Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

March, 2016

  • 9 March

    ‘Endo’ system sa paggawa wawakasan ni Bongbong

    Bulabugin ni Jerry Yap

    NAKAAMBA ang tuluyang pagkalusaw ng uring manggagawa kung hindi aarestohin ng mga awtoridad ang sistemang ‘ENDO’ sa paggawa. Ang ‘ENDO’ ay ‘yung tinatawag na ‘end of contract.’ Nag-umpisa ang sistemang ito sa service sector o ‘yung mga nagtatrabaho sa mga department store (mall na ang tawag ngayon) mula saleslady hanggang maintenance workers. Ang ‘ENDO’ ay kilala rin sa tawag na …

    Read More »
  • 9 March

    Tagumpay ni Poe sa SC tagumpay ng bayan — Chiz

    “MASAYA ako para sa kanya, lalo para sa ating mga kababayan.” Ito ang reaksiyon ng independent vice presidential candidate na si Sen. Chiz Escudero kahapon, Martes matapos ideklara ng Korte Suprema na kuwalipikadong tumakbo ang kanyang katambal na si Sen. Grace Poe bilang pangulo. “Ikinatutuwa ko ito para sa ating mga kababayan dahil ibinalik muli sa kanila ang kapangyarihang pumili …

    Read More »
  • 9 March

    Desisyon ni De Lima binatikos ng BAP off’l (‘Di makatao at hindi makatarungan)

    MALUPIT, hindi makatao, at hindi makatarungan. Ganito inilarawan ni Basketball Association of the Philippines (BAP) Secretary General Graham Chua Lim ang dating Justice Secretary at Liberal Party senatorial candidate Leila De Lima na siya umanong bumaliktad sa naunang desisyon ng Department of Justice (DOJ) pabor sa kanya, kaya siya nasa exile ngayon sa ibayong dagat kahit ipinanganak at lumaki siya …

    Read More »
  • 9 March

    Oplan-Bincudero sa DQ case ni Poe ibinunyag

    Hindi raw ‘mapipilayan’ si Senador Chiz Escudero bilang vice presidential candidate kahit ma-disqualify si Senator Grace Poe sa pagka-presidente sa May 9 elections. Ito ang iginiit ng isa sa mga pangunahing supporters ni Escudero na nagsabing matagal na raw pinaghandaan ni Chiz ang ganitong situwasyon. Sinabi niyang may nabuo nang “Oplan BinCudero” ang kampo ni Chiz at tumutukoy ito sa …

    Read More »
  • 9 March

    Mister, 3 pa iimbestigahan sa pagpatay sa mag-ina sa Laguna

    ISASAILALIM  sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang mister ng biktima at tatlo pa na sinasabing sub-contractor ng  isang telecom company para sa mabilisang ikareresolba ng karumal- dumal na kaso ng pagnanakaw at pamamaslang sa mag-ina sa lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigan ng Laguna. Ayon kay  Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng pulisya, sasailalim sa further investigation at clarificatory questioning para sa paglilinaw at agarang …

    Read More »
  • 9 March

    ‘UNANINOY’ decision nga ba?

    MAGALING talagang mag-coin ng salita ang mga Pinoy. Kahapon, matapos pumutok ang balita na nagdesisyon na ang Korte Suprema pabor kay Senadora Grace Poe sa botong 9-6, biglang pumutok ang ‘una-ninoy decision.’ Ang salitang ‘unaninoy’ ay naka-context sa mga tao o mahistradong nagdesisyon sa nasabing kaso. ‘Unaninoy’ dahil mas marami umano sa mga mahistradong nagdesisyon ay appointed ng Malacañang sa …

    Read More »
  • 9 March

    Unti-unti nang nakakamit ng Pamilya Ortega ang katarungan

    NITONG nakaraang Lunes hinatulan na ng hukuman ang isa pa sa mga akusado sa pagpaslang sa broadcaster at  environmentalist na si Dr. Gerardo “Gerry” Ortega noong 2011. Si Arturo “Nonoy” Regalado ay hinatulang makulong ng 40 taon (double life sentence). Noong 2013, hinatulan ng Palawan court ang itinurong gunman na si Marlon Recamata.   Si Regalado ay dating staff ni Palawan …

    Read More »
  • 9 March

    Sexual harassment vs DSWD exec tuloy  — Ombudsman

    ISINULONG ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong sexual harassment sa Sandiganbayan laban sa dating assistant regional director ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 8. Una rito, inireklamo sa Ombudsman si Assistant Regional Director Jaime Eclavea ng isang aplikante na nag-aplay bilang administrative assistant sa DSWD. Batay sa affidavit ng biktima, sa kanyang unang pagdalo …

    Read More »
  • 9 March

    Environment friendly technology isusulong

    ISUSULONG ng Mapecon Green Charcoal Philippines, Inc. (MGCPI) ang programang pinaniniwalaan nilang makahihikayat sa publiko na tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyon kaugnay sa halaga ng managed environment sa pamamagitan ng thematic program na idinesenyong matugunan ang mga problema sa peste, basura at iba pang problema sa kapaligiran. Naniniwala ang kompanya na ito ay susuportahan ng publiko. Ang programang tinaguriang “Modern …

    Read More »
  • 9 March

    UST stude nahulog sa condo, kritikal

    NILALAPATAN ng lunas sa Philippine Orthopedic Center ang isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) bunsod ng multiple fracture injuries makaraan mahulog mula sa ikatlong palapag ng El Pueblo Condominium sa Anonas St., Sta. Mesa, Maynila kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Eddie Masorong, 23, umookupa sa Bldg. 330-C ng El Pueblo condominium, sa Anonas St., Sta. Mesa, Maynila. Ayon …

    Read More »