Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

Duda sa bilangang VP

MAY mga nagdududa sa resulta ng isinagawang bilangan ng boto para sa vice president ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Hindi rin sila masisisi dahil sa loob nang ilang buwan hanggang sa election day ay totoong nanguna si Senator Bongbong Marcos sa mga survey sa mga tumatakbo para sa pangalawang pangulo. Kinagabihan sa mismong araw ng halalan ay …

Read More »

Heavy firearms ‘di na papayagan

WALA nang ibibigay na lisensiya ang gobyerno sa mga sibilyan na nais magmay-ari nang matataas na kalibre ng baril. Ito ang inianunsyo ni President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Duterte, sa kanyang administrasyon, tanging short firearms lang ang papayagan niya sa mga sibilyan. Ngunit ang pagbibigay ng lisensiya ay daraan din sa mahigpit na kondisyon. Ang mga mayroon nang matataas na …

Read More »

Pres. Digong Duterte Mabuhay Ka!

TALAGANG nagsalita na ang taong bayan at maliwanag na ang gusto ay si Pres. Digong Duterte. Si Pres. Digong ang mahal nila at isa lang ang mensahe nito change o pagbabago. Kaya wala na tayong magagawa kahit ano ang political color natin basta ang mahalaga magkaroon ng unity ang bansang ito. At ‘wag puro pagmamalaki ‘di ba? Gusto ko lang …

Read More »

Negosyante patay  sa ambush sa Kyusi (2 sugatan)

PATAY ang isang negosyante habang dalawa ang sugatan makaraan tambangan ng riding in-tandem kahapon ng hapon sa Brgy. Pinyahan, Quezon City. Sa ulat kay Quezon City Police District-Kamuning Police Station 10 chief, Supt. Pedro Sanchez, kinilala ang biktimang si Ferdinand Lopez, residente ng Tivoli Subd., Almadela St., Old Balara, Quezon City. Habang ang mga sugatan ay sina Jericho Ricafort at Richard …

Read More »

4 Cabinet posts inialok ni Digong sa CPP-NPA

IBINUNYAG ni president-elect Rodrigo Duterte, inalok niya ang cabinet positions para sa DAR, DENR, DOLE, at DSWD sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA). Ginawa ni Duterte ang pahayag sa press conference sa Davao City, kasabay nang kanyang pag-anunsiyo sa ilang cabinet members na magiging bahagi ng kanyang administrasyon. Ayon sa incoming president, ang kondisyon niya sa grupo …

Read More »

Death penalty nais ibalik

INIHAYAG ni President-elect Rodrigo Duterte, nais niyang maibalik ang death penalty sa bansa. Sa presss conference sa Davao kamakalawa ng gabi, sinabi ni Duterte , hihilingin niya sa Kongreso na ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng bitay. Kaugnay nito, pinangalanan na ng alkalde ang posible niyang itatalagang mga pinuno sa hanay ng pulisya at army. Inihayag din niya ang …

Read More »

Kelot naglinis ng balon nalunod

LA UNION – Nalunod ang isang 36-anyos lalaki  habang nililinis ang isang balon sa lungsod ng San Fernando, La Union kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Michael Pimentel, residente ng Brgy. Cabaroan. Batay sa salaysay ng kanyang mga kasamahan, ipinatawag sila kahapon ng kanilang kamag-anak na si Edna Fusilero upang maglinis sa loob ng balon na may lalim na 30 hanggang …

Read More »

Jobless tumungga ng lason (Nasibak sa trabaho)

PATAY ang isang lalaki makaraan uminom nang lason nang masibak sa trabaho kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Hindi umabot nang buhay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Jonathan Odi, 31, ng Dulong Bronze St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod. Sa salaysay ng live-in ng biktima kina SPO2 Jerry Dela Torre at PO1 Jessie Mora, bago ang insidente ay …

Read More »

Birthday girl todas sa tama ng kidlat

BUTUAN CITY – Binawian ng buhay ang isang dalagita makaraan tamaan ng kidlat isang araw makaraan niyang ipagdiwang ang kanyang ika-15 kaarawan sa Purok 2, Brgy. Doongan sa lungsod ng Butuan. Ayon kay Cristy Burillo, tiyahin ng 15-anyos na si Manuela Burillo, naligo sa malakas na ulan kamakalawa ng hapon ang biktima kasama ang dalawa niyang mga pinsan sa itaas …

Read More »

‘Vote buying’ laganap — CBCP, UP, DLSU prof

LAGANAP ang vote buying, ito ang nag-iisang reaksiyon ng simbahan, academe at civic groups sa nakaraang halalan nitong Mayo 9. Sa Tapatan sa Aristocrat, nagkaisa sa kanilang mga pahayag sina dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Archbishop Oscar Cruz, University of the Philippines (UP) mass communication professor Dr. Danilo Arao, De La Salle University (DLSU) associate professor …

Read More »