Sunday , November 17 2024

Classic Layout

P2.3-M Shabu huli sa 4 tulak

NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) ang tinatayang P2.3 milyon halaga ng shabu sa magkakasunod na operasyon sa magkakaibang lugar sa Hilagang Mindanao. Nasabat ng mga operatiba ng PDEA-10 ang may 176 gramo ng shabu nang maaresto ang apat na suspected drug couriers. Sa ulat ni PDEA deputy regional director Rayford Yap, unang naaresto ang drug …

Read More »

Principal nagbigti sa P.1-M utang

TINAPOS ng isang 47-anyos school principal ang kanyang P.1-M utang sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Davao City, iniulat kahapon. Maitim na ang mukha at halos lumuwa na ang dila ng biktimang si Bernard Catalia, nang matagpuan ng kanyang misis na si Austria na nakabigti sa kanilang kwarto gamit ang nylon cord. Si Catalia ay principal …

Read More »

Ops ni Cam vs De Lima itinanggi ni Lacson

MARIIING itinanggi ni dating senador at ngayon ay rehab czar Panfilo “Ping” Lacson ang mga balitang siya ang nasa likod ng aksyon ni Whistleblowers Association president Sandra Cam laban kay Justice Sec. Leila de Lima. Magugunitang si Cam ang isa sa mga nagsumite ng oposisyon sa Commission on Appointments (CA) laban kay De Lima upang harangin ang pagkompirma sa kalihim …

Read More »

PDAF scholars pinangakuan ng Palasyo

INIHAYAG ng Malacañang na hindi nila hahayaang tumigil sa pag-aaral ang mga scholar dahil lamang ibinasura ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dating sumusuporta sa pag-aaral ng mga estudyante. “We want the scholars to continue studying. We don’t want them to go astray,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Aniya, naghahanap na ang Commission on Higher Education (CHED) …

Read More »

Championship sa Asian V8 ‘misteryo’ sa ambush kay Pastor?

NAGKAKAROON na ng linaw sa posibleng motibo ng pagpatay sa Filipino car racing champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director C/Supt. Richard Albano, malaki ang paniwala ng pulisya na ang pagiging car racer ni Pastor ang dahilan ng pamamaslang bagama’t hindi isinaisantabi ang personal na motibo. May hawak nang testigo ang pulisya sa …

Read More »

Koreano kinuyog ng ‘dirty dozen’

ISANG Koreano ang naniniwalang nabiktima siya ng isang dosenang marurungis na bata na nag-alok sa kanya ng bulaklak at nanghingi ng limos habang nag-aabang ng taxi sa Malate, Maynila, kamakalawa ng madaling araw. Dumulog sa Manila Police District – General Assignment Section (MPD-GAS) ang Koreano na si Yeonkyung Jin, 27, nakatira sa 1202 Grand Emerald Tower Condominium, Ortigas Center, Pasig …

Read More »

Bagyong Hagibis ‘di na papasok sa bansa

HINDI na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Hagibis na nasa West Philippine Sea. Ito ang sinabi kahapon ni Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, kasunod ng patuloy na paglayo ng naturang sama ng panahon. Nilinaw rin ng Pagasa na kahit Filipino name ang taglay ng naturang bagyo (Hagibis), hindi ang state weather bureau ang nagbigay ng …

Read More »

Excuse me po wala na akong bilib kay Kap’s amazing stories!

MUKHANG trying very hard na makakuha ng simpatiya si Amazing Kap … Tingnan n’yo naman, ngayon lang ang panahon na hindi eleksiyon pero biglang nag-iikot kung saan-saan si Sen. BONG “Pogi” REVILLA sa kanya umanong mga sympathizer. E bakit ngayon mo lang sila naalala na bisitahin Senator Bong? Ngayong kinakasuhan ka na ng plunder sa pagdambong ng iyong pork barrel? …

Read More »