Saturday , December 20 2025

Classic Layout

Janitress uminom ng asido, naglaslas ng pulso (Amang may tumor nasa ospital, tinanggal sa trabaho at idedemolis ang bahay)

HINDI na kinaya ng isang 38-anyos janitress ang patong-patong na mga problema kaya winakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng muriatic acid at paglaslas ng pulso kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City. Kinilala ang biktimang si Jennifer Bagaporo, ng 74-C. Ubas St., San Miguel Heights, Brgy. Marulas ng nasabing lungsod, natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang …

Read More »

Kamay ni Mar itinaas na ni PNoy (Para sa 2016 polls)

PORMAL nang inendorso ni Pangulong Benigno Aquino III si Interior Secretary Mar Roxas bilang kanyang manok sa 2016 presidential elections. Ang pinakaaabangang anunsiyo ay ginawa ni Pangulong Aquino sa pagtitipon ng Liberal Party na tinaguriang “A Gathering of Friends” sa makasaysayang Club Filipino sa San Juan City, ang lugar kung saan ininendorso rin siya ng Liberal Party bilang 2010 presidential …

Read More »

Roxas dapat nang magbitiw sa DILG — Marcos

PINAYUHAN ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na magbitiw na sa kanyang puwesto. Ito ay makaraan pormal nang i-endorse ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino si Roxas bilang pambato ng administrasyon at Liberal Party (LP) para sa 2016 presidential election. Ayon kay Marcos, marapat lamang na magbitiw si Roxas upang hindi …

Read More »

Banat kay CGMA idinepensa ni PNoy (Sa huling SoNA)

IDINEPENSA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kanyang huling State of the Nation Address (SONA), partikular na ang pagkompara sa mga nakamit ng kanyang administrasyon at ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Bago opisyal na i-endorse si Interior Secretary Mar Roxas, ipinaliwanag muna ni Aquino na: “Ang sa akin lang po sinusukat natin ang nalakbay ng bansa mula Point A …

Read More »

P7-M ibinaon na shabu nabisto

TUGUEGARAO CITY – Matagumpay na narekober ng mga awtoridad ang apat malalaking pakete ng shabu na may timbang na 2.543 kilos sa Basco, Batanes kamakalawa. Ayon kay Senior Insp. Rodel Gervacio, hepe ng PNP Basco, Batanes, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa concerned citizen na may nakapasok na ilegal na droga sa kanyang nasasakupang lugar kung kaya’t agad silang nagsagawa …

Read More »

Mallari binigyan na ng CGMC

NAGLABAS na ang Santo Niño Parochial School (SNPS) ng Certificate of Good Moral Character (GMC) para kay Krisel Mallari, ang salutatorian na pinahinto sa pagtatalumpati sa kanilang graduation rites nitong nakaraang Marso. Kumalat sa internet ang video ng speech ni Mallari na pinatigil dahil sa pagkuwestiyon niya sa sistema ng pagbibigay ng grado ng paaralan at kung bakit hindi niya …

Read More »

Holdaper patay, parak 1 pa tiklo sa Pampanga

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang isang pulis at isa pa niyang kasamahan habang patay isa pang holdaper makaraan manlaban sa nagrespondeng mga awtoridad sa Gabalndon, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Batay sa ipinadalang report kay Central Luzon OIC, Chief Supt. Ronald Santos, kinilala ang mga suspek na sina PO1 Alvin Belmonte, 38, ng Palayan PNP, residente ng Sta. Rosa, …

Read More »

4 arestado, 2 nakatakas sa drug raid sa Quezon

NAGA CITY – Swak sa kulungan ang apat katao habang nakatakas ang dalawa pa sa anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Gomez, Lopez, Quezon kamakalawa. Kinilala ang mga nadakip na sina Ronaldo Bartolome, Wilfredo Pallan, Arjon Plaganas, at Angelito Lopez, habang ang mga nakatakas ay nagngangalang Denver Bartolome at Aldrin Madera. Napag-alaman, naglalaro ng baraha ang apat na naaresto …

Read More »

Dalagita niluray ng barracks caretaker (‘Di na pinautang, ginahasa pa)

HINDI na pinautang, ginahasa pa ang 17-anyos dalagita ng isang lalaki kamakalawa sa lungsod Pasay. Luhaang dumulog sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Pasay City Police, ang biktimang itinago sa pangalang si Deborah, ng Taguig City. Habang nakakulong na sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Jeorge Fernandez,  34, caretaker, residente ng Block 24, …

Read More »

5 estudyante sa Pangasinan naospital din sa pampurga

LA UNION – Patuloy na inoobserbahan ng Department of health (DoH) Region 1 ang limang estudyante ng Bolingit Elementary School sa San Carlos City, Pangasinan, na nakaranas ng pananakit ng tiyan makaraan uminom ng deworming tablet ng ahensiya. Sa impormasyong mula kay DoH regional director Dr. Myrna Cabotaje, nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang limang estudyante makaraan painomin …

Read More »