NAIS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pigilan ang pagtakbo sa halalan sa 2019 ng mga lokal na opisyal na sinabing kasama sa ‘narco-list’ ng gobyerno at mga sangkot sa kasong korupsiyon. Ayon kay DILG officer-in-charge Eduardo Año, may 93 lokal na opisyal sa drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Limampu’t walo raw rito …
Read More »Blog Layout
Duterte naospital itinanggi ng Palasyo
WALANG katotohanan na na-confine sa isang pagamutan sa Metro Manila si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakasipot sa isang opisyal na pagtitipon sa Palasyo kamakalawa ng hapon. Sinabi ni Special Asistant to the President Christopher “Bong” Go, napagod nang husto si Pangulong Duterte at gabi na nakauwi mula sa pagbisita sa Catarman, Samar kamakalawa ng gabi, kaya nagpasyang private meeting …
Read More »23,000 sakong bigas naglahong tila bula Duterte nagalit (Sa Zamboanga)
GALIT si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkawala ng mahigit sa 23,000 sako ng bigas na una nang nakompiska ng Bureau of Customs sa Zamboanga port. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, desmayado ang Pangulo sa insidente na pinaniniwalaan nilang may sabwatan ang BoC at ang National Food Authority (NFA). Sinabi ni Roque, agad silang nakipag-ugnayan …
Read More »P.8-B jackpot sa lotto gusto rin masungkit nina Digong, SAP Go
KINOMPIRMA ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na gaya ng pangkaraniwang Filipino ay tumaya rin silang dalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ultra Lotto na mahigit P800 milyon ang jackpot. Ayon kay Go, 18 combination ang pinatayaan nila ni Pangulong Duterte para sa 6/58 jackpot draw mamayang gabi. Sa pinakahuling lucky pot ng 6/58, naitala ito sa …
Read More »ERC walang paki sa non-renewal ng PECO franchise
WALANG nakikitang problema si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Agnes Devanadera kung hindi man i-renew ng Kamara ang prankisa ng Panay Electric Company (PECO) ngunit dapat lamang tiyakin na walang magiging problema sa supply ng koryente para sa mga residente. Ang pahayag ng ERC ay bilang reaksiyon sa nauna nang sinabi ni House Committee on Legislative Franchise Chairman Rep.Josef Alvarez …
Read More »P15.5-M ilegal na droga at damo nasabat sa NAIA
UMABOT sa P15.496 milyon halaga ng illegal substance ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa bodega ng Central Mail Exchange Center (CMEC) at Federal Express (FedEx) kahapon. Ayon kay Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan at Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang limang shipment ng methamphetamine hydrochloride o shabu, party drugs at marijuana ay dumating sa bansa sa magkaahiwalay …
Read More »Albert, Dimples, Adrian, at Beauty igagapos ng pagmamahal at kasakiman sa “Kadenang Ginto”
SIGURADONG kakapitan ng mga manonood ang kuwento ng isang pamilyang pinakinang ng pag-ibig ngunit binalot ng kasakiman sa “Kadenang Ginto,” na magsisimula na ngayong Lunes (8 Oktubre) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Kilalanin si Romina (Beauty Gonzalez), ang babaeng maaasahan lalo na ng kanyang pamilya dahil sa kanyang kasipagan. Puno rin siya ng ligaya dahil kay Carlos (Adrian Alandy), ang …
Read More »Andrea at Francine, mga bagong mukhang aabangan sa Kapamilya Gold
MAGKASAMANG kikinang tuwing hapon ang mga bagong talento at mga bagong mukhang bibida sa “Kadenang Ginto,” tampok ang rising teen stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz. Sampung taong gulang pa lamang ay bumida na sa kanyang unang teleserye si Andrea na “Annaliza,” na napansin ang taglay niyang galing sa pag-arte. Dahil sa naturang role, nakilala bilang teleserye princess …
Read More »Sanya Lopez, nagpasilip ng alindog sa Wild and Free
IBABALANDRA ni Sanya Lopez ang kanyang alindog at kaseksihan sa pelikulang Wild and Free na hatid ng Regal Entertainment. Ang hunk at guwapong si Derrick Monasterio ang leading man dito ni Sanya. Bukod pa sa kaseksihan nina Sanya at Derrick, kaabang-abang din ang maiinit na love scenes dito ng dalawa. Esplika ni Sanya, “Mahirap ‘yung scene, kasi masikip sa loob ng car. …
Read More »Tatlong bagong TV shows, mapapanood sa Net25 simula sa Linggo
TATLONG bagong TV shows mula Social Media Artist and Celebrities (SMAC) Television Production ang sisimulan ngayong Linggo sa Net25. Ang tatlong bagong TV shows ay The Prodigal Prince na isang fictional teleserye na mala-Koreanovela pero may touch ng pagka-Pinoy, Galing Ng Pinoy na isang reality game show, at Bee Happy, Go Lucky na isang variety show naman. Ang The Prodigal Prince ay pinagbibidahan nina VMiguel Gonzales, Justin Lee, Mateo …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com