Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

July, 2019

  • 17 July

    Hoy moderate your greed! Bilyong pondo sa SEA Games sinasabotahe na naman?!

    Bulabugin ni Jerry Yap

    TALAGANG hindi papipigil ang grupo ni Peping Cojuangco na ngayon ay kasama pa ang dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman na si Popoy Juico, hangga’t hindi napapasakamay nila ang bilyong-bilyong pondo para sa 30thSoutheast Asian  (SEA) Games na gaganapin sa ating bansa sa darating na Nobyembre.  Pinalalabas ng kampo ng dalawang ‘culprit’  ngayon na binawi raw ni Pangulong Rodrigo Duterte …

    Read More »
  • 17 July

    PHISGOC ayaw ni Duterte para sa SEA Games

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na gobyerno ang mag-organisa ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa dahil sa ale­gasyon ng korupsiyon sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi sa kanya ni Pangulong Duterte kama­kalawa ng gabi na ayaw niya na PHISGOC ang humawak ng SEA Games sa Filipinas bunsod ng …

    Read More »
  • 16 July

    Piolo, agaw-eksena sa entablado ng EDDYS

    NANG biglang sumungaw si Piolo Pascual sa entablado ng New Frontier Theater para tanggapin ang parangal para sa Rising Producers Circle na iginawad para sa Spring Films nila nina Joyce Bernal at Erickson Raymundo, marami ang nag-fast forward na baka siya na ang mag-Best Actor sa EDDYS ng SPEEd. Ang mga nagsipagwagi sa katatapos na ikatlong pagbibigay ng parangal ng EDDYS ay ang sumusunod: BEST SUPPORTING ACTOR: Arjo Atayde (Buy Bust) BEST SUPPORTING ACTRESS: Max Collins (Citizen …

    Read More »
  • 16 July

    2 lalaki sa watchlist bulagta sa Maynila

    gun dead

    PATAY ang dalawang lalaking nasa watchlist matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang nakatambay sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo Caguioa, 53, construction worker ng 908 Boulevard, Sampaloc, Maynila; at Juanito Baful, 49, tricycle driver. Inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek, lulan ng itim na SUV (hindi naplakahan), na mabilis tumakas …

    Read More »
  • 16 July

    2 sugatan Kasambahay tigok sa rider

    HINDI umabot nang buway sa ospital ang isang 48-anyos kasambahay habang naglalakad sa kalsada matapos mabangga ng motorsiklo, habang dalawa ang sugatan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Capitolina Bejerano, residente  sa Abbey Road II, Brgy. 73,  sanhi ng pinsa­la sa ulo at katawan. Habang ang dalawang ang­kas ay ay …

    Read More »
  • 16 July

    Kriminal walang lugar sa Maynila — Isko

    NAARESTO ang tatlong most wanted personalities sa Maynila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD). Kinilala ang mga suspek na sina Irwin Pelina, no. 8 most wanted ng MPD sa kasong robbery with unnecessary violence; Bob Anel Navarro, no. 4 most wanted person ng Moriones Police Station sa kasong rape; at Jason Fullantes, no. 1 most wanted ng Ermita …

    Read More »
  • 16 July

    4 presong pumatay sa kapwa inmate inasunto sa QC court

    dead prison

    SINAMPAHAN ng ka-song  murder sa Que­zon City Prosecutors’ Office ang apat na inmates ng Quezon City Police Dis-trict (QCPD) dahil sa pagkamatay ng kasama-hang preso na unang napaulat na nilag­nat, matapos umanong bug-bugin sa loob ng piitan nitong nakalipas na Mi-yerkoles, 10 Hulyo 2019. Ayon kay QCPD Talipapa Police Station (PS 3) commander P/Lt. Col. Alex Alberto, ang mga kinasuhan ay …

    Read More »
  • 16 July

    Pirmado na ng Pangulo… Batas sa 20% student discount inilabas na

    MAY 20 porsiyentong diskuwento ang lahat ng estudyante sa lahat ng uri ng tran­spor­tasyon alinsunod sa Student Fare Discount Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Batay sa sa Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act, maka­kukuha ng 20 percent discount ang mga es­tudyante sa pasahe bas­ta’t tiyakin na may maipipresentang iden­tification card o enrolment form. Kasama sa discount …

    Read More »
  • 16 July

    National Dengue Alert, idineklara ng DOH

    NAGDEKLARA ang Department of Health (DOH) ngayong Lunes, 15 Hulyo, ng National Dengue Alert sa bansa dahil sa mabilis na pag­taas na kaso ng naka­mama­tay na sakit sa ilang rehiyon. Ito na ang kauna-unahang pagkakataon na itinaas ang naturang alerto sa bansa. Ang dengue ay pina­ka­mabilis na kumakalat na infectious disease sa buong mundo. Nakaaapekto ito sa daang-milyong indibi­duwal at …

    Read More »
  • 16 July

    National ID system delikado (IT expert nangamba sa palyadong kompanya)

    DESMAYADO at nanga­ngamba ang isang infor­mation technology (IT) expert sa pagnanais ng tinawag niyang palya­dong IT company na makopo ang supplies ng kagamitan para sa plano ng gobyernong national ID system. Ayon kay IT expert Rafael R. Gutierrez, representante sa bansa ng isang US web security at cloud-based solutions na kompanya, malaki ang mawawala at masasa­yang na pera ng bayan …

    Read More »