Monday , November 18 2024

TimeLine Layout

December, 2014

  • 13 December

    ‘Bente-bente’ sa pilahan ng non-Accre taxi sa NAIA T3 tuloy!

    TULOY-TULOY pa rin ang ‘bente-bente scheme’ sa tinaguriang pilahan ng mga non-accredited taxi sa Departure Curbside ng NAIA Terminal 3 na umano’y sinasamantala ng ilang guwardiya na nakatalaga rito na pinaniniwalaang may ‘basbas’ umano ng ilang tiwaling Airport Police Department personnel. Ilang taxi driver ng mga ‘puti’ at ‘outside colors’ na taxi cabs ang umamin na ‘tinatarahan’ sila ng P20.00 …

    Read More »
  • 13 December

    Maka-Binay pabawas nang pabawas

    PABAWAS nang pabawas ang bilang ng mga naniniwala at sumusuporta kay Vice Pres. Jejomar Binay, at kitang kita ito sa huling survey na Pulse Asia. Mantakin ninyong bumulusok ito pababa ng limang puntos at nakapagtala ng 26 porsyento sa hanay ng mga kandidatong gusto ng publiko. Maaalalang sa survey noong third quarter ay bumulusok siya ng 10 puntos mula 41 …

    Read More »
  • 13 December

    Health Center sa Batasan Hills walang doktor, walang nurse walang gamot (Attn: QC Mayor Bistek)

    GOOD am. Isa po aq masugid n tagasubay2x ng pitak nyo, d2 po kc s amin s Batasan Hills, QC, wala lagi doctor on duty sa center, kaya kawawa ang mga pasyente na nais lamang magpatingin. tanong namin nasaan pondo ng qc lalong lalo n ng brgy. n pinamumunuan n brgy. captain abad. pakitulungan nyo nman po kmi para mapatunayan …

    Read More »
  • 13 December

    2 todas sa hostage taking sa Cavite

    7PATAY ang empleyado ng isang lechon manok food chain makaraan i-hostage at burdahan ng saksak ng kapwa empleyado na napatay rin ng nagrespondeng mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Imus, Cavite. Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na isang Richard alyas Noynoy, tubong Leyte, stay-in worker ng Pearl Lechon Manok, sa Brgy. Tanzang Luma, Imus City. Si Noynoy ay …

    Read More »
  • 13 December

    P.2-M ng Koreano tinangay ng 8 towing personnel

    INIREKLAMO ng isang Korean national  sa Manila Police – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang walong towing personnel ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa pagkawala ng P250,000 sa loob ng sports utility vehicle (SUV) na hinila ng grupo habang nakaparada sa Mabini St., Malate, Maynila. Ayon kay C/Insp. Arsenio Riparip, naganap ang insidente nitong Disyembre 11, …

    Read More »
  • 13 December

    3 tigok sa truck vs van sa Parañaque

    PATAY ang tatlo katao at isa ang bahagyang nasugatan makaraan banggain ng trailer truck ang delivery van sa intersection ng CAVITEX at Marina Road, Parañaque City. Ayon kay Cavitex Traffic Investigator Jose Gallego, tatawid sa traffic light ang delivery van (UCM 612) nang habulin ng trailer truck (RAC 240) ang red light. Batay sa body markings, pag-aari ang truck ng …

    Read More »
  • 13 December

    P.5M monthly kay City Exec galing kay Maligaya

    UNTI-UNTI nang lumilinaw ang dati’y putol-putol na detalye patungkol sa most corrupt official di-yan sa city hall ng Maynila. Mantakin n’yo pong tumataginting na kalaha-ting milyong piso ang buwanang obligasyon ng isang illegal terminal queen kay city official. Anim na milyong piso (P6M) sa loob ng isang taon. Ang masakit,isang tarantadang babae pa ang pasimuno ng katarantaduhang ito who happens …

    Read More »
  • 13 December

    8-anyos nene niluray ng kapitbahay

    NAGA CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaki na humalay sa isang 8-anyos batang babae sa Polilio, Quezon kapalit ng kaunting barya. Kinilala ang suspek na si alyas Jun, 38-anyos. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tinawag ng suspek ang biktima at pinapasok sa bahay sabay alok ng barya. Pagkaraan ay hinubaran ng suspek ang biktima, pinaghahalikan sa labi …

    Read More »
  • 13 December

    Suspensiyon sa taxi coy na sangkot sa holdap

    IPATITIGIL ang biyahe ng buong prangkisa ng mga taxi na nasangkot sa insidente ng panghoholdap. Ito’y makaraan ang sunod-sunod na insidente ng panghoholdap ng mga taxi driver sa kanilang mga pasahero na ang ilan umaabot sa pamamaril. Ayon kay Atty. Roberto Cabrera III, executive director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), dapat pagbayarin ang mga gumagawa ng krimen. …

    Read More »
  • 13 December

    P5.7-M shabu kompiskado sa Cavite

    KOMPISKADO ang P5.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa sinalakay na bahay sa Brgy. Datu Esmael sa Dasmariñas, Cavite. Sa bisa ng search warrant ng mga pulis, pinasok nila ang bahay na sinasabing pinanggagalingan nang ibinibentang illegal na droga. Nakuha rito ang humigit-kumulang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nakapakete. Bukod dito, nasamsam din ang kalibre .38 baril, magazine at …

    Read More »