Thursday , June 4 2026

Villar magbibigay ng karagdagang tulong sa apat pang lugar na apektado ng bagyong “Yolanda” sa Leyte

MAGBIBIGAY si Senator Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, ng karagdagang tulong sa mga biktima ng super typhoon “Yolanda” sa Leyte, partikular ang mga magsasaka, mangingisda at ang kanilang pamilya.

Makaraang bisitahin ang mga munisipalidad ng Dulag, Julita, Mayorga at Tanauan sa Leyte noong nakaraang buwan, magtutungo ngayon (January 16) si Villar sa Calubian, Tabango, Leyte  at Villaba, na pawang nasa Leyte, para tumulong sa kasalukuyang “rebuilding and rehabilitation efforts” ng nasabing lalawigan.

“We want to help as many people as we can. The momentum to start anew is there already. We will provide them with what they need so that they will be on track in rebuilding their lives, homes and livelihoods,” ayon kay Villar.

Mamamahagi si Villar ng  farm implements mula sa Department of Agriculture (DA) sa  500  pamilya sa bawat munisipalidad.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng 75 bag ng  vegetable seeds gaya ng mais, petsay, kamatis, okra at ampalaya at 125 hanggang  500 coconut seedlings.

Mamimigay rin ang senador ng 500 bags ng  organic fertilizers mula naman sa Villar Foundation. Magkakaloob din siya ng food packs.

Bukod dito, magbibigay din si Villar ng katibayan para sa 10 motorized fishing boats ng may  net sa mga mangingisda at kooperatiba mula sa DA at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bawat munisipalidad.

“Farmers and fishermen need to be prioritized since most of the affected areas rely on agriculture. It is important for them to get back on their farms and on the sea to their lives and that of their families will normalize,” sabi pa ni Villar.

Magbibigay din si Villar ng mga materyales para sa bubong ng bahay gaya ng yero at mga pako sa mga pamilya na nasira ang bahay bunga ng bagyong Yolanda.

“I learned that there are still some houses which are yet to be repaired. We will at least make sure that their roofs will be fixed. That’s the most urgent and important—a roof over their heads,” dagdag pa ng senador.

Kasama ni Villar  sa Leyte ang team mula sa DA na pinangunahan ni Undersecretary Emerson Palad at  Assistant Secretary Edilberto de Luna at BFAR national director Asis Perez.

(NIÑo Aclan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …