PUNO ng excitement at holiday cheer ang opisyal na pagdedeklara ng TV5 sa pinakamasayang Paskong Kapatidsa ginanap na symbolic Red Ball Lighting ceremony sa TV5 Media Center, Mandaluyong noong Oktubre 6.
Ang pag-ilaw ng iconic Big Red Ball ay pagsisimula ng holiday celebrations ng Kapatid Network at sumisimbolo sa commitment nitong magbigay ng mas magandang content at serbisyo. Kaya naman ngayong Pasko ay bibigyang diin ng TV5 ang MAS sa ‘Christ-MAS’ sa pamamagitan ng “MAS malawak na reach,” “MAS malinaw na panonood,” MAS maraming artista,” MAS dekalidad na palabas at programa,” “MAS damang alaga at mga sorpresa para sa mga Kapatid,” para MAS dama ang Pasko ngayong 2023.
Ang ideang ito ay mas mararamdaman sa 2023 Christmas campaign ng TV5 na “FEEL na FEEL ang PASKONG KAPATID” na pasisinayaan sa makahulugang red ball lighting. Sa campaign na ito, inaasahang mas magiging immersed at involved ang mga Kapatid, at mas madadama ang ‘best feelings of Christmas.’
“It has always been our priority to ensure our viewers’ enjoyment as we continuously improve our programming to provide them with the best TV viewing experience possible,” saad ng TV5 President at CEO na si Guido R. Zaballero.
“We continue to innovate and get better, kaya mas masaya ang panonood sa TV5. This Christmas season, we celebrate, feel, and savor all the best that we are able to bring to every Filipino home.” dagdag nito.
Humanda na para sa next-level na holiday experience. Inaanyayahan ng TV5 ang lahat na puntahan ang iconic Red Ball sa Mandaluyong para magpa-picture at humanda para sa mas marami pang sorpresa at papremyo ng TV5 para sa mga Kapatid.