Friday , September 20 2024

Blog Layout

PNoy ‘missing in action’ sa Zambo siege

“MISSING in action” si Pangulong Benigno Aquino III mula pa noong nakalipas na Linggo, Setyembre 15. Ito ang naging puna ng publiko makaraang huling magpakita sa publiko si Pangulong Aquino noon pang nakaraang Sabado, Setyembre 14, nang bisitahin ang mga tropa ng pamahalaan sa Zamboanga City. Kinompirma naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi pa rin umaalis sa Zamboanga …

Read More »

Bangketa sa Baclaran nabawi ng vendors

IPINAUBAYA na ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez sa mga sidewalk vendors ang Redemptorist Road sa Barangay Baclaran nang pahintulutang muli  maglagay ng mga stalls sa naturang lansangan. Gayonman, nilinaw ni Olivares na dalawang linya lang ng Redemptorist Road ang ipapa-okupa sa mga vendors kaya’t maluwag pa ring makakadaan sa dalawa pang lane ang mga motorista. Ani Olivarez, hindi niya …

Read More »

Biazon: Customs employees balik sa mother units

UPANG maipatupad ang kinakailangang reporma sa ahensya, ipinag-utos ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozanno “Ruffy” Biazon ang pagbabalik ng mga empleyado ng Aduana sa kanilang mother units ayon sa nakasaad sa kanilang appointment papers. Sa Customs Personnel No. B-134-2013 na ipinalabas ni Biazon, sinabi doon na ang lahat ng kasalukuyang puwesto ng mga kawani ng BoC ay binabawi na …

Read More »

Anti-Bullying Law nilagdaan na ni PNoy

KINOMPIRMA ng Malacañang kahapon, pirmado na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang batas laban sa bullying lalo sa mga mag-aaral. Ang Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 ay nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Setyembre 12 at kahapon lamang inilabas ng Malacañang. Sa ilalim ng batas, lahat ng elementary at secondary schools ay naatasang bumuo ng polisiya para …

Read More »

9 katao kalaboso sa kotong

Kalaboso sa entrapment operation ang siyam katao matapos  mangikil sa mga tsuper ng jeep na dumaraan sa Quiapo, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ni P/Senior Supt Clark Cuyag ng MPD District Police Intelligence and Operations Unit o DPIOU  ang mga suspek na sina Bernardino Pangilinan, 44; Cristina Rozas, 44; Babylyn Cruz, 22;  Rosmarilyn Pangilinan, 23;  Randy Igbuhay, 25;  Teofilo Bugtong, 46; …

Read More »

Namingwit ng pulutan senglot nalunod

NALUNOD ang isa sa dalawang lalaking namimingwit ng isda para gawing pulutan nang lumubog ang kanilang bangka sa Laguna de Bay sa bisidad ng San Pedro sa lalawigan ng Laguna. Kinilala ang biktimang si John Eric Cruz. Ayon sa ulat, si Cruz ang kaibigan niyang si Jerome Berroya ay namingwit sa Brgy. Landayan. Ngunit bago pa man sila makahuli ng …

Read More »

Obrero kinasuhan ng rape-slay sa 12-anyos

SINAMPAHAN ng kaukulang kaso ng pulisya ang construction worker na nanghalay at pumatay sa 12-anyos dalagita noong Biyernes ng madaling araw sa Muntinlupa City. Ayon kay Muntinlupa police chief Senior Supt. Roque Vega, kasong Rape with Murder ang ikinaso kay Reynante Odono, 26, tubong Sorsogon at naninirahan sa 7-A Extension Ylaya St., Alabang, matapos ituro ng testigo na siyang may …

Read More »

Christopher, ‘di pa rin kumukupas ang kahusayan

MARAMI mang magsulputang magagaling na batang artista, hindi pa rin kayang pataubin ang isang Christopher de Leon. Kitang-kita pa rin ang husay ni Boyet sa pag-arte. Kitang-kita ito sa mga eksenang napapanood gabi-gabi sa Muling Buksan Ang Puso ngABS-CBN2. Kapuri-puri rin ang takbo ng istorya ng teleserye dahil may pasabog gabi-gabi. Tiyak na lalong natutuwa si Enchong Dee sa itinatakbo …

Read More »

Jake, seryosong mapasagot si Jessy

TOTOO kaya ang mga lumalabas na balitang, seryoso si Jake Cuenca na mapasagot o maging girlfriend si Jessy Mendiola? Hindi kaya gimmick lang ito dahil magkasama ang dalawa sa nalalapit nang teleserye ni Jessy na kasama siya sa ABS-CBN2, ang Maria Mercedes? Ayon kay Jake, seryoso siyang mapasagot si Jessy at hinamon pa ang napapabalita ring nanliligaw sa aktres na …

Read More »

Claudine, inireklamo ng kanyang dating PA ng pagnanakaw

INIREKLAMO ng dating personal assistant na si Dessa Cadelario Patilan, 19, si Claudine Barretto, 34 dahil sa paglabag umano ng huli sa Article 308 ng Revised Penal Code of the Philippines o Theft (pagnanakaw). Kung ating matatandaan, si Dessa ay P.A. ni Claudine na ipinakulong ng aktres noong Mayo ng taong ito dahil umano sa pagnanakaw ng kanyang mga alahas …

Read More »