philippines (UP) na nagpapatakbo sa ospital bukod pa sa PGH …
Read More »IED sumabog sa Basilan sundalo, sibilyan sugatan
SUGATAN ang isang sundalo at isang sibilyan nang sumabog ang isang improvised explosive device sa bayan ng Tipo-Tipo, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes, 12 Abril, isang araw bago ang pagdiriwang ng Ramadan. Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., hepe ng Western Mindanao Command ng Philippine Army, naganap ang insidente ng pagsabog dakong 6:25 am kamakalawa habang nagpapatrolya ang mga …
Read More »Motorsiklo nag-overtake, dump truck nakasalubong empleyado ng BFAR patay
BINAWIAN ng buhay ang isang tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lungsod ng Tacloban nang bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang mini-dump truck nitong Lunes ng umaga, 12 Abril, sa National Highway sa Brgy. Abango, sa bayan ng Barugo, lalawigan ng Leyte. Kinilala ni P/Capt. Luis Hatton, hepe ng Barugo Police Station, ang biktimang si …
Read More »Provincial consultant na ex-CoS ng mister ni Assunta patay (Binaril sa Negros Occidental)
NAPASLANG ng mga hindi kilalang suspek ang isang provincial consultant for hospital operations sa labas ng Emerald Arcade sa Brgy. Palampas, lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Negros Occidental nitong Lunes, 12 Abril. Kinilala ang biktimang si Mariano Antonio “Marton” Cui III, na idineklarang wala nang buhay nang dalhin sa ospital matapos tamaan ng bala ng baril sa dibdib. Ayon …
Read More »Pulis, 3 pusakal na bukas kotse arestado, 2 nakatakas (Dumayo sa Bulacan para magbasag kotse)
NADAKIP ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang miyembro ng Basag Kotse Gang ng Maynila na dumayo sa lalawigan ng Bulacan, gayondin ang pulis na nagtangkang arborin ang mga suspek. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga arestadong suspek na sina Allen Alvarado, John Fizer Salvador, Juvito Salvador, at P/Cpl. Mark Edison Quinton, nakatalaga sa Manila …
Read More »Kautusan sa pagpapatupad ng MECQ sa Bulacan idineklara (Sa Executive Order No. 12 Series of 2021)
“IPAGPATULOY natin ang ibayong pag-iingat at pagtalima sa batas.” Ipinahayag ito ni Governor Daniel Fernando kasunod ang mga inilabas na guidelines sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula 12-030 Abril 2021, sa lalawigan. Ayon sa gobernador, ang curfew hours ay simula 8:00 pm hanggang 5:00 am kinabukasan at ang indibidwal na 18 anyos pababa at 65 anyos pataas, …
Read More »LRT Line 1 shutdown sa huling 2 weekend (Ngayong Abril 2021)
SHUTDOWN ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line-1 sa loob ng dalawang weekend ngayong Abril para bigyang-daan ang maintenance at rehabilitation activities. Sa pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRM) management, walang operasyon ang LRT line 1 sa 17-18 Abril, at 24-25 Abril 2021. Layunin umanong isasaayos ang mga linya, mga tren, at ang mga estasyon sa mga petsang …
Read More »SERYE-EXCLUSIVE: Senado kinalampag ng e-mail barrage (DV Boer pinaiimbestigahan)
ni ROSE NOVENARIO KINALAMPAG ng electronic mail (e-mail) barrage ang mga senador ng overseas Filipino workers (OFWs) upang hikayatin na maglunsad ng imbestigasyon sa multi-bilyong pisong agribusiness scam ng DV Boer Farm, Inc., na bumiktima sa libo-libong Pinoy sa loob at labas ng bansa. Nakasaad sa e-mail sa mga mambabatas at kay Atty. Philip Lina, committee secretary ng Senate Committee …
Read More »NTC pasaklolo na sa SC vs P2.5B NOW Telecom penalty
NANAWAGAN kahapon ang Infrawatch PH sa National Telecommunications Commission na magsampa ng Motion for Early Resolution sa Supreme Court para pinal na maresolba ang apela ng NOW Telecom na humihirit ng rekonsiderasyon sa desisyon ng Court of Appeals noong 2009 na kumakatig sa letter-assessment ng NTC para pagbayarin ng P126,094,195.67 supervision and regulation fees at P9,674,190 spectrum user fees ang …
Read More »Medical frontliners humirit ng dialogue kay Duterte (Duque lagot)
ni ROSE NOVENARIO HUMIRIT ng dialogue ang iba’t ibang unyon sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) kay Pangulong Rodrigo Duterte upang talakayin at matuldukan ang miserableng kalagayan ng medical frontliners. Sa ipinadalang liham ng AHW kay Pangulong Duterte sa Malacañang kahapon, inihayag ng grupo ang pagnanais na makaharap ang Punong Ehekutibo sa Biyernes, 16 Abril 2021, upang talakayin …
Read More »