Friday , December 5 2025

Blog Layout

Bilanggo habambuhay vs aborsyon

PAPATAWAN na nang mas mabigat na parusa ang sino mang magsagawa o masasangkot sa aborsyon. “Fetuses have been found in garbage cans, thrown and abandoned by their mothers only to be discovered by unknown and concerned citizens and reported by the media,” malungkot na pahayag ni Rep. Amado Bagatsing (5th District, Manila), na siyang may akda ng House Bill 3201. …

Read More »

TF binuo sa pagpatay sa radio broadcaster

BUMUO ng task force ang pulisya upang tugisin ang responsable sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Michale Milo. Si Milo, radio brioadcaster at supervisor ng PRIME Radio FM sa Tandag City sa Surigao del Sur, ay namatay matapos pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang motorcycle-riding men. Sa inisyal na report ng PNP, pauwi na ang biktima sakay sa isang motorsiklo …

Read More »

Solar energy suportado ni Grace Poe

SINUPORTAHAN ni Senadora Grace Poe ang paggamit ng solar enery o enerhiya mula sa sinag ng araw bilang alternatibong mapagkukunan ng koryente. Ito ay dahilan na rin pahayag ng Meralco na aabot sa mahigit P4 ang ang dagdag singil kada kWh sa mga konsyumer simula ngayon buwan. Matatandaang inilunsad na rin ng Department of Energy (DOE) ang mga panuntunan at …

Read More »

2-anyos patay sa saksak ni nanay

LEGAZPI CITY – Patay ang 2-anyos batang babae matapos saksakin ng sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Calapucan, Brgy. Poblacion, bayan ng Monreal, Masbate kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Zhira Ragasa, tinamaan ng saksak sa dibdid dahilan ng agaran niyang pagkamatay. Nahuli naman ang ina ng biktima na kinilalang si Nerissa Ragasa, 28-anyos. Ayon …

Read More »

Army official patay, 2 pa sugatan sa enkwentro

BUTUAN CITY – Kinompirma ni Captain Christian Uy, spokesman ng Philippine Army 4th Infantry Division, isang Philippine Army junior officer ang namatay habang dalawang sundalo ang malubhang nasugatan sa enkwentro laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Sur. Inihayag ni Uy, ang tropa mula sa elite 3rd Special Forces Battalion ay idineploy sa Bgy. Buhisan, …

Read More »

300 MMDA personnel pararangalan

PARARANGALAN ang 300 kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinadala sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, isasagawa ang pagbibigay parangal matapos ang gagawing pagpupugay sa watawat ngayong Lunes. Pahayag ni Tolentino, ang pagbibigay parangal ay ang pagkilala sa ipinamalas nilang pagtulong sa clearing operation at pagtukoy sa mga namatay sa bagyo. …

Read More »

‘Peace Ark’ Barkong Ospital ng Tsina tumulong sa Yolanda victims

IPINADALA kamakailan ng gobyerno ng Tsina ang kanilang malaking barkong ospital, ang Peace Ark, para magdala ng tulong medikal at teknikal sa mga naging biktima ng napakalakas na bagyong Yolanda na nanalasa kamakailan sa mga probinsiya ng Leyte, Samar, Cebu, Iloilo at Bohol. Sinabi ng Embassy ng Tsina sa bansa na ang Peace Ark, ang kauna-unahang 10,000 toneladang class barkong …

Read More »

Ano ba talaga ang papel ni Ping Lacson? Rehab Czar ba o coordinator lang?

ITO po ang ipinatatanong sa atin ng mga masugid na tagahanga at bilib na bilib kay ex-Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson Tama ba Asec. Rey Marfil? Ayon sa ilang mga urot, nagtataka raw sila kung bakit nai-PRESS RELEASE agad ang appointment ni LACSON bilang rehabilitation czar sa mga sinalanta ng super-bagyong si Yolanda. Pero ilang araw na nag nakalilipas ‘e wala …

Read More »

May ‘express lane’ sa Supreme Court?

IGINAGALANG ang Korte Suprema bilang pinakahuling pag-asa ng mamamayan upang malaman ang tunay na interpretasyon ng ano mang batas na umiiral sa bansa. May mga nakapupuna lang sa tila pagkakaroon ng “express lane” sa Kataastaasang Hukuman, may mga kaso na mas mabilis na naaksiyunan kaysa sa iba. Isang halimbawa rito ay pagbaba ng pinal na desisyon ng Supreme Court sa …

Read More »

Lacson panibagong target nina Binay at Roxas

TIYAK na gigibain si Ping Lacson ng mga taong ayaw siyang bumango sa madla dahil ito ang magiging dahilan ng kanilang kabiguan sa 2016. Ito ang siguradong magaganap dahil si Lacson ang kasalukuyang pinakamalaking balakid sa pangarap nina VP Jojo Binay at Mar Roxas na maging pangulo ng bansa. Kung babasahin natin ang kaganapanan pulitikal sa estado, sina Binay at …

Read More »