Saturday , September 28 2024

Masonry Layout

Paunawa sa publiko at mga motorista
ROXAS BLVD. SOUTHBOUND SARADO SA SABADO 15 ENERO

Roxas Blvd

INIANUNSIYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasara sa trapiko ang southbound portion ng Roxas Boulevard simula 6:00 am, bukas, araw ng Sabado, 15 Enero 2022, upang bigyang-daan ang pagkukumpuni sa nasirang box culvert ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa harapan ng Libertad Pumping Station sa Pasay City.             Ayon kay MMDA Chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Read More »

Serbisyo publiko sa Munti limitado sa rami ng positibo

Muntinlupa

SA BILIS ng pagdami ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19 sa Muntinlupa City, limitado na ang mga serbisyo sa lungsod. Sa datos ng Muntinlupa City government, nitong 12 Enero 2022, mayroon silang naitalang 2,447 active CoVid-19 cases, 204 ang bago, mula sa 2,243 rekord niting 11 Enero 2022. Dahil sa mataas na hospitalization, puno na ang city-run Ospital ng …

Read More »

Batas nilagdaan ni Duterte
ROOSEVELT AVE., PINALITAN NG FERNANDO POE, JR., AVE.

Fernando Poe Jr Avenue

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpalit sa pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City sa Fernando Poe, Jr., Avenue. Ayon sa Malacañang, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11608 noong 10 Disyembre 2021. Matatagpuan ang ancestral residence ni Poe sa Roosevelt Ave., sa 1st District ng Quezon City. Ang tunay na pangalan ng King of Philippine Movies …

Read More »

PH healthcare system prayoridad sa 2022 nat’l budget

PALAKASIN ang mga government hospitals laban sa CoVid-19 at iba pang karamdaman ang layunin ng inilatag na 2022 national budget. Sinabi ito ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance na nanguna sa pagpasa ng pambansang pondo para ngayong 2022. Ani Angara, pangunahing layunin ng 2022 national budget na mapalakas ang healthcare system ng bansa upang mapunan ang …

Read More »

Dahil sa CoVid-19 reinfection
3,114 HEALTHCARE WORKERS SA NCR NASA ISOLATION

CoVid-19 vaccine

MAY 3,114 healthcare workers sa National Capital Region (NCR) ang nasa isolation dahil tinaman muli ng CoVid-19. “Nagkaroon talaga ng reinfections itong (mga) health care workers natin or iyong mga breakthrough, kasi sila iyong nauuna talaga. Sila iyong first line, nasa hospital na nakapagharap ng mga CoVid-19 patients, iyong mga bagong active cases,”ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega sa Laging Handa Public …

Read More »

Kapag nanalong presidente si BBM,
P328-B ILL-GOTTEN WEALTH, UNPAID TAXES NG MGA MARCOS, GOODBYE NA

Bongbong Marcos BBM

MALABO nang mabawi ni Juan dela Cruz ang P328-bilyong ill-gotten wealth at unpaid taxes ng pamilya Marcos kapag naluklok sa Malacañang si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio. Malaki rin aniya ang tsansa na buwagin ni Marcos, Jr., ang Presidential Commission on Good Government (PCGG), ang ahensiya ng pamahalaan na itinatag ni dating …

Read More »

Public and private school, online & face-to-face
KLASE SA MAYNILA SUSPENDIDO

Isko Moreno Honey Lacuna

INIANUNSIYO nina Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno” Domagoso, Vice Mayor Honey Lacuna Pangan ang health break para sa lahat ng antas mula elementarya hanggang kolehiyo sa pribado at pampublikong mga paaralan simula 14 Enero hanggang 21 Enero 2022. Kabilang sa health break ang parehong online at face-to-face classes sa buong lungsod. Ani Domagoso, isinulong ang health break sa lungsod …

Read More »

Utos ni Año
IMBENTARYO VS DI-BAKUNADO, KILOS LIMITADO

011322 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO IPINASUSUMITE ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga barangay sa buong bansa ang listahan ng mga residenteng hindi bakunado kontra CoVid-19 upang malimitahan ang kanilang kilos. Ang direktiba ni Año na imbentaryo sa mga barangay ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag palabasin sa bahay ang mga ‘di-bakunadong …

Read More »

Pag-iwan ni Isko kay Doc Willie ikinagalit ng netizens

Isko Moreno, Doc Willie Ong

UMANI ng negatibong komento sa social media dahil sa pinalutang na Isko-Sara tandem sa 2022 elections Imbes umanong makatulong, tila lalo pang nabaon si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, matapos batikusin maging ng kanyang mga tagasuporta dahil sa kanyang pag-iwan sa ere sa kanyang running-mate na si Doc Willie Ong. Pakiramdam ng kanyang mga tagasuporta tila pinagtaksilan sila ni …

Read More »

80% CoVid-19 vaccination rate, nakamit ng SJDM,
ROBES HUMILING SA IATF NG BAGONG MALAWAKANG BAKUNAHAN

San Jose del Monte City SJDM

INIHAYAG ngayon ni San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida “Rida” Robes, nakamit ng lungsod ang 82.89%  ng populasyon na target mabakunahan matapos ang malawakang pagbabakuna at pagpapabatid ng kaalaman sa publiko na ipinatutupad ng lungsod mula noong nagdaang taon. Inihayag ito ng mambabatas makaraang hilingin sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na …

Read More »

Vice Ganda at Ion Perez nag-donate ng P500k sa ABS-CBN benefit concert ni Regine

Regine Velasquez Ion Perez Vice Ganda

PABONGGAHANni Glen P. Sibongga TUWANG-TUWANG napasigaw at napapalakpak si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa laki ng donasyong ibinigay ng kaibigan niyang si Vice Ganda at boyfriend nitong si Ion Perez para sa mga biktima ng Bagyong Odette na beneficiary ng By Request: A Benefit Concert ng ABS-CBN. Si Regine ang tampok na OPM artist noong January 9, sa unang gabi ng naturang 10-night ABS-CBN virtual benefit concert series na …

Read More »

Ashley Aunor, pinaplantsa na ang debut album!

Ashley Aunor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor ay abala ngayon dahil pinaplantsa na ang kanyang debut album. Ito ang aming napag-alaman nang nakahuntahan namin recently ang bunso ni Ms. Maribel Aunor. Lahad ni Ashley, “I’m currently working on the production of my debut album to be released this year. “Super excited to let everyone …

Read More »

Ynez Veneracion, nakatutok sa pagiging ina kina Jianna Kyler at Keilah

Ynez Veneracion Jianna Kyler Keilah

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ynez Veneracion na gusto man niyang humataw nang humataw sa showbiz, pero dahil baby pa ang kanyang bunsong si Jianna Kyler, mas okay sa kanya ang mag-guest na lang muna sa iba’t ibang TV shows. Pahayag ng aktres, “Sa totoo lang, gusto kong mag-taping nang mag-taping, pero sana iyong mga short guestings lang… …

Read More »

NCR nasa ‘severe outbreak’ vs COVID-19 cases

COVID-19 lockdown bubble

ni Almar Danguilan Nasa “severe outbreak” ng COVID-19 cases ang buong National Capital Region (NCR) base sa metrics ng US nonprofit COVID Act Now, ayon sa OCTA Research group nitong Martes. “The average daily attack rate (ADAR) increased to 89.42, which is above the Covid Act Now threshold for a severe outbreak (greater than 75 per day 100k),” base sa …

Read More »

Dalagita ginawang sex slave ng ka-chat

Sextortion cyber

ni Almar Danguilan Nasagip ang 14-anyos na dalagita na dinukot at ginawang ‘sex slave’ ng ka-chat sa Facebook sa loob ng 10-araw sa tahanan nito sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi.  Ang suspek na nadakip ay nakilalang si Jerald Avenilla Porqueriño, 21, walang trabaho, tubong Mauban, Quezon Province at naninirahan sa Kamias Road kanto ng Maliksi St., Brgy. Pinyahan, …

Read More »

Janitor nandekwat ng donasyon sa simbahan, arestado

Nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang laman ng donation box sa isang simbahan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sa ulat mula sa Nueva Ecija PPO, kinilala ang suspek na si Robert Quijano, alyas “Iking”, 44 anyos, isang janitor sa simbahan. Ayon sa mga awtoridad, nakita sa kuha ng CCTV ang ginawa ng suspek kung saan binuksan …

Read More »

Bagong provincial director ng Bulacan PNP, itinilaga

PCol Rommel Javier Ochave Bulacan PPO PNP

Itinalaga na si P/Col. Rommel Javier Ochave sa kanyang posisyon bilang bagong Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office (Bulacan PPO) simula noong Sabado, 8 Enero. Pinalitan ni P/Col. Ochave si P/Col. Manuel Lukban, Jr., na nagsilbi bilang Acting Provincial Director ng Bulacan PPO sa halos tatlong. Kabilang si Ochave sa Philippine National Police Academy Class of 1996 atnagsilbing …

Read More »

117k droga, tiklo sa HVT sa Pasig!

Edwin Moreno photo 117k droga, tiklo sa HVT sa Pasig!

ni Edwin Moreno TIKLO sa isang regional high value target (RHVT) ang daan libong halaga ng droga sa magkahiwalay na drug operation sa gitna ng umiiral na “gun ban” ng Comelec sa lungsod ng Pasig.  Kinilala ni P/BGen. Rolando Yebra Jr., ang mga naaresto na sina Reymond Lotino, 33 anyos, umano’y nasa No.9 Regional High Value Target ng drug database …

Read More »

Sharon nalungkot sa pagpositibo ni Kiko, humiling ng dasal para sa pamilya

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

MA at PAni Rommel Placente MALUNGKOT na ibinalita ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account noong Linggo, January 9, na nag-positive sa COVID 19 ang asawa niyang si Senator Kiko Pangilinan. Kaya naka-isolate ngayon ang kanyang buong pamilya. Post ni  Sharon sa kanyang IG  account, “somehow. Last night, I tested negative on my Antigen.  “Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all …

Read More »

Kapitan na bigong maghigpit vs ‘di-bakunado paparusahan — DILG

BINALAAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ang mga opisyal ng barangay na papatawan ng parusa kapag nabigong higpitan na panatilihin sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga hindi pa bakunado kontra CoVid-19.  “‘Yung mga government officials po ay marami tayong pwedeng i-file riyan, maraming kasong puwedeng i-file — administratibo, kriminal, civil cases,” …

Read More »

Pinakamatagal nakulong na political prisoner, laya na

prison

MATAPOS mapiit sa loob ng 32 taon, nakalaya na si Juanito Itaas, ang itinutu­ring na pinakamatagal na nakulong na political prisoner, nitong Biyernes, 7 Enero. Ayon sa Kapatid, isang organisasyong sumu­suporta sa mga pamilya at mga kaibigan ng mga bilang­gong politikal, pinalaya na noong Biyernes ang 57-anyos na si Itaas mula sa New Bilibid Prison (NBP), sa lungsod ng Muntinlupa. …

Read More »

5 huli sa Malabon
3 DAYONG TULAK HULI SA NAVOTAS

WALONG tulak ng droga, kabilang ang dalawang babae ang nalambat sa isinagawang magkahi­walay na buy bust operations ng pulisya sa mga lungsod ng Malabon at Navotas. Ayon kay Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 8:35 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng buy bust operation …

Read More »

Sa M’lang, Cotabato
2 LABORER NATAGPUANG PATAY SA IRIGASYON

WALA nang buhay nang matagpuan ang dalawang construction workers sa isang irrigation canal sa bayan ng M’lang, lalawigan ng Cotabato, nitong Biyernes,  7 Enero. Kinilala ni Bernardo Tayong, Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer of M’lang, ang dalawang biktimang sina “Boboy” ng Brgy. San Vicente, bayan ng Makilala; at Niño Tamunan  ng bayan ng Magpet. Nadiskubre ng ilang mga …

Read More »