Wednesday , December 17 2025

TimeLine Layout

July, 2020

  • 30 July

    Sekyu kalaboso sa panghahalay

    prison rape

    KALABOSO ang isang guwardiya na inakusahang nanghalay sa kanyang 11-anyos stepdaughter sa Muntinlupa City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Edwin Acorda, 36 anyos, ng New Tensuan Site, Barangay Poblacion. Ang biktima ay itinago sa pangalang Abby, estudyante, ng nabanggit na lugar. Noong 15 Hunyo, nagsampa ng reklamo ang biktima kasama ang kanyang pinsan laban sa suspek sa …

    Read More »
  • 30 July

    COVID-19 cases tumaas pa sa Muntinlupa  

    Muntinlupa

    UMAKYAT na sa 1,286 kabuuang bilang ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.   Sa datos kahapon ng Muntinlupa City government sa nasabing bilang ay 643 ang active cases ng COVID-19.   Umabot 1,009 ang bilang na itinuturing na probable case at 676 ang suspected cases ng virus mula sa mga Barangay ng Tunasan, Poblacion, Putatan, Alabang, Ayala …

    Read More »
  • 30 July

    Donasyon ng Korea tinanggap ng DFA

    TINANGGAP ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin, Jr., mula kay Ambassador Han Dong-man ang karagdagang medical supplies mula sa Republic of Korea para labanan ang COVID-19.   Kabilang sa pinakabagong package ang 600,000 piraso ng KF-94 protective masks na nagkakahalaga ng $500,000 o katumbas ng P25 milyon maging ang pitong “walk-through testing booths” na ibinigay sa mga …

    Read More »
  • 30 July

    800 LSIs nasa Rizal Memorial Stadium pa rin

    TINATAYANG nasa 800 locally stranded individuals (LSIs) ang nananatili sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila habang naghihintay ng biyahe pauwi sa kanilang probinsiya.   Nauna nang nakaalis ang 1,000 LSI nitong Miyerkoles ng umaga patungong Caraga Region.   Noong nakaraang linggo, libo-libong mga papauwing probinsiya ang naipon sa stadium sa ilalim ng Hatid Tulong program ng gobyerno.   Sa pagdagsa …

    Read More »
  • 30 July

    Ikatlong walk-in COVID-19 testing center binuksan na (Sa Maynila)

    BUKAS na sa publiko ang ikatlong walk-in COVID-19 testing center sa lungsod ng Maynila. Matatagpuan ito sa Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Binondo. Libre rin ang COVID-19 serology test sa ospital gaya ng iba pang walk-in testing centers sa lungsod. Nasa 100 tao ang maaaring ma-accomodate ng testing center para sa COVID-19 test na bukas mula Lunes hanggang …

    Read More »
  • 30 July

    Tanod huli sa ‘shabu’  

    shabu drug arrest

    ARESTADO ang 27-anyos barangay tanod matapos mahulihan ng hinihinalang shabu malapit sa riles ng PNR sa Sampaloc, Maynila nitong Martes.   Kinilala ang suspek na si Terencio Palo, barangay tanod sa Barangay 422.   Sa report, nakuha sa suspek ang shabu na may timbang na kalahating gramo at aabot sa P2,000 ang halaga.   Nasa kustodiya ng Sampaloc Police ang …

    Read More »
  • 30 July

    3 Sayaff nalambat ng NBI sa Taguig at Sampaloc, Maynila

    npa arrest

    NALAMBAT ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) sa serye ng operasyon nitong Hulyo 17, 20 at 21 sa magkakahiwalay na lugar sa Taguig at Sampaloc, Maynila.   Kinilala ni NBI Director Eric Distor ang mga ASG  member na sina Ben Saudi alyas Erie; Ajvier Kuhutan, alyas Jaber; at kapatid …

    Read More »
  • 30 July

    Mas estriktong mass testing ipatutupad sa Malabon City

    NAPAGKASUNDUAN ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID) na maaaring hulihin at kasuhan ang mga taong ayaw magpa-test, lalo ang mga nakasama sa contact tracing at natukoy ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).   Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang estriktong ipatupad ang …

    Read More »
  • 30 July

    400 contact tracers sumailalim sa puspusang pagsasanay (Sa Caloocan City)

    Caloocan City

    APAT na araw na puspusang contract tracing training ang isinagawa sa Caloocan City nitong Hulyo (mula 21, 22, 23 hanggang 27). Ito ay dinaluhan ng mga bagong contact tracers tulad ng psychologists, encoders, at volunteers mula sa iba’t ibang departamento; mga dentista at nurses na nakatalaga sa health centers; at BHERTs (Barangay Health Emergency Response Team) na galing sa hanay …

    Read More »
  • 30 July

    Chinese businessman binoga saka ninakawan

    dead gun police

    PATAY ang isang negosyanteng Chinese nang barilin, habang naglalakad sa kalsada, ng isang gunman kamakalawa ng hapon malapit sa panulukan ng C.M. Recto Avenue at T. Alonzo St., Sta. Cruz, Maynila. Kinilala ang biktima na si Richman Neal Chua So, 48 anyos, may-ari ng Lamp & Lights Store sa nasabing lugar. Ayon sa pulisya, batay sa CCTV footage, dakong 5:00 …

    Read More »