Tuesday , December 9 2025

TimeLine Layout

March, 2015

  • 24 March

    Hindi kontento sa paliwanag ni PNoy

    NOON ay si Vice President Jejomar Binay ang pinipilit at pini-pressure na magpaliwanag sa mga isyu na kinasangkutan nito, kaugnay ng mga ibinibintang na iregularidad na naganap umano sa Makati sa panahong siya ang alkalde. Pero nag-iba na ang ihip ng hangin dahil ngayon ay si President Aquino naman ang nabalot ng kontrobersya at hinihintay na magbigay ng paliwanag kaugnay …

    Read More »
  • 24 March

    P.1-M reward vs nagpainom ng asido sa traffic enforcer

    MAGBIBIGAY ng halagang P.1 milyon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa sino mang makapagtuturo sa tatlong holdaper na nagpainom ng asido sa hinoldap nilang traffic enforcer sa Caloocan City. Ayon kay Tolentino, dapat agad madakip ang mga suspek upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni MMDA traffic constable Alfredo Barrios. Nais din ni Tolentino na magsagawa nang …

    Read More »
  • 24 March

    PH nakiramay sa pagpanaw ng founding father ng Singapore

    NAKIISA ang sambayanang Filipino sa pagluluksa ng mga Singaporean sa pagpanaw nang itinuturing na Founding Father of the Republic of Singapore na si dating Prime Minister Lee Kuan Yew. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ipinaaabot ni Pangulong Benigno Aquino III ang personal na pakikiramay kay Prime Minister Lee Hsien-Loong. “Throughout his long life, as prime minister and senior …

    Read More »
  • 24 March

    5 Chinese crew, Pinoy ship captain huli sa illegal mining

    CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang limang Chinese nationals at Filipino vessel captain makaraan mahuli habang nagsasagawa ng off-shore sand dredging sa Sitio Nabulod, Brgy. Tagoloan, Misamis Oriental kamakalawa. Nabatid na pumasok ang barkong MV Seno sa karagatang sakop ng Misamis Oriental at agad nagsagawa ng off-shore sand dredging nang walang kaukulang pahintulot mula sa Department of Environment and …

    Read More »
  • 24 March

    Utol ng PBA player tumalon sa 12-ft high, ligtas

    CEBU CITY – Nanatili sa sa psychiatric ward ang isang inmate na nag-dive mula sa viewing deck ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) kamakalawa. Ayon kay Provincial government consultant on jail management, Marco Toral, bagama’t maayos na ang kalagayan ni Joven Poligrates, 37, taga-Poro, isla ng Camotes, nakatatandang kapatid ni Eliud “Eloy” Poligrates ng KIA Carnivals ng Philippine …

    Read More »
  • 24 March

    Olongapo chief prosec pinapapalitan ng Laude camp

    HINILING sa Department of Justice (DoJ) ng kampo ng Pa-milya Laude na palitan si Olongapo chief prosecutor Emilie De Los Santos bilang public pro-secutor sa kasong pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude. Ito’y kasunod ng sinasabing pagpupumilit ni De Los Santos na makipag-areglo sa kampo ng suspek na si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton. Ito ang hiling …

    Read More »
  • 24 March

    Dila ng rapist naputol sa kagat ng biyuda

    ILOILO CITY – Naputulan ng dila ang 55-anyos lalaki nang kagatin ng 47-anyos biyuda na kanyang ginagahasa sa Brgy. Monpon, Barotac Nuevo, Iloilo kamakalawa. Sa salaysay ng biktima, nagulat siya nang pinasok siya ng suspek na kinilalang si Logo Dominguez, 55, at pinaghahalikan at hinipuan sa pribadong bahagi ng katawan. Habang hinahalikan, kinagat ng biktima ang dila ng suspek dahilan …

    Read More »
  • 24 March

    2 mayor sa Makati may hiwalay na flag ceremony

    DALAWANG flag ceremony ang idinaos sa lokal na pamahalaan ng Makati City nitong Lunes. Nabatid na magkahiwalay na seremonya ang pinangunahan nina Makati Mayor Junjun Binay, kasama si Senator Nancy Binay, sa kasalukuyang city hall, at nanumpang acting Mayor Romulo “Kid” Peña sa lumang municipal hall ng lungsod. Simula nitong Linggo, balik sa Makati City hall quadrangle ang nasa 2,000 …

    Read More »
  • 24 March

    Bagong mukha ng Bilibid – Liga ng Barangay

    IBINALIK na ang pagpapapasok ng dalaw ng mga kamag-anak at kaibigan ng inmates sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City niong Miyerkoles na inalis noong Enero dahil sa pagkamatay ng isang inmate at 19 na iba pa sanhi ng pagsabog na ang motibo ay hadlangan ang repormang ginagawa ng Bureau of Corrections (BUCOR) sa loob ng Maximum Security Camp …

    Read More »
  • 24 March

    Indian nat’l sugatan sa holdaper

    NILALAPATAN ng lunas sa Ospital ng Maynila ang isang 18- anyos Indian national makaraan saksakin ng holdaper sa Roxas Blvd. Ermita, Maynila kamakalawa ng gabi.  Kinilala ang biktimang si Sai Parhiban, ng IHM Dorm, Our Lady of Perpetual Help Campus, Las Piñas City. Habang tinutugis ng mga tauhan ng Ermita Police Station 5 ang hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas …

    Read More »