TimeLine Layout
May, 2018
-
14 May
SPEEd, Globe Studios, FDCP, at WISH, nagsama-sama para sa 2nd Eddys
NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa malalaking pangalan sa industriya ng showbusiness para sa pinakaaabangang 2nd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin sa Hulyo. Sa ilalim ng direksiyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2017. Ang Globe Studios ang major presenter ng 2nd Eddys’ Choice habang ang fastest growing FM station na Wish 107.5 naman ang bubuo at hahawak sa production ng event. Bago ang awards night, magkakaroon ng Nominees Night sa * June 3, 5:00 p.m., sa 38 Valencia Events Place,Quezon City. Katuwang ng SPEEd sa Nominees Night ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairman Liza Dino. Rito ibibigay ng mga opisyales ng SPEEd at ng FDCP ang certificates …
Read More » -
14 May
Paolo at Derek, kapwa umaarangkada ang career
PANALO ang movie career ng dalawang artists ng JLD Management, sina Paolo Ballesteros at Derek Ramsaybilang dalawa sa trusted at bankable lead actors sa pelikula. Box-office sa takilya ang latest starrer ni Paolo mula sa Regal Entertainment, ang My 2 Mommies na kumita ng P5.5-M sa opening day. Hindi lang ito pinilahan sa mga sinehan, umani rin ito ng magagandang reviews sa kanyang performance. Bentang-benta ang pagbibitiw niya ng nakatatawang linya at tagos sa puso ang kanyang pagdadrama. Pagkatapos ng M2M ay ikinakasa na ang next movie ni Paolo na lalong magpapatingkad sa kanya bilang box-office attraction at magaling na aktor! Si Derek naman ay huling napanood sa Metro Manila Film Festival na All of You at nanalo bilang Best Actor. Bago ‘yon, tinangkilik ng moviegoers ang Regal movies niyang Love Is Blind at The Escort. At heto ang bagong pelikulang Kasal na kasama si Derek para sa opening salvo ng Star Cinema sa pagdiriwang nila ng 25th anniversary. Naunang ginawa na ng aktor ang mga pelikulang nagtala ng …
Read More » -
14 May
Kris, mababaw lang ang kaligayahan
PARANG batang nagtatampo si Kris Aquino nang maubusan siya ng paborito niyang ulam na calamares nang mag-imbita siya ng dinner sa bahay niya sa Green Meadows subdivision. Marami kasing tao sa bahay nina Kris dahil nag-shoot siya ng webisodes ng Ever Bilena at Mother’s Day contest para sa #Dinner with Kris na sponsor ng Toblerone na siya mismo ang nag-design ng bagong packaging nito. At nang natapos na ang trabaho ng social media influencer ay nagpahain na dahil nagugutom na siya. Laking gulat na lang namin nang magsabi siya ng, ”where’s my calamares?” At sinagot siya ng staff na ‘ubos na po.’ “What? Hindi ninyo ako ipinagtabi ng calamares? You know naman that’s my favorite ‘di ba? Nagtrabaho ako the whole day at pagod na pagod ako tapos wala ‘yung paborito kong food?” Tila batang nagsusumbong na panay ang sabing, ”kita ninyo wala akong food, inubusan nila ako ng calamares.” Nakita naming hinainan siya ng lechon at kare-kare pero hindi niya masyadong kinain dahil hinahanap niya ang kontrobersiyang calamares na walang umamin kung sino at paano naubos. Maya-maya ay inabutan na siya ng waiter ng catering at saka lang sumaya ang mama nina Joshua at Bimby,”yey, kita n’yo love nila ako, gumawa sila ng paraan to have my calamares. Alam mo ba ‘yung feeling na pagod ka at gutom at expected mo ‘yung ulam na gusto mong kainin tapos wala? Good job sa Elars (catering).” At dahil sa calamares ay nagpasabi si Kris sa kanyang assistant, ”Alvin (Gagui) bigyan mo ng tip sila baka hindi nabigyan kanina, gumawa sila ng paraan to have …
Read More » -
14 May
Pagbubuntis ni Heart, God’s perfect timing
BUNTIS na si Heart Evangelista sa panganay nila ng asawang si Senator Chiz Escudero. Ang ganda ng ngiti ni Heart nang i-post niya ang damit pambatang may nakatatak na Dior habang yakap siya ng asawang si Senator Chiz nitong Sabado ng 11:00 a.m.. Ang caption ng aktres, ”The greatest of blessings all in God’s perfect timing! Our beautiful family just got a little bigger. We can’t wait to meet you little one.” Tanda namin noong huling makatsikahan si Heart sa renewal ng contract niya sa Viva ay hindi sila nagpapa-pressure ni Senator Chiz dahil naniniwala silang ibibigay ito sa tamang panahon. Kaya nga ‘God’s perfect timing’ ang caption niya nang ibalita niya ito sa lahat. Matatandaang apat na taon ng kasal na sina Heart at Chiz dahil ikinasal sila noon sa Balesin Island, Pebrero 15, 2015. FACT SHEET ni Reggee Bonoan
Read More » -
14 May
Dedikasyon ni Vice Ganda sa industriya, sobra-sobra
TUWANG-TUWA ang Team Vice sa karangalang iginawad ng FAMAS kay Vice Ganda, ang Dolphy Lifetime Achievement Award. Tiyak na magsisilbi pa itong inspirasyon para lalong ipagpatuloy ni Vice ang pagbibigay-kaligayahan sa lahat ng Filipino saan mang dako ng mundo. Marami ang natuwa sa natanggap ni Vice na parangal na mismong ang mga anak ni Mang Dolphy ang pumili sa magaling na komedyante. Rito pinatunayang ang pagbibigay ng Lifetime Achievement Award ay hindi nakabase sa tagal ng isang artista sa industriya kundi sa mga na-achieve o nai-contribute ng kanyang karera. Hindi naman maide-deny na bagamat ilang taon pa lamang si Vice sa showbiz, sobra-sobra sa isang “lifetime” ang kanyang nakamit na tagumpay na resulta ng kanyang dedikasyon at hard work. Kasi naman hindi ba, sa pelikula, patuloy na bini-break ni VG ang record na itinatakda niya sa bawat pelikulang kanyang pinagbibidahan. Sa telebisyon naman, tuloy-tuloy ang pamamayagpag sa ratings ng It’s Showtime, GGV, at ang katatapos lamang na Pilipinas Got Talent. Ibang level kasi ng kasiyahan ang ibinibigay ng Unkaboggable star sa mga Kapamilya niya sa North America at sa matagumpay niyang concert series sa US at Canada. SHOWBIZ KONEK ni Maricris Valdez Nicasio
Read More » -
14 May
Student directors, magpapakitang-gilas sa Theater Festival na Tingkala!
MATUTUNGHAYAN na sa Mayo 16 at 17 ang mga dulang inihanda ng mga student director mula sa University of the Philippines, Los Banos bilang parte ng Theater Festival na Tingkala! Mapapanood ang mga dulang idinirehe ng mga estudyante sa THEA 109 Directing Class ang Miss Dulce Extranjera, na isinulat ni SIR Anril Pineda Tiatco sa Mayo 16 (4:00 p.m.) at …
Read More » -
14 May
Mary Joy Apostol, umaarangkada ang showbiz career!
NAGSIMULA si Mary Joy Apostol sa mga short at indie films. Mula rito, dumating ang biggest break niya via Birdshot ni Direk Mikhail Red na tinampukan nila nina John Arcilla, Arnold Reyes, at Ku Aquino. Aminado si Mary Joy na wala sa hinagap niya na ito ang magpapabago sa kanyang showbiz career. Bukod kasi sa nanalo siya ng award at …
Read More » -
14 May
Kathelyn Dupaya, masama ang loob kay Ynez Veneracion
MASAMA ang loob ng kilalang businesswoman na si Kathelyn Dupaya dahil sa naging pahayag ni Ynez Veneracion na para siyang na-scam at iba pang celebrities ng isang businesswoman na ang isa sa negosyo ay loading sa mga OFW sa Brunei. Although walang pangalang nabanggit si Ynez, ang pagkakasabi raw sa OFW sa Brunei ang naging main reason para mag-react ang naturang businesswoman. “Hindi po ako scammer, hindi ako nanloko. Kasi, iba iyong scammer, iyong scammer, nawala ang pera mo, nangutang, o may kamuha ng pera mo. Iyong sa akin delayed po at sa transaction namin for how many years, si Sunshine (Cruz) four years mahigit, si Ynez almost two years. Do you think sir, scammer ‘yun? Naibalik ko ang puhunan niya… “Noong December po sir, nagpaalam siya (Ynez), kunin na raw niya lahat. Sabi ko, ‘Hindi tayo makapagbigay ng notice ngayon dahil December nagsisialisan lahat ng agents ko, nagbabakasyon, by January ako magbigay ng notice.’ Pero kahit ganoon pa man, kahit hindi pa nagsibalikan ang mga tao, my own pocket money nag-settle ako sa kanya. Kahit wala pa until now sir ‘yung P1.2 million niya, wala pa sa kamay ko, pero ako bayad na sa kanya,” naiiyak na pahayag niya. Si Ms. Dupaya ay kilalang negosyante sa Filipinas at Brunei na ang lifestory ay na-feature noon sa Magpakailanman. Kabilang sa business niya sa Brunei ang dalawang restaurants, bakery, tatlong spa, salon, at boutique. …
Read More » -
14 May
MPDPC Horse Racing Cup, tumakbo
TUMAKBO kahapon ang Manila Police District Press Corps (MPDPC) Horse Racing Cup na ginanap sa Manila Jockey Club Inc., sa San Lazaro Leisure Park sa Lantic, Carmona, Cavite. Ang pakarera ay isang Charity Race na sponsored ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) para sa iba’t ibang proyekto ng MPDPC tulad ng medical and dental programs, bloodletting, feeding mission at office renovation. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com