Tuesday , November 19 2024

Classic Layout

Resignasyon ni Espina nakabitin pa

ni ROSE NOVENARIO KINOMPIRMA ni Pangulong Benigno Aquino III na nagbitiw na si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina. Sa ambush interview kay Pangulong Aquino sa inagurasyon ng school building sa Tarlac National High School sa Tarlac City kahapon, sinabi niya na nagsumite ng resignation letter si Espina ngunit hindi pa niya tinatanggap dahil magkakaroon ng …

Read More »

NBI pinuri ng Palasyo sa liquid ecstacy raid

PINURI ng Malacañang ang NBI sa matagumpay na operasyon laban sa sindikato ng illegal drugs na gumagawa at nagbebenta ng “date rape drug” o liquid ecstacy sa Mandaluyong City. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang matagumpay na operasyon ng mga kagawad ng NBI ay bahagi ng pangkalahatang layunin ng pamahalaan na malansag ang iba’t ibang grupo at indibidwal na …

Read More »

Ginang patay sa tusok ng metal fence (Sa anti-drug raid)

CEBU CITY – Nagmistulang barbecue ang isang ginang nang matusok ang katawan sa matulis na kabilya na ginawang metal fence sa gitna ng anti-drug raid sa Sitio Mahayay, Brgy. Calamba, Lungsod ng Cebu kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Maria Lisa Diaz, live-in partner ng suspek na target sa police operation. Tumalon si Diaz mula sa bubong upang hindi mahuli …

Read More »

Kotse niratrat 1 patay, 2 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Iniimbestigahan ng Santiago City Police Office ang dalawang anggulo sa pamamaril kamakalawa ng gabi ng mga suspek na sakay ng van at motorsiklo sa isang kotse sa Batal, Santiago City. Namatay sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan ang dating nasa #7 sa drug watchlist ng SCPO na si Armando Francisco, 46, residente ng Sitio …

Read More »

2 kelot itinumba sa P’que City

  PATAY ang dalawang lalaki makaraan tadtarin ng bala mula sa kalibre .45 baril kahapon ng madaling-araw sa Paranaque City. Namatay noon din sina Bernard Mortalla, 24, at Christian Podasas, 21, kapwa walang trabaho at residente ng Manalili St., Purok 3, Brgy. Central Bicutan, Taguig City. Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan …

Read More »

Kaso ng Pinay na bibitayin idinulog sa int’l org

DUMULOG ang militanteng grupong Gabriela sa isang international organization para mailigtas ang Filipina na nasa death row sa Indonesia. Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, nagpadala na sila ng liham sa Women in Parliaments Global Forum (WIP). Hiling nila sa mga kababaihang mambabatas na makiisa sa pakiusap kay Indonesian President Joko Widodo para bigyan ng clemency ang Filipina …

Read More »

Negosyante arestado sa investment scam  

ARESTADO sa pulisya ang isang 54-anyos negosyanteng babae na wanted sa serye ng kasong estafa, kamakalawa ng hapon sa Alabang Town Center sa Muntinlupa City. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ruby Calub, alyas Ruby Epifania Calub, tubong Mindoro Oriental, at nakatira sa Block 4, Lot 6, Rd. 3, Theresa Subd., Brgy. Pilar, Las Piñas City. Naaresto si Calub …

Read More »

Kahit may Bataan nuclear power plant power crisis posible pa rin

WALA pa ring katiyakan na hindi na magkakaroon pa ng krisis sa koryente ang Filipinas sakaling maaprubahan ang operasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Ito ang naging pag-amin ni Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla makaraan ang pagbisita sa lalawigan ng Pangasinan. Paliwanag ng kalihim, batay sa kanyang computations, aabot lamang sa 30 sentimos ang ibababa sa singil …

Read More »

Serye ng food poisoning iimbestigahan ng Senado (Nagbebenta ng milk tea ininspeksiyon)

BUBUSISIIN na rin ng Senado ang food posining mula sa milk tea na ikinamatay ng dalawa katao sa lungsod ng Maynila. Inihain ni Sen. Koko Pimentel ang Senate Resolution No. 1273 para imbestigahan ang nangyayaring food poisoning sa bansa. Ayon kay Pimentel, naka-aalarma ang serye ng food poisoning lalo’t mayroon nang namatay. Bukod sa Maynila, tinukoy rin ni Pimentel ang …

Read More »

Padyak driver todas sa bala

PATAY ang isang padyak driver makaraan barilin ng isa sa apat kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo habang nakatambay malapit sa kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Rogin Belo, alyas Moymoy, 20, residente ng 41 Estanyo St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ang apat hindi nakilalang mga suspek …

Read More »