Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

Misuari pabor sa kapayapaan sa Mindanao (Suportado si Duterte)

MATAPOS ang tatlong taon na pagtatago sa batas ay lumantad na kahapon mula sa kanyang lungga sa Jolo, Sulu si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari, nagpunta sa Palasyo at nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte upang magkatuwang na isulong ang kapayapaan sa Mindanao. Sinundo kahapon ng umaga ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza si Misuari sa Jolo …

Read More »

Arrest warrant vs Misuari sinuspinde ng Pasig RTC

HINDI muna ipatutupad ang utos ng mababang hukuman sa Pasig City na pag-aresto kay MNLF founding Chair Nur Misuari. Ito ang utos na ipinalabas ni Pasig RTC Branch 158 Judge Maria Rowena San Pedro. Kasabay nito, sinuspinde ng hukuman ang pag-usad ng paglilitis sa kasong kinakaharap ni Misuari na nag-ugat sa insidente noong Setyembre 2013 na binansagang Zamboanga Seige. Si …

Read More »

BoC official sinibak (Tinukoy ni Digong sa anomalya)

SINIBAK na sa puwesto ang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang sangkot sa mga anomalya sa kawanihan. Kinilala ang opisyal na si Atty. Arnel Alcaraz, officer in charge (OIC) ng enforcement group ng BoC. Ayon kay Office of the Customs Commissioner chief of staff Mandy Anderson, si Alcaraz lamang ang OIC na may …

Read More »

Ex-Makati Mayor Elenita Binay absuwelto sa graft

ABSUWELTO sa kasong graft ang dating alkalde ng lungsod ng Makati na si Dra. Elenita Binay. Ito ay makaraan ibasura ng Sandiganbayan Fifth Division sa 90 pahinang desisyon ang isinampang kaso laban kay Binay. Kasama sa mga napawalang-sala sina dating city administrator Nicanor Santiago, Jr., dating General Services Department head Ernesto Aspillaga at Bernadette Aquino, opisyal ng Asia Concept International. …

Read More »

OFWs hinikayat magrehistro para sa May 2019 election

HINIKAYAT ng Commission on Election ang mga Filipino sa ibang bansa na magparehistro online para makasali sa May 2019 midterm elections. Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, maaring makapagrehistro ang mga OFW sa pamamagitan sa online www.comelec.gov.ph. Magiging available ang nasabing Overseas Form No. 1 mula Disyembre 1, 2016 hanggang Setyembre 30, 2018. Base sa kanilang record, umabot sa 1,376,067 …

Read More »

27,000 arms deal sa US ‘di pa kanselado — Dela Rosa

TINIYAK ng kompanyang Sig Sauer, ang supplier ng 27,000 units ng M4 assault rifles sa PNP, nagpapatuloy pa ang permit to export sa biniling mga bagong armas. Ito ang iginiit ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa batay sa sulat na ipinadala ng Global Defense International na local counterpart ng Sig Sauer sa Filipinas. Ayon kay Dela Rosa, ang …

Read More »

P8-T inilaan sa infra projects

AABOT sa mahigit walong trilyong piso ang ilalaan ng administrasyong Duterte sa infrastructure projects sa susunod na limang taon. Inilatag kahapon sa press briefing ang nakalinyang infrastructure projects ng administrasyong Duterte para mapabilis ang government spending at ang paglago ng ekonomiya ng bansa. Tinukoy nina Transportation Secretary Arthur Tugade, Public Works Secretary Mark Villar, Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia …

Read More »

Anti-Smoke Belching officer itinumba

PATAY ang isang anti-smoke belching officer makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem suspects kahapon ng umaga sa Roxas Boulevard, Baclaran sa Pasay City. Namatay noon din  ang biktimang si Ramil Co, assistant team leader ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Pasay City Hall, residente sa 1770 F. B. Harrison St. ng lungsod. Sa ulat ni Chief Inspector Rolando Baula, hepe …

Read More »

14-anyos dalagita minolestiya ng stepfather

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang 59-anyos lalaki makaraan molestiyahin ang 14-anyos dalagitang anak ng kanyang live-in partner sa Brgy. Poblacion, Mandaon, Masbate. Ang suspek na si Relan Danao ay nabatid na kabilang din sa listahan ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar. Nakompiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang improvised shotgun na may nakalagay …

Read More »

Drug personality utas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang isang hinihinalang drug personality nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo habang ang biktima ay nakasakay sa bisikleta sa Basa 2, Zapote, Las Piñas City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Paulo Rafael, 35, ng Banana Island Basa 2 ng nasabing lungsod. Sa nakarating na ulat kay Las Piñas Police …

Read More »