NGAYONG araw ay huhugos tayong lahat sa mga nakatakdang poll precinct na naroroon ang mga pangalan natin para iboto ang Barangay officials at Sangguniang Kabataan. Paalala lang po — kinabukasan ng bawat barangay ninyo ang nakasalalay sa eleksiyong ito — lagyan po ninyo ng konsensiya ang inyong boto. Dapat ay alam ninyo kung ang mga iboboto ninyo ay hindi sangkot …
Read More »TimeLine Layout
May, 2018
-
14 May
E bakit nga ba nag-resign si PCOO ex-Usec Noel Puyat?
MEDYO nagulat tayo nitong nakaraang weekend nang may magpadala ng mensahe sa private messenger ng inyong lingkod kaugnay ng news article na inilabas ng Philippine News Agency sa kanilang online edition na may ganitong titulo: Hataw ‘P647.1-M’ report malicious, fake (May 11, 2018, 6:14 pm). “Malisyoso na peke pa!?” Wattafak! Mukhang kami ang dapat na magsalita niyan, hindi kayo, resigned …
Read More » -
14 May
Relasyong PH-Kuwait plantsado na
BUMALIK na sa normal ang relasyong Filipinas-Kuwait matapos lagdaan ang memorandum of agreement hinggil proteksiyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gulf state. “Normal na po ang samahan ng Philippines at Kuwait. Ang hinihintay lang po talaga ng parehong panig ay iyong paglagda ng memorandum of agreement,” ani Roque pagdating kamakalawa ng gabi mula sa Kuwait. Nakasaad sa MOA ang pagbibigay ng 12-oras na pahinga sa OFW, hindi pagkompiska sa pasaporte at cell phone, pagbuo ng 24/7 hotline na puwedeng pagsumbungan ng pang-aabuso sa OFW, at isang special unit na maaaring sumaklolo sa kanila. Matatandaan, nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang bansa nang matagpuan ang bangkay ng isang OFW na si Joana Demafelis sa loob ng freezer. Habang nagalit ang Kuwaiti government sa kumalat na video sa social media hinggil sa rescue operations sa distressed OFWs sa Gulf state na walang koordinasyon sa kanila. Naging daan ito upang pauwiin ng Kuwait ang kanilang ambassador sa Filipinas at arestohin ang mga Filipino na kasali sa rescue operations. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hihimukin niya si Pangulong Rodrigo na wakasan na ang deployment ban sa Gulf State. Kasamang umuwi ng bansa nina Bello at Roque ang 87 distressed OFWs. …
Read More » -
14 May
Ex-Senador Angara pumanaw na
PUMANAW na si dating Senador Edgardo Angara sa gulang na 83, kinompirma ng kanyang anak na si Sen. Sonny Angara nitong Linggo. Sa kanyang social media account, sinabi ng nakababatang Angara na ang kanyang ama ay pumanaw “from an apparent heart attack.” Natapos ng nakatatandang Angara ang kanyang Bachelor of Laws degree noong 1958 sa University of the Philippines (UP), at kalaunan siya ay nagsilbi bilang pangulo ng unibersidad mula 1981 hanggang 1987. Nagtapos din siya ng Master of Laws sa University of Michigan sa Estados Unidos. Nagsimula ang public life ni Angara nang siya ay maging delegado ng 1971 Constitutional Convention, at iniakda niya ang constitutional provisions katulad ng proteksiyon sa public domain mula sa pang-aabuso ng developers. Siya ay naging senador mula 1987 hanggang 1998, at nagsilbi bilang Senate President mula 1993 hanggang 1995. Si Angara ay naging lead proponent ng Free High School Act, Government Assistance To Students and Teachers In Private Education Act, …
Read More » -
14 May
Ex-Gen Loot nakaligtas sa ambush
NAKALIGTAS ang isang Cebu town mayor na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sa “narco-generals” sa ambush nitong Linggo. Si dating police chief superintendent at ngayon ay Daanbantayan town Mayor Vicente Loot ay tinambangan kasama ng kanyang driver, mga anak at kasambahay dakong 7:30 ng umaga sa Brgy. Maya. Kinompirma ng pulisya na si Loot ang puntirya sa nasabing …
Read More » -
14 May
Barangay at SK polls kasado na
MAKARAAN ang dalawang beses na pagkabinbin, kasado na ang May 14 Sanggunian Kabataan and Barangay polls, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo. Ang mga opisyal ng 42,000 barangays ay nag-over-stay mula 2013 habang ang SK ay naiwang bakante mula 2010 dahil sa ilang batas na ipinasa para iliban ang nasabing eleksiyon. Sa eleksiyon ngayong Lunes na isasagawa sa pamamagitan ng manual voting, ay masusubukan ang pagpapatupad ng anti-dynasty provision ng SK Reform Act sa unang pagkakataon makaraan lagdaan bilang batas noong 2016 ni dating Pangulong Benigno Aquino III. “Handang-handa na po tayo,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez. “So far, we haven’t really monitored any big showstopper event so we’re very hopeful that we will be able to pull off the opening of the polls without a …
Read More » -
12 May
Enchanted Kingdom: MOTHER’S DAY PROMO “EKstraordinary Mom”
Enchanted Kingdom: MOTHER’S DAY PROMO EKstraordinary Mom
Read More » -
11 May
Acting secretary ng DICT, DSWD itinalaga ni Duterte
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eliseo Mijares Rio bilang acting secretary ng Department of Information and Communication Technology (DICT), at si Virginia Nazarrea Orogo bilang acting secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Pinalitan ni Orogo si DSWD officer-in-charge Undersecretary Emmanuel Leyco. Noong Setyembre 2016 nang italaga ni Pangulong Duterte si Orogo bilang undersecretary ng DSWD. Itinalaga rin …
Read More » -
11 May
4 Pinoy drivers sa Kuwait pinalaya na
INIURONG na ng gobyerno ng Kuwait ang kasong kidnapping laban sa apat na Filipino drivers na una nang inaresto at ikinulong dahil sa pagsama sa rescue operation sa distressed overseas Filipino workers (OFWs). Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon ay nakauwi na ang apat driver sa kani-kanilang bahay sa Kuwait. Gayonman, sinabi ni Roque na hindi uuwi ng …
Read More » -
11 May
4 bata, 2 nanay patay (2 sugatan) sa sunog sa Parañaque
ANIM katao ang namatay na kinabibi-langan ng apat na bata, at dalawang nanay, nang hindi makalabas sa nasunog na lumang residential building sa Brgy.Tambo, Parañaque City, nitong Miyerkoles ng gabi. Magkakasamang natagpuan sa ground floor ang bangkay ng tatlong biktimang sina Marie Joy De Jesus, 28, at mga anak niyang sina Jomarie Canaria, 6, at Daniel Luis Canaria, 10-anyos. Gayondin …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com