Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

December, 2016

  • 8 December

    Gov. Cua pumalag (Protektor ng shabu lab?)

    MARIING itinanggi ni Catanduanes Governor Joseph Cua ang pagdawit sa kaniya sa ilegal na droga kaugnay sa pagkakadiskubre ng isang “mega” shabu laboratory sa bayan ng Virac nitong 26 Nobyembre. Sa isang pulong balitaan na ginanap sa Quezon City kahapon, pinaliwanag ni Cua na walang katotohanan ang mga paratang ‘pagkat bahid-politika lamang. “Dito na ako nagdesisyon na kailangan marinig ang …

    Read More »
  • 8 December

    LP protektor ng illegal drugs trade

    SINISI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang administrasyong Aquino kaya lumala ang problema sa ilegal na droga sa bansa at utak sa pagpapabagsak sa kanyang gobyerno. Sa kanyang talumpati sa United Nations Convention Against Corruption kagabi sa Palasyo, sinabi ni Pangulong Duterte, ang yellow group o Liberal Party ang nasa likod ng mga panawagan at hakbang para guluhin ang kanyang pamunuan …

    Read More »
  • 8 December

    3 narco-judges inabsuwelto ng Supreme Court (Idinawit ni Duterte sa drugs)

    supreme court sc

    INABSUWELTO sa isinagawang fact finding investigation ng Korte Suprema ang tatlo sa mga hukom na pinangalanan ni Pangulong Duterte bilang sangkot sa ilegal na droga, sa kanyang talumpati noong 7 Agosto 2016 sa Lungsod ng Davao. Sakop ng resolusyon ng Korte Suprema sina Judge Exequil Dagala ng Dapa-Socorro Surigao MTC;  Judge Adriano Savillo ng Iloilo City RTC Branch 30; at …

    Read More »
  • 8 December

    Tatlong sangay nagbabanggaan sa anti-drug war

    HINDI na mapipigilan ang pag-iral ng constitutional crisis dahil sa pagbabanggan ng tatlong sangay ng pamahalaan bunsod ng drug war na isinusulong ng administrasyong Duterte. Ayon sa isang political observer, lalong luminaw ang constutional crisis nang iabsuwelto kahapon ng Korte Suprema ang tatlong hukom sa pagkakasangkot sa illegal drugs na naunang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang narco-judges. Inihayag kahapon …

    Read More »
  • 8 December

    PNoy, ex-president na bukod-tanging absent (Sa AFP turn-over ceremony)

    NO-SHOW si dating Pangulong Benigno Aquino III sa turn-over ceremony ng Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff samantala lahat nang naging commander-in-chief ay dumalo sa okasyon sa Camp Aguinaldo kahapon. Nabatid kay AFP Spokesman Restituto Padilla, lahat ng nabubuhay na pangulo ng bansa ay pinadalhan ng imbitasyon para sa nasabing seremonya gaya nina Aquino, Fidel Ramos, Joseph …

    Read More »
  • 8 December

    Ex-ISAFP head new chief of staff

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Eduardo Año bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ang kinompirma ng isang source mula sa Palasyo na may alam tungkol sa appointment ni Año. Si Lt. Gen. Año ay kasalukuyang commanding general ng Philippine Army. Dati siyang nagsilbi bilang pinuno ng Intelligence Service of the …

    Read More »
  • 8 December

    General amnesty sa political prisoners hiling sa Kamara

    congress kamara

    HINILING ng Makabayan bloc sa Kamara na bigyan ng general amnesty ang political prisoners sa bansa. Umapela ng suporta sa mga kapwa mambabatas sina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate para makalaya agad ang mahigit 400 political prisoners. Binigyan-diin ni Brosas, hindi dapat ginagamit bilang bargaining chip ang political prisoners para sa mga negosasyong …

    Read More »
  • 8 December

    No parking sa Metro Manila (Silver bullet ni Sotto sa trapiko)

    Tito Sotto

    MAY solusyon si Senador Vicente Sotto III sa problema ng trapiko — at hindi ito pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, ipinaliwanag ni Sotto na mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pag-alis ng lahat ng obstruksiyon o balakid sa mga kalsada bilang bahagi ng …

    Read More »
  • 8 December

    7 utas sa QC drug bust

    dead gun police

    PITONG hinihinalang drug personalities ang napatay nang lumaban sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na lugar sa nasabing lungsod. Sa ulat ni QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, unang napatay sina Constantino de Juan, 37, ng Brgy. Payatas B, Quezon City, at ang kanyang dalawang kasama na sina alyas Buhay at alyas Teteng …

    Read More »
  • 8 December

    2 sangkot sa droga todas sa pulis

    shabu drugs dead

    PATAY ang dalawang lalaking kabilang sa drug watchlist ng pulisya, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa anti-criminality operation habang natagpuan ang bangkay ng hindi nakilalang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution  sa Navotas City. Ayon kay Senior Supt.  Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, dakong 2:00 am nang magsagawa ng anti-criminality operation ang pinagsanib na puwersa ng NPD-DPSB, PCP-3, SIB …

    Read More »