BALIK-BIYAHE ang mga tricycle sa pasaheng P15 kada isang pasahero simula kahapon, 28 Mayo, sa lungsod ng San Juan. Tiniyak ito ni San Juan City Mayor Francis Zamora at kailangang isa lamang ang sakay kada biyahe. Bawal din umano ang back rider o pasahero sa likod ng driver. Ani Zamora, naglatag ng panuntunan ang pamahalaang lungsod upang …
Read More »TimeLine Layout
May, 2020
-
29 May
Cash incentives ipamamahagi sa public school graduates sa Navotas
NAWALAN man ng oportunidad na makaakyat sa entablado para kunin ang diploma dahil sa ipinaiiral na health protocols sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sanhi ng pandemyang coronavirus, hindi naman mapipigilan ang graduates ng Navotas na makuha ang kanilang cash incentives mula sa pamahalaang lungsod. Inianunsiyo ni Mayor Toby Tiangco nitong Lunes na mamamahagi ang pamahalaang lungsod …
Read More » -
29 May
Bus puwede sa GCQ — Año
MAKABIBIYAHE na ang mga pampasaherong bus sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, pero inilinaw na kinakailangan sumunod pa rin sa ipinatutupad na panuntunan ng pamahalaan, kabilang ang pagsasakay ng 50% ng kanilang passenger capacity upang matiyak na maoobserbahan ang physical distancing. …
Read More » -
29 May
2nd tranche ng SAP, mas mabilis — DILG (Sa tulong ng PNP)
MAGIGING mabilis ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP). Ito ang pagtitiyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa tulong ang Philippine National Police (PNP) sa pamamahagi lalo sa mga geographically isolated at disadvantaged areas sa bansa. Pero ang pangunahing mangangasiwa sa pamamahagi ay local government units (LGUs) at Department …
Read More » -
29 May
Misis na lung cancer patient, mister patay (Ambulansiya sumalpok sa footbridge)
PATAY na ang mag-asawa sa limang sakay ng ambulansiya na bumangga sa foot bridge kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Rida Balanay, 38 anyos, lung cancer patient; at mister nitong si Emmanuel Balanay. Base sa ulat ng Quezon City Police District – Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU), dakong 9:00 pm nang maganap ang insidente sa EDSA corner East …
Read More » -
29 May
Malabo pa sa sabaw ng pilos
ISANG linggo ng pagbartolina ang muling dumaan at dalawang tulog na lang ay tapos na ang modified enhanced community quarantine (MECQ). Hindi sukat akalain na pitumpo’t limang araw na pagkakulong na dinanas dahil sa pandemyang COVID-19 ay malapit na magwakas. Unti-unti natin maibabalik ang normal na buhay. Pero magiging normal na ba? Ang lockdown na ito ay …
Read More » -
29 May
PCSO, malaking tulong sa COVID-19 victims, etc…
SINO-SINO ba ang mga maituturing na COVID 19 victims, ang mga nahawaan lang ba ng virus? Literally, masasabing direktang biktima ang mga nahawaan ng “veerus” – ‘ika nga ni Pangulong Duterte. Pero kung susuriin, hindi lamang ang mga nahawaan ang maituturing na biktima at sa halip, lahat tayo ay naapektohan o biktima. Marami ang nawalan ng hanapbuhay – sa loob …
Read More » -
29 May
Puna ni Hontiveros: COVID-19 test results mas mabilis sa Chinese workers kaysa OFWs
NAGTATAKA si Senadora Riza Hontiveros dahil halos Apat na araw lang ay nakukuha agad ng Chinese workers sa Fontana ang kanilang COVID-19 test results. Pinuna ito ni Hontiveros kaugnay ng kaso ng maraming overseas Filipino workers (OFWs) na mahigit isang buwang naka-quarantine at hindi pa nakauuwi sa kanilang pamilya dahil sa nakabinbing COVID-19 test results. Binigyang diin …
Read More » -
29 May
“Bayanihan Act” pinalawig hanggang Setyembre 2020 (Zubiri inihain sa Senado)
NAGHAIN si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng panukalang batas na palawigin ang bisa ng Bayanihan to Heal as One Act hanggang 30 Setyembre 2020. Sa ilalim ng naturang batas ay binibigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang problema sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Nakatakdang mapaso sa Hunyo ang naturang batas. Sa panukala …
Read More » -
29 May
Chinese alternative medicine sa ‘illegal hospitals’ puwede sa medical tourism (Kung aprobado sa FDA)
MAGIGING tanyag ang Filipinas sa larangan ng medical tourism o daragsain ng mga turistang magpapagamot sa bansa kapag naaprobahan ng Food and Drug ADministration (FDA) ang traditional medicine na ginamit ng mga Chinese sa operasyon ng kanilang underground hospital na sinalakay ng mga awtoridad. Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilis na pagrerehistro ng FDA sa traditional medicine na ginamit …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com