Wednesday , November 20 2024

Classic Layout

Dalagita sinaktan, inihulog sa hagdan ng sariling ama (Dahil sa pagpapaligaw)

BAGUIO CITY – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang dalagita makaraan saktan ng sarili niyang ama sa inuupahan nilang bahay sa Pico, La Trinidad, Benguet kamakalawa. Ayon sa kapatid ng biktima, nakikipag-inoman ang kanilang ama nang komprontahin ang 16-anyos biktima hinggil sa pagpapaligaw. Hindi umimik ang biktima na ikinagalit ng kanilang ama kaya pinagpapalo siya ng walis at sinuntok …

Read More »

Pamilya Veloso masama ang loob sa gobyerno

SA pagbabalik-Filipinas naglabas ng hinanakit ang pamilya at mga abogado ni Mary Jane Veloso hinggil sa anila’y kakulangan ng tulong ng gobyerno. Giit ni Celia Veloso, ina ni Mary Jane, sisingilin na nila ang pamahalaan na aniya’y nanloko sa kanila sabay patutsada kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. “Dumating kami rito sa Filipinas para maningil… Marami kaming pautang e kaya …

Read More »

Veloso maililigtas ‘pag kumanta vs drug syndicate (Kampo ni MJ naghahanda na sa prelim probe vs recruiter)

INILUWAS ng mga tauhan ng Cabanatuan police patungo sa PNP GHQ sa Camp Crame sa Quezon City ang sinabing sumukong recruiter ni Mary Jane Veloso na si Maria Kristina Sergio. Kasama ni Sergio ang kanyang abogadong si Atty. Percida Acosta ng Public Attorneys’ Office (PAO) nang humarap kay DILG Secretaray Mar Roxas, PNP chief, Gen. Leonardo Espina at Justice Secretary …

Read More »

Mary Jane pabuwenas kay Manny

ANG pagkakaligtas kay Mary Jane Veloso sa kamatayan ay indikasyong mananalo si eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Floyd Mayweather Jr. Ayon sa kilalang sports analyst na si Quinito Henson, ‘blessing’ para kay Pacman ang nangyari kay Veloso. Aniya, dahil sa kapangyarihan ng panalangin mula sa mga kababayang nagmamahal kay Mary Jane ay hindi natuloy ang firing …

Read More »

Brownout sa Mindanao posible sa laban ni Pacquiao

TALIWAS sa pahayag ng National Electrification Administration (NEA), posible pa rin magka-brownout sa Mindanao sa bakbakang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. sa Linggo, Mayo 3. Sinabi ni Department of Enery (DoE) Secretary Jericho Petilla, batay ito sa pagre-review niya sa kontrata ng mga kooperatiba sa rehiyon. Una nang inireklamo ni Jaime Rivera, regional governor ng ARMM Philippine Chamber of Commerce and …

Read More »

Pacman richest, Hicap poorest sa House solons

NANANATILING pinakamayamang kongresista si Filipino boxing superstar at Sarangani Rep. Manny Pacquiao. Sa inisyal na impormasyon, halos P2 bilyon ang yaman ni Pacman na kinita niya mula sa pagboboksing. Si Pacquiao din ang isa sa itinuturing na top taxpayers, nagbayad siya nang mahigit P160 milyong buwis. Samantala, may pinakamababang asset record sa Kamara si Anak Pawis Rep. Fernando Hicap. Nagdeklara …

Read More »

Project manager tigok sa motel  

PATAY ang isang 57-anyos project manager makaraan manikip ang dibdib at mahirapang huminga mahigit isang oras makaraan mag-check-in sa motel kasama ng isang babae kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa John Paul Hospital ang biktimang kinilalang si Armando Singson, ng Block 4, Lot 34, Phase E-1, Francisco Homes, Brgy. Mulawin, San Jose Del Monte, …

Read More »

Factory worker patay, sanggol, 1 pang anak sugatan sa Tamaraw FX

PATAY ang isang factory worker habang sugatan ang kanyang dalawang anak makaraan araruhin nang nawalan ng prenong sasakyan habang nakatayo sa bangketa kahapon ng umaga sa Malabon City. Durog ang ulo at katawan ng biktimang kinilalang si Edgar Sarmiento, 47, empleyado ng Globe Paper Mills, at residente ng 78 Melon St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod, sanhi ng pagkakabundol at …

Read More »

Barker kritikal sa kabaro

BUNSOD ng inggit sa kinikita, agaw-buhay sa pagamutan ang isang barker makaraan saksakin ng kapwa barker sa Pasay City kahapon ng tanghali. Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Grover Stephen Rogo, 30, ng Edang St. Malibay Pasay City, sanhi ng isang tama ng saksak sa dibdib. Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspek …

Read More »

2 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa flyover

SUGATAN ang dalawa katao makaraan magkarambola ang tatlong sasakyan sa Katipunan Flyover kahapon. Pasado 4 a.m. nang mawalan ng preno ang isang 10-wheeler truck na may kargang alak habang paakyat sa northbound lane at tumama sa isang Toyota Vios. Tuluyang nawalan ng kontrol ang truck na tumawid sa center island patungong southbound at sumalpok sa isang taxi. Isinugod sa pagamutan …

Read More »