Thursday , June 30 2022

Padrinong politiko sa kustoms naglaho

NAKAPAGTATAKA, biglang naglaho ang mga pesteng politiko na dati-rating nagdidikta kung sino ang ilalagay sa ganito o ganoong puwesto. Iyong masabaw na puwesto na tutulong sa kanilang campaign funds tuwing election.

Dalawang bagay ang nakikita nating dahilan. Una ay pagpasok ng mga bagong appointee ni Pinoy na karamihan ay mga retiradong heneral na armed forces.

Ikalawa, malaking lubha ang nagawa ng pork barrel scam sa paglaho ng mga pesteng politiko na sila mismo ang nagdidikta kung sinong collector ang ilalagay. Iyong influential na politiko, naididikta kung sino ang ilalagay sa masabaw na mga assignment. Sapat na makatulong sa political campaign.

Alam naman natin ang nangyari  nitong pagpapalit ng mga liderato sa customs matapos banatan noon ni Pinoy nang ganito, “Saan kayo kumukuha ng kapal ng inyong mga mukha. Noon pala in place na ang bagong magpapatakbo ng customs. Mga bagong mukha at s’yempre halos hindi pa alam ang kanilang trabaho. Pero nawalang bigla ang mga tinatawag na “tara groups.” Iyong mababagsik na grupo ng extortionists  na nagkalat noon sa Aduana. Sila ang naging peste sa buhay ng port users na talagang walang kawala basta sumasapit na ang Friday fiesta. Nawala na ito.

Kung mayroon mang tara ngayon, sila ay mga guerilla operation ang tirada. Hit and run. Saka kung mayroon man peanuts na lang. Hindi tulad noong dating may benchmark na P40,000 kada container.

Halimbawa ang resins na ngayon ay sinisingil ng P400,000 bawat container, nakalulusot ito noon. Isipin na lang kung bakit ang nawawala sa bureau umaabot daw noon ng mahigit isang trillion.

Paanong hindi magiging masyadong garapal noon ‘e may go signal ang mga politkong padrino. Nagmumukhang mga tau-tauhan ang matataas na opisyales ng bureau. Kaya’t iyong mga collector halimbawa malalakas ang loob na gumawa ng pangungurakot. Nawala ito ngayon at umaasa na magpapatuloy ang ganitong kalakaran.

Kaya lang hindi gaanong mabagsik ang mga opisyales sa mga dating nagsamantala sa puwesto. Iyong mga nagbenta ng mga kaluluwa para yumaman sila. Shall we say that the best thing that happens ngayon sa Customs ay ang ikalalansag ng mga tara group (extortion) at paglaho ng mga politiko na sa totoo lang ginagawang gatasan ang customs kapag election.

Arnold Atadero

About Arnold Atadero

Check Also

Volleyball Nation's League VNL

France walang talo sa VNL’s QC Leg

IPINANALO lahat ng France ang apat nilang laro sa ikalawang linggo ng Volleyball Nation’sLeague (VNL). …

FIBA Asia U16 Division B

Syria giba sa Gilas sa FIBA Asia U16 Division B

MANILA, Philippines—Nananatiling walang talo ang Gilas Pilipinas Women  nang paluhurin nila ang Syria 92-86 sa …

Canelo Alvarez Dmitry Bivol

Canelo-Bivol rematch mangyayari sa 175 pounds

KINOMPIRMA ni Canelo Alvarez na kung matutuloy ang rematch nila ni Dmitry Bivol,  mangyayari ang …

PCAP Chess

Tacloban, Pagadian tigbak sa  Laguna  sa PCAP online chess tourney

MANILA—Nagpatuloy ang pananalasa ng Laguna Heroes sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) …

UMak Chess Team

UMak kampeon sa ched sports friendship games

TINANGHAL na overall champion ang  University of Makati (UMAK) Herons varsity chess team  sa katatapos …

Leave a Reply