Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

March, 2018

  • 7 March

    VP Robredo magtatayo ng transitional shelters para sa Marawi evacuees (Piso Para sa Laban ni Leni gagamitin)

    NAKATAKDANG magpatayo ang opisina ni Vice President Leni Robredo ng isang transitionary village para sa mga pamilyang kinailangang lumikas mula sa Marawi dahil sa bakbakan sanhi ng pag-atake ng Maute terror group sa siyudad. Pinangunahan ni Robredo ang isang groundbreaking ceremony nitong Martes sa Area 7 ng Barangay Sagonsongan sa Marawi, pagtatayuan ng Angat Buhay Village. Magkakaroon ang nasabing site …

    Read More »
  • 7 March

    Reglang delay Krystal herbal oil ang sagot

    Dear Mam Fely Guy Ong, Ipapatotoo ko po ang lahat ng kabutihan at kagalingan ng Krystall Herbal na produkto ni Mam Fely Guy Ong. Noong December 20 po dapat may mens na ako pero na-delay po ito. Nagtanong po ako kay Sis Angie na herbalist ni Mam Fely binigyan niya ako ng Krystall herbal oil, Krystall natures herbs at Krystall …

    Read More »
  • 6 March

    CJ Sereno patatalsikin sa quo warranto petition

    MAITATALA sa kasaysayan ng Filipinas si Chief Justice Maria Lourdes Sereno bilang kauna-una-hang impeachable official na mapatatalsik sa puwesto bunsod ng quo warranto petition. Ito ay kapag pinaboran ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida para ipawalang bisa ang appointment kay Se-reno bilang Chief Justice, sabi ni Presidential …

    Read More »
  • 6 March

    3.8-M euros ng EU tinanggap ni Duterte (Para sa drug rehab)

    TINANGGAP ng Palasyo ang ayudang 3.8 milyong euros ng European Union (EU) para sa rehabilitasyon ng drug personalities. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagpasya ang Pangulo na tanggapin ang tulong dahil wala itong katapat na kondisyon. Ang 3.8 milyon euros galing sa EU ay nakalaan para sa rehabilitasyon ng drug personalities sa bansa. Layunin nitong matulungan ang mga taong lulong sa …

    Read More »
  • 6 March

    P24.49-B cash grants inilabas ng DBM (Para sa 1.8-M benepisyado ng 4Ps)

    DBM budget money

    NAGPALABAS ang Department of Budget and Management (DBM) nitong Lunes ng P24.49 bilyon sa Land Bank of the Philippines para sa cash grants ng mahihirap na pamilya at indibiduwal. Ayon sa DBM, ang pera ay ipinalabas sa ilalim ng Tax Reform Cash Transfer Project (TRCT) ng Department of Social and Welfare and Development (DSWD). “The TRCT seeks to provide cash …

    Read More »
  • 6 March

    Sindikato ng droga, kasabwat, bigong ipasibak si QCJ warden Moral

    TOTOO nga pala ang info nitong nakaraang linggo na kasama sa reshuffle ng Bureau of Jail Manage­ment and Penology – National Capital Region  (BJMP-NCR) si Supt. Ermilito Moral, Quezon City Jail Warden. Sinasabing kabilang si Moral sa tatanggalan ng posisyon dahil tatlong beses nang nagkaroon ng riot sa loob ng anim na buwan sa piitang ipinagkatiwala sa kanya o simula nang …

    Read More »
  • 6 March

    Tuloy ang laban

    SA tingin ng iba ay nagiging desperado ang ilang mambabatas, lalo nang hilingin ng ilang miyembro ng oposi­syon ng Kongreso na makialam si President Duterte sa pagsisikap ng gobyerno na imbestigahan ang pagkasawi ng mga bata na naturukan ng kontrobersiyal na bakuna na Dengvaxia. Sa tingin nila ang Pangulo ang dapat magresolba sa isyu at utusan si Public Attorney’s Office …

    Read More »
  • 6 March

    STL sa Albay at Camarines Sur, pilit na sinisira!

    DAHIL sa kamandag ng payola, nagmamaang-maangan ang lokal na pulisya sa Albay at Camarines Sur sa muling paglipana ng ilegal na sugal gaya ng peryahan at paggamit sa Small Town Lottery (STL) para sa larong jueteng. Ang hangarin ng mga gambling lord kasabwat ang ilang corrupt na politiko at opisyal ng pulisya ay siraan ang STL, ang tanging legal numbers …

    Read More »
  • 6 March

    Kapag may trouble sa mga mall; Business premises first before human safety, motto ng mga sekyu ‘yan?!

    MATAPOS ang isang pamamaril nitong nakaraang Sabado sa 999 Mall sa Divisoria lalong nagkagulo ang mga tao sa loob dahil biglang isinara ng mga nakatalagang security guards ang lahat ng lagusan (exit and entrance) sa mall. Wattafak!? Lalo tuloy nag-panic ang mga tao na nasa loob ng mall. Kaya hindi lang ang mga target ng pamamaril ang nasaktan kundi maging …

    Read More »
  • 6 March

    PDEA agents na hao shiao dapat lang linisin

    SINIBAK na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Calabarzon Director Archie Grande at ang kanyang 61 agents. Pinalitan siya ni Director Adrian Alvariño habang 39 agents mula sa iba’t ibang PDEA offices ay pinagre-report sa Southern Tagalog regional office. Agad ‘yang ipinag-utos ni PDEA Director General Aaron Aquino matapos mabuyangyang sa publiko ang ipinamudmod na identification card sa dalawang drug …

    Read More »