Tuesday , November 19 2024

Classic Layout

Resignation ng ‘kaibigan’ tinanggap ni PNoy (Suspendidong PNP chief nagbitiw na)

INIHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III sa key Cabinet members sa Malacañang na tinanggap na niya ang pagbibitiw ng kanyang kaibigan na si Alan Purisima bilang hepe ng Philippine National Police (PNP). Ayon sa dalawang senior government sources, inianunsiyo ito ng Pangulo sa Cabinet members sa Malacañang nitong Huwebes. “He said it matter of factly,” ayon sa isang source sa …

Read More »

DNA sample posibleng kay Marwan (Ayon sa FBI)

INIANUNSIYO ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika, posibleng tugma ang DNA sample na nakuha kay Zulkifli Bin Hir alyas “Marwan” sa kanyang kapatid na nakakulong sa Guantanamo Prison. Sa preliminary results ng FBI, lumabas na may “possible relationship” ang biological sample sa kaanak ni Marwan ngunit kailangan pa ng karagdagang testing. Pahayag ni FBI Los Angeles Field Office …

Read More »

Away-away ng mga gabinete ni PNoy

KUWENTO sa akin ng kaibigan kong reporter sa Malakanyang, nag-iisnaban na raw ngayon ang mga miyembro ng gabinete ni PNoy. Nabasa ko rin ito sa isang news article sa Manila Standard Today. Pinasisibak nga raw ni DILG Sec. Mar Roxas kay PNoy sina Executive Sec. Paquito Ochoa at suspended PNP Chief Allan Purisima. Ito’y dahil sa pagkasawi ng 44 at …

Read More »

BI Comm. Fred Mison ‘gumaganti’ sa dalawang AssCom?

MARAMING nakabisto na kakaiba pala ang estilo ng pamamahala ni Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison na hinatulan noon ng dishonesty ng Ombudsman, pagdating sa pagtrato sa kanyang mga Associate Commissioner (AssComm). Nakita umano ito nang pumasok sa Bureau si Atty. Gilbert Repizo na itinalaga bilang bagong Associate Commissioner. Nitong nakaraang taon kasi, kinontra umano ni AssComm. Repizo na sibakin …

Read More »

‘Kenkoy’ si Jinggoy  

BAHALA na po kayo kung gusto n’yong pagtawanan, kahit hindi naman nakatatawa, ang hirit ni Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganba-yan na payagan daw siyang makalabas ng kulungan upang maka-dalo sa idaraos na pagdinig ng Senado sa February 9 hinggil sa madugong enkuwentro na naganap sa Mamasapano. Ayon sa kenkoy na senador, tapos na raw ang preventive suspensiyon na ipinataw sa …

Read More »

SAF OPS sa Mamasapano kulang sa exit strategy

PINUNA ni dating PNP-CIDG chief at ngayo’y ACT-CIS party-list Rep. Samuel Pagdilao ang nasilip niyang kakulangan sa madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 PNP-SAF commandos.  Sinabi ni Pagdilao, naging bahagi rin ng SAF sa pagtatatag nito noong Mayo 1983, naniniwala siyang buo ang plano ng SAF sa operasyon sa Mamasapano ngunit “ang nakikita ko diyan nagkulang ‘yung pinakahuling …

Read More »

 ‘Di isusuko ng MILF lahat ng baril (Duda ni Kabalu)

KORONADAL CITY – Duda si dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) spokesman at ngayon vice chairman ng Bangsamoro Transformation Council Eid Kabalu na masusunod nang siyento porsiyento ang napagkasunduan sa decommissioning o pagsusuko ng mga armas ng lahat ng mga mandirigma ng MILF. Sinabi ni Kabalu, iba ang nilagdaang papel sa magiging implementasyon nito lalong lalo na sa ground. Ipinaliwanag niyang …

Read More »

2 Pinoy patay sa oil field attack sa Libya

KABILANG ang dalawang Filipino sa 12 naiulat na namatay sa pag-atake ng armadong grupo sa isang oil field sa Libya. “Most were beheaded or killed by gunfire,” ayon kay Abdelhakim Maazab, komander ng security force sa al-Mabrook oil field.  Batay sa report ng Reuters, naniniwala ang isa pang Libyan official at isang French diplomatic source sa Paris, na Islamic State …

Read More »

Kotse ‘nilamon’ ng rumaragasang bus, driver sugatan (Sa biglaang preno)

NAYUPING parang lata ang isang kotse makaraan sampahan ng pampasaherong bus sa EDSA-Muñoz northbound sa Quezon City kahapon. Ayon sa saksing si Wilfredo Ramos, pakanan sa kanto ang gray Toyota Vios nang biglang magpreno ang Cher bus sa harapan. Bunsod nito, bumangga ang kotse sa naturang bus. Ngunit dahil mabilis ang takbo ng Dela Rosa Transit ay bumangga at sumampa …

Read More »

Misis, kabit ‘sumabit’ nang mahuli ni mister

HINDI makatingin at walang mukhang  maiharap ang isang misis makaraan ireklamo ng kanyang mister nang maaktuhang nakikipagtalik sa ibang lalaki sa loob ng kanilang kwarto sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Ang ginang na hindi na pinangalanan ng mga awtoridad upang mapangalagaan ang pangalan ng kanyang mga anak, ay nagtatalak sa barangay hall nang dalhin ng mga tanod dahil sa …

Read More »