Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

June, 2018

  • 1 June

    Ryle at Barbie, sumigla ang career nang maghiwalay

    HAPPY ang newest addition sa pamilya ng BNY na si Ryle Santiago sa relasyon ngayon ng kanyang ex-girlfriend na si Barbie Imperial kay Paul Salas. Tsika ng binata ni Sherilyn Reyes sa ginanap na launching niya bilang BNY ambassador, “Matagal din po kaming nagsama. More than a year, pero matagal kami as friends. “She’s ano, thoughtful naman siya, very caring, …

    Read More »
  • 1 June

    Maine-Alden, burado na sa pag-entra ni Janine

    PAHINGA na muna ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil hindi sila ang magkasama sa bagong teleserye ng aktor sa GMA. Si Janine Gutierrez ang final choice para maging leading lady ni Alden, bagay na matagal na rin namang lumutang. As early as nitong nagdaang Holy Week pa yata. Marami tuloy ang espekulasyon kung bakit hindi na nasundan …

    Read More »
  • 1 June

    Dr. Milagros How, inanunsiyo ang 7 finalists sa ToFarm Filmfest 2018

    INANUNSIYO na ni Dr. Milagros How ang pitong pelikulang nakapasok sa ToFarm Film Festival. Bukod sa pagigig presidente ng Universal Harvester Inc., siya ang Mother of ToFarm at brainchild niya ang naturang filmfest na ang adbokasiya ay makatulong sa agricultural industry sa pamamagitan ng pagsasapelikula ng mga buhay, pagsubok, at tagumpay ng mga magsasaka. Natuwa si Dr. How sa rami …

    Read More »
  • 1 June

    Businesswoman na si Kathy Dupaya, napaiyak sa paratang na scammer

    NAIBULALAS ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya ang sobrang sama ng loob sa panayam ng ilang members ng press sa Penthouse ng Altiva Building, Cypress Tower. Dito’y humarap din ang kanyang lawyer na si Atty. Osias Merioles, Jr. Naglabas ng mga dokumento si Ms. Kathy upang pasinungalingang isa siyang scammer. Makikita sa kanyang records ang palitan ng pera ng …

    Read More »

May, 2018

  • 31 May

    4 kalihim kompirmado

    MAGKAKASUNOD na kinompirma kaha­pon ang ilang bagong opisyal na itinalaga sa Duterte administration. Kabilang sa kinom­pirma sina Commission on Elections (Comelec) Commissioner Socorro Inting, Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra, at Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. John Castriciones. Ngunit bago kinom­pirma, nagbilin si Sen. Grace Poe kay Cas­triciones na hindi iba­basura ang mga rekla­mo laban sa DAR chief, …

    Read More »
  • 31 May

    BoC exec sinibak ni Duterte

    SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cus­toms Deputy Commis­sioner Noel Patrick Sales Prudente kahapon. Inianunsiyo ng Pa­ngulo ang pagsibak kay Prudente sa kanyang talumpati sa tanggapan ng BoC nang tunghayan niya ang pagsira sa smug­gled na mga scooter, big bikes at sasakyan. Ayon sa Pangulo, hindi na raw niya pahihi­ra­pan ang Kamara sa isinasagawang imbes­tigasyon kay Prudente kaugnay ng nakalusot …

    Read More »
  • 31 May

    P34.71-M smugged motorcycles, vehicles winasak

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak sa P34.71 milyong halaga ng 116 smuggled motor­siklo at anim pang mga sasak­yan sa Bureau of Customs sa Port Area, Maynila kahapon. Ang sinirang mga sasakyan ay pawang mga brand new na Vespa scooters, BMW, Harley Davidson, 2 unit ng Triumph, 2 unit ng Land Rover, isang Volvo at tatlong Mitsubishi Pajero. Kasabay ito …

    Read More »
  • 31 May

    SolGen Calida mananatili sa puwesto (Magaling siya — Digong)

    WALANG plano si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na sibakin si Solicitor General Jose Calida kahit nabisto ang multi-mil­yong pisong kontrata na nakopo ng kanyang se­curi­ty agency sa gob­yerno. Ipinagtanggol ni Pangulong Duterte si Calida sa isyu ng security agency ng kanyang pa­milya dahil pinaghi­ra­pan aniya ng SolGen hanggang magretiro kung anoman ang mayroon siya ngayon at ang kanyang pamilya kaya bakit …

    Read More »
  • 31 May

    Joma hindi ‘mata-tarmac’ sa airport (Sigurado si Duterte)

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi magagaya kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na pinatay habang pababa sa ero­plano sa paliparan. Inatasan ni Duterte ang bagong commander ng Presidential Security Group na si Col. Jose Eriel Niembra na protektahan at bantayan ang segu­ridad ni Sison. Inianunsiyo ito ni …

    Read More »
  • 31 May

    2 Chinese nat’l patay sa ambush sa Maynila

    PATAY ang dalawang Chinese nation­al makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na lulan ng dala­wang motorsiklo, ang sinasakyan ni­lang kotse sa Maynila, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa kanto ng Roxas Boulevard at Pedro Gil street. Agad binawian ng buhay sa insidente ang nasa passenger seat na kinilalang si Huocheng Chen. Habang ang …

    Read More »