INARESTO ng mga awtoridad ang isang guro matapos akusahan ng kanyang estudyante ng pangmomolestiya at pagbabanta sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Mark Matthew Calimlim, 29 anyos, high school teacher, at residente sa Sapang Palay, sa nabanggit na lungsod. …
Read More »Masonry Layout
Gob. Daniel Fernando, Civil Society Organizations sa PDC Full Council Meeting
PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong kinatawan ng Civil Society Organizations sa lalawigan sa isinagawang PDC Full Council Meeting kasama ang Provincial Planning and Development Office, mga alkalde ng mga bayan at lungsod, at iba pang mga ahensiya sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Malolos, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)
Read More »
Sa Bulacan
ILEGAL NA MINAHAN SINALAKAY, 9 TIMBOG
KAUGNAY sa pinaigting na kampanya laban sa illegal quarrying at illegal mining sa Bulacan, nasakote ang siyam na indibiduwal sa isinagawang anti-illegal quarrying operations ng mga awtoridad sa lalawigan nitong Miyerkoles, 12 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, inilunsad ang operasyon dakong 11:40 ng umaga kamakalawa ng mga tauhan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office …
Read More »
Sa Bulacan
8 TULAK, 12 SUGAROL, GUN LAW OFFENDER NAIHOYO
Matapos ang matagumpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, sunod-sunod na nadakip ang walong hinihinalang tulak, isang illegal gun owner, at 12 sugarol nitong Martes, 11 Oktubre. Iniulat ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, nagresulta ang ikinasang anti-drug buybust operation ng San Jose del Monte CPS sa pagkakaaresto ng mga pagkaaresto suspek na kinilalang si Laurente …
Read More »Pekeng yosi nasabat sa Oplan Megashopper
NAKUMPISKA ng mga awtoridad ang kahon-kahon ng mga pekeng sigarilyo na ikakalat sana sa lalawigan ng Pampanga at mga karatig-lalawigan sa isinagawang buybust operation ng pulisya. Ikinasa ang operasyon sa Brgy. San Jose, sa bayan ng San Simon, sa naturang lalawigan ng mga ahente ng CIDG Pampanga PFU bilang lead unit, RSOT RFU3, San Simon MPS, at PIU Pampanga. Nadakip …
Read More »Ihip ng Hangin ni Sarah Javier wagi rin sa Star Awards for Music
MATABILni John Fontanilla SOBRA-SOBRA ang kasiyahan ni Sarah Javier dahil first time niyang nanalo sa Star Awards for Music para sa kategoryang Best Inspirational Song sa kanyang awiting Ihip ng hangin na siya mismo ang sumulat. At sa kanyang thank you speech ay hindi naiwasang maluha lalo’t ito ang kauna-unahang pagwawagi niya sa Star Awards for Music. Naging laman ng kanyang speech ang naging inspirasyon niya kung bakit niya …
Read More »Jos Garcia umiyak nang magwagi sa 13th Star Awards for Music
MATABILni John Fontanilla UMAGOS ang luha sa mga mata ng Japan based international singer na si Jos Garcia nang tawagin ang kanyang pangalan bilang winner sa kategoryang Best Female Accoustic Singer of the Year sa katatapos na 13th Philippine Movie Press Club Star Awards for Music para sa kanyang awiting Nagpapanggap under Viva Records na mula sa komposisyon ni Maestro Rey Valera. Gumagaralgal ang boses nito sa kanyang thank you speech …
Read More »Remulla ‘nasabat’ sa P1.3-M ‘kush Marijuana’
ISANG parcel na naka-consign sa isang Juanito Jose Diaz Remulla III, ang hindi nakalusot sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA -Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) nang isailalim sa controlled delivery mula sa Amerika ang mahigit isang milyong pisong ‘kush marijuana’ na ipinadala sa bansa. Ang suspek na consignee, si Remulla, 38 anyos, ay residente …
Read More »Bread and Pastry Training NC II sa Sta. Maria
NAGLABAS ng paanyaya si Mayor Cindy Carolino ng Sta. Maria, Laguna sa pagpapatuloy Bread and Pastry Training NCII, may nakalaang 25 slots para sa mga gustong madagdag ng kasanayan at magdagdag ng kaalaman para makapagbibigay ng mas maraming oportunidad upang bumuti ang antas ng kanilang pamumuhay. Hangad ni Mayor Carolino, sa pamamagitan ng pagsasanay na ito ay magbukas ang maraming …
Read More »Pagsanjan, Laguna nakatakdang maging ‘kapatid’ ng Haeundae-gu,South Korea
ITINUTURING na isang karangalan ni Mayor Cesar Areza na maging “kapatid” ng lungsod ng Haeundae-gu, South Korea ang bayan ng Pagsanjan, sa lalawigan ng Laguna. Sinalubong ng alkalde nitong Martes, 11 Oktubre, ang mga opisyal ng Haeundae-gu na sina Kang Jinsu, Sen Sungwon, Kim Sungsoo, at Choi Myounjin para sa pulong na ginanap sa CLA Mall kaugnay sa “Haeundae-gu – …
Read More »
Sa Bataan
3 PATAY, 34 SUGATAN SA BUS NA SUMALPOK SA OIL TANKER NA WALA SA LINYA
NAGBUWIS ng buhay ang tatlo katao, habang sugatan ang 34 iba pang pasahero nang sumalpok sa isa’t isa ang pampasaherong bus at oil tanker sa Roman Highway, bayan ng Abucay, lalawigan ng Bataan, madaling araw ng Miyerkoles, 12 Oktubre. Kinilala ni P/Maj. Dennis Duran, hepe ng Abucay MPS, ang mga biktimang namatay na sina Walter Buenaventura, 50 anyos, driver ng …
Read More »
Bahay sa Albay nilooban
HIGH SCHOOL PRINCIPAL BINARIL NG KAWATAN
PATAY ang isang 56-anyos high school principal nang barilin ng hinihinalang mga magnanakaw sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Napo, bayan ng Polangui, lalawigan ng Albay, nitong madaling araw ng Miyerkoles, 12 Oktubre. Kinilala ni P/Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO- PNP, ang biktimang si Beverly Ubante Cabaltera, 56 anyos, residente sa Napoville Subdivision, Brgy. Napo, sa …
Read More »
Sa Pandi, Bulacan
OUTPATIENT CLINIC NG PDH BUKAS NA
MAS MABILIS nang matatamasa ang serbisyong medikal ng mga Pandieño sa opisyal na pagbubukas ng Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital nitong Lunes, 10 Oktubre sa Brgy. Bunsuran 1st, sa naturang bayan. Pinangunahan nina Bulacan Gov. Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro ang pagbubukas ng 25-bed capacity out-patient clinic na paunang magkakaloob ng out-patient services kasama ang dalawang pansamantalang …
Read More »P149-K shabu nasabat 2 tulak timbog, 10 pa naiselda
TINATAYANG nasa 22 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa dalawang pinaniniwalaang mga notoryus na tulak sa pagkilos laban sa krimen ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 12 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PNP, inaresto ang dalawang suspek sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Calumpit …
Read More »
Sa Bulacan
7 PUGANTE TIKLO SA MANHUNT
SUNOD-SUNOD na nadakip ng mga awtoridad ang pitong indibidwal na pawang nagtatago sa batas sa serye ng manhunt operations sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 11 Oktubre. Sa pinaigting na manhunt operation ng San Jose del Monte CPS katuwang ang 2nd PMFC, 301st RMFB3, 3rd SOU – Maritime Group at PHPT Bulacan, unang naaresto ang dalawang puganteng kinilalang sina Mark …
Read More »Kate pursigidong maiuwi ang 2022 Little Miss Universe crown
MATABILni John Fontanilla PALABAN ang pambato ng Pilipinas sa 2022 Little Miss Universe na gaganapin sa Dubai sa October 24 na si Little Miss Universe-Philippines Kate Hillary Tamani. Kasamang magtutungo ng Dubai ni Kate ang reigning Little Miss Universe 2021 na si Marianne Beatriz Bermundo para magsasalin ng korona sa mananalong Litte Miss Universe. Ibinahagi ni Kate ang kanyang adbokasiya, ang pagtulong sa kapwa at magbigay inspirasyon sa mga katulad niyang …
Read More »Marianne at Hillary lilipad sa Dubai para sa Little Miss Universe 2022
MATABILni John Fontanilla MAGKASAMANG aalis papuntang Dubai sa October 24 sina 2021 Little Miss Universe, 2022 Asian Business Excellence Awards Most Outstanding Teen Model Marianne Biatriz Bermundo at 2022 Little Miss Universe- Philippines Kate Hillary Tamani para sa 2022 Little Miss Universe. Ipapasa ni Marianne ang kanyang korona sa hihiranging 2022 Little Miss Universe, samantalang si Kate naman ang pambato ng Pilipinas. Kasamang pupunta ng Dubai ang very supportive mom …
Read More »
‘Hijacking’ sa Comelec?
‘BILYONARYO’ MULA SA OLAT NA PARTYLIST PINANUMPANG MAGSASAKA REP 
ni ROSE NOVENARIO LANTARANG pambababoy sa batas at partylist system ang ginawang pagpoproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa talunang partylist nominee bilang kinatawan nang nagwaging Magsasaka partylist. Inihayag ito ni dating Magsasaka partylist Rep. Argel Cabatbat kahapon sa isang press conference sa Quezon City matapos iproklama ng Comelec si Robert Nazal, Jr., bilang kinatawan ng Magsasaka partylist kahit siya’y …
Read More »Supply ng koryente ipinatitiyak sa Meralco
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Manila Electric Company (Meralco) na tiyakin ang tuluy-tuloy na supply ng koryente para sa mga customer nito kasunod ng desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na tanggihan ang petisyon para sa pagtataas ng singil na inihain ng Meralco at ng power-generation arm ng San Miguel Corporation (SMC). “Bilang contracting party ng power supply agreement, …
Read More »PH ‘blacklist’ sa China pinanindigan ni Zubiri
NANINDIGAN si Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi niya babawiin at hihingi ng paumanhin sa kanyang naging pahayag na blacklisted ang Filipinas sa China bilang tourist destination batay sa pakikipag-usap niya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian. Iginiit ni Zubiri, hindi siya marites at magkakalat ng fake news o maling impormasyon sa taong bayan. Binigyang-linaw ni Zubiri …
Read More »Programa vs. fake news ikakasa ng OPS
MAGKAKASA ng programa ang Malacañang laban sa fake news sa mga darating na araw. Inihayag ito ni Office of the Press Secretary (OPS) officer-in-charge Cheloy Garafil kasunod ng resulta ng Pulse Asia survey na siyam sa sampung Pinoy ay naniniwalang problema sa Filipinas ang fake news. “Ito po ay isang seryosong bagay na tututukan ng OPS kaya ngayon sir meron …
Read More »DILG rerepasohin, local government code, e-trikes regulation
INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang planong pagsasagawa ng pagsusuri sa Local Government Code of 1991, gayondin ang regulasyon sa mga electric tricycle. “Meron talagang mga provisions sa local government code na talagang dapat i-review at pag-usapan nang husto,” pahayag ni DILG Secretary banjamin “Benhur” Abalos, Jr., sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay. Kabilang …
Read More »FM Jr., tutok vs POGO
TINUTUTUKAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mga usapin kaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operations. Ayon kay Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil, inatasan ng Palasyo ang Philippine National Police (PNP) na pigilan at kontrolin ang mga krimen na kaakibat ng operasyon ng POGO sa bansa. “Of course the President is closely monitoring this and as far as the President is …
Read More »Binatang staff ng fast food chain itinumba ng selosong pulis
SELOS ang hinihinalang dahilan kaya binaril hanggang mapatay ng isang pulis sa harap ng kaniyang misis ang kasamahang service crew sa Chowking food chain sa Quezon City, nitong Martes ng gabi. Kinilalang ang biktimang si Jasper Tapic Dayaco, 30 anyos, residente sa Don Manuel St., Brgy. Salvacion, Quezon City. Hinihinalang suspek ang mag-asawang nakatakas na kinilalang sina P/Cpl. Benjamil Romoros …
Read More »Barangay, SK elections iniliban hanggang Oktubre 2023
IPINAGPAGLIBAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang barangay at Sanggunian Kabataan elections sa Oktubre 2023 imbes 5 Disyembre 2022. Alinsunod sa Republic Act No. 11935 na nilagdaan ni FM Jr., noong 10 Oktubre 2022, idaraos ang halalan sa huling Lunes ng Oktubre 2023. Si presidential sister at Sen. Imee Marcos ang nagtulak sa pagpapaliban ng halalan sa paniniwalang may …
Read More »