Monday , December 15 2025

Blog Layout

Drug ring sa killings tukoy na ng PNP

ronald bato dela rosa pnp

IBINUNYAG ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, isang malaking sindikato ang nasa likod ng nagaganap na extrajudicial killings sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinabi ni Dela Rosa, may ideya na ang PNP kung sino-sino ang nagpapatayan ngayon. Pahayag ng PNP chief, magugulat na lamang ang publiko dahil kanila itong ibubunyag lalo na kapag nakita ang data na …

Read More »

Death toll sa habagat 8 na — NDRRMC

UMAKYAT sa walo ang patay dahil sa pananalasa ng malakas na pag-ulan bunsod ng habagat na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa bansa. Iniulat ni National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) Executive Director at Undersecretary Ricardo Jalad, dalawa ang naitalang namatay sa Metro Manila, dalawa sa General Nakar sa Quezon province nang mag-collapse ang tunnel doon habang …

Read More »

5 miyembro ng mag-anak nakoryente, patay

DAGUPAN CITY – Patay ang isang mag-anak na may limang miyembro makaraan makoryente sa Brgy. Bacondao East sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Arnel Conasco, Henry Mendoza, Michael Mendoza, Rochelle Mendoza at Grade 3 pupil na si Geann Conasco, pawang residente sa nasabing lugar. Sa impormasyon, aksidenteng nahawakan ni Rochelle ang live wire sa kanilang …

Read More »

Libreng text alerts sa kalamidad paigtingin — Sen. Poe

phone text cp

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe na palakasin ang pagpapatupad ng Free Mobile Disaster  Alerts Act para matiyak na may sapat na impormasyon ang mamamayan upang makaiwas at makaligtas sa mga kalamidad. “Ang isang text warning ay makapagliligtas ng libo-libong buhay,” ani Poe, “Gawin natin ang lahat para mailigtas ang ating mga kababayan sa banta ng kalamidad sapagkat napakahirap bumangon at …

Read More »

Bird strike nalusutan ng Cebu Pac

MAINGAT na nalusutan ng isang eroplano ng Cebu Pacific Air (CEB) ang bird strike habang papalapag sa runway 24 ng Legazpi Airport kahapon ng umaga. Nabatid na ang CEB flight 5J321 mula Maynila ay naghahanda ng paglapag sa naturang runway nang biglang salpukin ng mga ibon. Ligtas at maingat na nailapag ng piloto ang eroplano kaya walang nasaktan sa mga …

Read More »

Leeg ng garbage collector sumabit sa kable, tigbak (Nahulog sa truck)

road traffic accident

PATAY ang isang basurero makaraan mahulog mula sa isang garbage truck nang sumabit ang kanyang leeg sa isang nakalaylay na kable habang nakaupo sa ibabaw ng naturang sasakyan sa Sampaloc, Maynila kamakalawa. Binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jonel Cataylo, 25, ng Building 26, Unit 119, Permanent Housing, Balut, Tondo, Maynila. Ayon sa …

Read More »

Drug supplier sa Maynila tumba sa pulis

shabu drugs dead

  PATAY ang isang hindi nakilalang lalaking hinihinalang supplier ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin kahapon sa Sampaloc, Maynila. Agad binawian ng buhay ang hindi nakilalang lalaking tinatayang may gulang na 35 hanggang 40-anyos, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang drug bust sa 1040 Paquita St., Sampaloc. Ayon kay Supt. Aquino B. Olivar, station …

Read More »

Suporta ng LGU sa federalismo at laban sa korupsiyon hiniling

ISINUSULONG ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ang malawakang kampanya laban sa katiwalin at kriminalidad sa buong bansa kaugnay ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang mapayapa at ligtas ang bansa para sa lahat. Kaugnay nito, isusulong ng MRRD-NECC ang pagbibigay ng malawak na edukasyon at impormasyon para sa lahat ng lokal …

Read More »

Obrero patay sa saksak ng karibal

Stab saksak dead

SELOS ang isa sa motibong tinitingnan ng Pateros Police kung bakit sinaksak hanggang mapatay ang isang obrero ng karibal niya sa pag-ibig nitong Lunes ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Rizal Medical Center ang biktimang Noel Reyes, 49, ng 1148 Alley 9, Brgy. Santa Ana ng naturang bayan. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Louie …

Read More »

QC Councilor Hero Bautista is signing off…

NANGINGILID ang luha at basag ang boses ni Konsehal Hero Bautista nang basahin sa harap ng Sangguniang Panglungsod ang kanyang privilege speech para magpaalam sa kanyang mga kapwa konsehal ng lungsod na siya ay pansamantalang liliban ‘para hanapin ang kanyang sarili. ‘Nawawala’ pala siya nang hindi niya alam… Nakiusap siya kanyang mga kapwa konsehal at constituents na huwag siyang husgahan …

Read More »