Monday , December 15 2025

Blog Layout

BIFF umatake agad

Dear Mr. Yap: ‘Yong ipinadala kong sulat kahapon (16 April 2015) hinggil kay Kumander Bungos, bagong lider ng BIFF ay hindi nagkamali ang aking sapantaha na magpaparamdam talaga ng puwersa si Kumander Bungos. Sinalakay nga ng BIFF sa pamumuno ni Kumander Bungos ang Ist Mechanized Brigade ng Philippine Army sa Barangay Kabingi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao noong 15 Abril, 2015 …

Read More »

Bookies Lotteng ni Jun Lakan sa Pasay, umaariba!

TOTOO nga marahil ang ipinagyayabang ng ilegalistang si JUN LAKAN GUINTO, ang operator ng lotteng sa siyudad ni Mayor Tony Calixto ng Pasay. Si Mark Calixto, anak ni Mayor Tony at si Borbie Rivera ang ipinagmamalaking kausap at protektor pa umano ng ilegal na pasugal ni JUN LAKAN. Bukod sa lotteng operation sa Pasay, meron din saklang patay sa Makati …

Read More »

Alam chairman Jerry S. Yap hindi ka nag-iisa

ANG MALI DAPAT LABANAN, ANG TAMA DAPAT IPAGLABAN. Ano ba ang salitang LIBELO? Sa AFUANG’S DICTIONARY, Ang kahulugan ng salitang LIBELO ay ganito; Ito’y Sandata ng mga Walanghiyang Balat-Sibuyas na mga KORAP na Opisyales ng GOBIERNO, in Disguised As Public Servant kuno. FUCK YOU ALL!!!! At ito’y isang paraan para Harasin at Supilin ang Pagbatikos sa kanyang mga Maruruming Gawain, …

Read More »

Renobasyon ng hotel sa Makati ‘overpriced’ din?

HINDI pa man natatapos ang kaso na kinakaharap ni Vice Pres. Jejomar Binay sa “overpriced” umanong pagtatayo ng Makati City Hall Parking Building, heto na naman ang bagong isyu ng overpricing kaugnay ng renobasyon ng isang hotel. Ayon sa abogadong si Renato Bondal, alkalde pa si Binay ng Makati noong 2002 nang ipag-utos daw ang renobasyon ng tatlong gusali na …

Read More »

15 DLTB bus sinuspinde sa aksidente sa E. Samar

SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 15 bus ng DLTB kaugnay ng aksidente sa Eastern Samar. Matatandaan, lima ang namatay habang walo ang nasugatan sa banggaan ng isang DLTB bus at isang pampasaherong van sa Quinapondan. Giit ng LTFRB, out-of-line o kolorum ang naaksidenteng bus dahil San Pablo City, Laguna-Pasay City lang ang awtorisadong ruta nito. …

Read More »

IFJ naalarma sa magkasunod na aresto vs PH journalists

http://www.ifj.org/nc/news-single-view/backpid/1/article/second-filipino-journalist-arrested-in-libel-case-in-as-many-weeks/ NAGPAHAYAG ng pangamba ang international media group kaugnay sa isa pang pag-aresto sa isang Philippine journalist dahil sa kasong libel. Labis na naalarma ang International Federation of Journalists (IFJ) kaugnay sa pag-aresto kay Elmer James Bandol habang patungo siya sa kanyang trabaho nitong Miyerkoles ng umaga. Sinabi ng IFJ, ito ang pangalawang pag-aresto sa journalist sa loob lamang ng …

Read More »

Resignasyon ni Espina nakabitin pa

ni ROSE NOVENARIO KINOMPIRMA ni Pangulong Benigno Aquino III na nagbitiw na si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina. Sa ambush interview kay Pangulong Aquino sa inagurasyon ng school building sa Tarlac National High School sa Tarlac City kahapon, sinabi niya na nagsumite ng resignation letter si Espina ngunit hindi pa niya tinatanggap dahil magkakaroon ng …

Read More »

NBI pinuri ng Palasyo sa liquid ecstacy raid

PINURI ng Malacañang ang NBI sa matagumpay na operasyon laban sa sindikato ng illegal drugs na gumagawa at nagbebenta ng “date rape drug” o liquid ecstacy sa Mandaluyong City. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang matagumpay na operasyon ng mga kagawad ng NBI ay bahagi ng pangkalahatang layunin ng pamahalaan na malansag ang iba’t ibang grupo at indibidwal na …

Read More »

Ginang patay sa tusok ng metal fence (Sa anti-drug raid)

CEBU CITY – Nagmistulang barbecue ang isang ginang nang matusok ang katawan sa matulis na kabilya na ginawang metal fence sa gitna ng anti-drug raid sa Sitio Mahayay, Brgy. Calamba, Lungsod ng Cebu kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Maria Lisa Diaz, live-in partner ng suspek na target sa police operation. Tumalon si Diaz mula sa bubong upang hindi mahuli …

Read More »

Kotse niratrat 1 patay, 2 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Iniimbestigahan ng Santiago City Police Office ang dalawang anggulo sa pamamaril kamakalawa ng gabi ng mga suspek na sakay ng van at motorsiklo sa isang kotse sa Batal, Santiago City. Namatay sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan ang dating nasa #7 sa drug watchlist ng SCPO na si Armando Francisco, 46, residente ng Sitio …

Read More »