Friday , November 15 2024

TimeLine Layout

September, 2013

  • 7 September

    Palasyo alarmado sa rice price hike

    AMINADO ang Malacañang na kaya nagpapalabas ng bigas sa pamilihan ang National Food Authority (NFA) ay bunsod ng hindi mapigilang pagtataas ng presyo na ginagawa ng mga mapagsamantalang negosyante. “There are reports of the increases in some. But minsan ho kasi hindi ho rin ‘yan…Meron ho talagang mga ibang katulad no’ng nabanggit natin kanina na hindi mo mapipigilang nagte-take advantage …

    Read More »
  • 7 September

    Solons umangal sa kawalan ng PDAF

    NAGREREKLAMO ang mga kongresista sa budget hearing kaugnay ng pagtanggal ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa gitna ng mainit na usapin ng P10 billion pork barrel scam. Sa budget hearing para sa DPWH, hindi naiwasang isingit ng ilang mambabatas ang kawalan nila ng PDAF para maisulong ang kanilang mga saloobin at makahirit ng proyekto. Humiling ng proyekto si …

    Read More »
  • 7 September

    Arraignment ni Napoles ‘di tuloy sa Lunes

    PINAGBIGYAN ng Makati City Regional Trial Court ang hirit ng negosyanteng si Janet Lim Napoles na maipagpaliban ang arraignment sa kasong serious illegal detention. Sa ipinalabas na ruling, muling itinakda ng korte sa Setyembre 23, ganap na 1:30 p.m. ang pagbabasa ng sakdal sa sinasabing isa sa mga utak sa nabunyag na multi-billion pork barrel fund scam. Maalala na unang …

    Read More »
  • 7 September

    Ex-TESDA chief lusot sa aresto

    ILOILO CITY – Bigo ang mga awtoridad na maisilbi ang warrant of arrest laban kay dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director-general at dating Iloilo 2nd District Rep. Agusto “Buboy” Syjuco. Ito ay dahil wala ang dating mambabatas sa kanilang bahay nang kanilang puntahan at tanging caretaker lamang ang humarap sa kanila. Ayon sa caretaker, umalis na si …

    Read More »
  • 7 September

    Bebot naglaslas ng leeg sa hotel

    DAVAO CITY – Patay na nang matagpuan ang isang babae matapos laslasin ang kanyang leeg sa loob ng inuokopahan niyang hotel room sa Davao   matapos   ang ilang araw na pananatili roon. Kinilala ang biktimang si Liezel Claire Calimpo, 32, may asawa, residente ng Block 13, Lot 2, NHA Maa, Davao City. Napag-alaman, nag-check-in ang biktima dakong 7:13 p.m. nitong Setyembre …

    Read More »
  • 7 September

    Transparency sa BoC ipinatupad ni Biazon

    HABANG hinihintay ang pag-apruba ng Department of Finance (DoF) sa mungkahing balasahan sa mga district collectors, ipinag-utos ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa lahat ng customs deputy commissioners, district collectors at subport collectors na lumikha ng public assistance/complaints desk sa kanilang mga sangay. Sa memorandum nitong Setyembre 3, ipinag-utos ni Biazon sa lahat ng Customs officials na magsumite sa loob …

    Read More »
  • 7 September

    P1.2-M gadgets, cash nakulimbat

    UMABOT  sa P1.2 milyon halaga ng pera at mga gadgets ang nasimot ng hindi pa nakikilalang suspek na nanloob sa isang 2-storey apartment sa Pandacan, Maynila kamakalawa ng hapon  . Nabatid kay SPO1 Michael Dingding ng Manila Police District – Station 10, nilooban ang apartment ng biktimang si Analiza Guevarra, 43, negosyante na matatagpuan sa 2524 Beata St., Pandacan, sa …

    Read More »
  • 7 September

    Criminology student utas sa tandem

    LAGUNA – Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa JP Rizal Hospital ang graduating criminology student matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa pinagsisilbihang Total gasoline station sa Brgy. Bucal, lungsod ng Calamba kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Bernard Rabino y Arguilles, 24, residente ng Brgy. Bambang, Los Banos, Laguna, working student ng Laguna State …

    Read More »
  • 7 September

    Bobby Mondejar & Friends at Noel Cabangon magtatanghal sa Moomba sa Sept. 11 (Folk, rock sa acoustic)

    SEPTEMBER 11 will be a throwback Wensdate since you’ll be listening and enjoying the sounds of 70s, 80s and even 90’s. Hindi naman holiday, dahil ito ay regular na weekday at higit sa lahat dalawang araw pa bago mag-weekend pero feeling Friday night ka na ba?! Puwes, ipagpag ang feelings na ‘yan sa Moomba Bar Cafe, on September 11, 7:30 …

    Read More »
  • 7 September

    MTRCB at TAPE in ‘close collaboration’ for 3 months

    NAGKASUNDO ang pamunuan ng TAPE Inc., GMA 7, at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na magkaroon ng three-month “close collaboration” para maiwasan ang ilang hindi magandang eksena sa The Ryzza Mae Show. Kasunod din nito ang pag-amin ng TAPE at GMA 7 na nagkaroon nga ng lapses sa tinukoy na controversial scenes na nag-uungbay kay Ryzza Mae …

    Read More »