Thursday , June 4 2026

Liza at Enrique nakadalawang blockbuster movies na (Everyday I Love You Patuloy Na Tumatabo Sa 100 Sinehan Sa Buong Bansa)

102015 Liza-Enrique
Last Wednesday ay pang 3rd blockbuster week, na ng movie nina Liza Soberano at Enrique Gil and co-star Gerald Anderson sa Star Cinema na “Everyday I Love You,” at sa sobrang ganda ng romantic drama film, na punong-puno ng hugot ay kilig na plus factor rin rito ang ipinakitang husay ng mga lead actors.

Pinipilahan rin ng ating mga kababayan sa US at Canada ang nasabing pelikula. Sa recent post sa kanyang FB acccount ng AdProm manager ng Star Cinema na si Sir Mico del Rosario, kinompirma niyang kumita na ang LizQuen movie ng mahigit sa P100 milyon sa 3rd week running nito and still counting dahil sa patuloy na pagtangkilik ng moviegoers.

Kaya naman nang malaman nina Enrique at Liza na naging maganda ang outcome ng kanilang latest project sa Star Cinema ay kaagad na nagpaabot ng kanilang pasasalamat ang dalawa sa kanilang fans at sa lahat ng mga sumuporta at nanonood ng kanilang pelikula dito sa ating bansa ganoon na rin sa US at Canada at iba pang countries na pagtatanghalan nito.

Bale kung hindi kami nagkakamali ay pang anim na blockbuster movies na ni Direk Mae Cruz-Alviar ang Everyday I Love You na siyang director ng pinag-uusapang movie ng isa sa hottest Kapamilya loveteam na LizQuen na sa maikling panahon ng kanilang loveteam ay nakadalawang blockbuster movies na.

Congratulations sa buong cast, kay Direk Mae at sa Team Star Cinema gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …