Friday , December 5 2025

State of national calamity pinag-aaralan ni PNoy

MASUSING pinag-aaralan ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagdedeklara ng state of national calamity bunsod ng pananalasa ng bagyong Yolanda. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, masusing pag-aaralan ng gobyerno ang panukala dahil dapat matiyak na naaayon ito sa batas. Ayon kay Coloma na ngayon ay nasa France, pangunahing konsiderasyon ang pagtugon sa kasalukuyang sitwasyon ng kalamidad. Kasabay nito, …

Read More »

16 lugar signal no.1 sa Bagyong Zoraida

UMABOT na sa 16 lugar ang isinailalim sa Signal No. 1 sa nagbabantang pagdating ng bagyong Zoraida. Sa latest weather bulletin ng Pagasa, kabilang sa mga apektado ng bagyo ay ang Dinagat Province, Siargao Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, kasama ang Samal Island, Bukidnon, Misamis Oriental, Camiguin …

Read More »

2 anak idinamay sa suicide ni tatay

HINDI kontento ang isang ama na ang buhay lamang niya ang tapusin, kaya idinamay din niya ang kanyang dalawang anak kahapon sa Lingayen, Pangsinan. Bangkay na nang marekober ang mga biktimang si Efren Sison, 43, at dalawa niyang mga anak na may gulang na 12-anyos at 9-anyos, residente ng Brgy. Maniboc ng lalawigan. Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente …

Read More »

2 katao tumilapon, pagbagsak nasagasaan ng truck tigbak (Motorsiklo sumalpok sa Pajero)

PATAY ang dalawa katao matapos mabundol ng Pajero ang kanilang sinasakyang motorsiklo at tuluyang masagasaan ng truck sa Brgy. Baluan, General Santos City. Patay agad ang mga biktimang sina Raop Babalo, 21, at Mohammad Hamid, kapwa residente ng Fatima Maribulan, Alabel, Sarangani Province. Tumilapon ang mga biktima mula sa sinasakyang motorsiklo at nasagasaan pa ng kasalubong na Isuzu Elf kaya …

Read More »

87-anyos retiradong opisyal ng AFP nagbaril sa sentido

PATAY ang isang retiradong  opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos magbaril sa sarili nitong Linggo ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila. Iniimbestigahan pa ng MPD homicide kung totoong nagpakamatay nga si reetired Colonel Johnny Mendoza, 87, ng 2727 Anacleto St., Sta. Cruz, Maynila. Sa nakalap na impormasyon, dakong 11:20 umano ng gabi nang magbaril  ang retiradong sundalo …

Read More »

Kahera ng hotel nalansi ng holdaper

HINDI pinansin ng isang lalaki ang nakatutok na CCTV camera nang holdapin nito ang kahera ng sangay ng Sogo Hotel, sa Pasay City nitong Sabado. Sa pahayag ng kaherang si Jeanefe Palicpic, 30, ng Zone 4, Fort Bonifacio, pasado alas 5:00 ng hapon pumasok umano sa kanilang establisyemento  sa L. Wood St., Pasay, ang suspek na nagpanggap na customer, umupo …

Read More »

2 kelot sugatan sa videoke bar

Sugatan ang dalawang lalaki nang pagsasaksakin sa loob ng videoke bar habang nasa kasarapan ng inuman sa Pasig City kahapon ng madaling araw . Kinilala ni Pasig City chief of Police P/Sr. Supt. Mario Rariza ang mga biktimang sina Conrado Castillo, 46, security guard, residente ng Montes St., Caloocan City, at Gerome Adun, 24, residente ng Greenwoods Subd., Brgy. Pinagbuhatan, …

Read More »

Inaway ng syota kelot nagbigti

HINDI nakayanan ng isang lalaki nang awayin siya at bantaang hiwalayan ng kanyang nobya kaya naisipan magbigti sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Fatima Medical Center (FMC)  ang biktimang kinilalang si Padz Espadillon, 19-anyos, residente  ng  La Huerta St., Brgy. Marulas. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 ng gabi kamakalawa nang matagpuan ang nakabigting katawan …

Read More »

Iniwang bagahe sa taksi nagpatrapik sa Roxas Blvd

TRAFFIC, tensiyon at takot ang idinulot ng iniwang bagahe sa loob ng isang taxi sa southbound ng Roxas Boulevard, Maynila, kahapon ng umaga. Isinara ng mga kagawad ng Manila Police District – Bomb Squad sa mga motorista ang bahagi ng Padre Burgos hanggang T.M. Kalaw nang respondehan ang taxi driver na si Rene Cayabyab na nag-ulat na na may kahina-hinalang …

Read More »

2 tulak laglag sa drug bust

LAGUNA – Dalawang itinutu-rong notoryus na drug pusher ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa Lumban, Laguna sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Maytalang Uno sa nasabing bayan. Kinilala ni Senior Insp. Luis Perez, hepe ng pulisya, ang na-arestong mga suspek na sina Ernesto Catapang, Jr., 41, driver, at residente ng Brgy. Sampalocan, Pagsanjan, Laguna, at Willy Flores, …

Read More »

Nanuba ng utang grabe sa tarak ng vendor

KRITIKAL ang  isang mister matapos singilin at hindi makapagbayad ng utang sa isang vendor sa Malabon City, kamakalawa  ng hapon . Kritikal ang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Antonio Tates, 34-anyos, ng 400 Sitio Gulayan, Brgy. Catmon, sanhi ng  dalawang saksak sa dibdib. Agad naaresto ang suspek na si Jessie Ratoni, 59-anyos, vendor at …

Read More »

Suspensyon kay Sabio kinatigan ng CA

KINATIGAN ng Court of Appeals (CA) ang parusang suspension  ng Ombudsman kay Chairman Camilo Sabio at apat na iba pa ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) na sangkot sa maanomalyang pagrenta ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P5.3 milyon noong 2007. Sa 19-na-pahinang decision na isinulat ni Associate Justice Ramon Cruz (na pinaboran nina Associate Justices Noel Tijam at …

Read More »

Sekyu binoga sa mukha, todas

WALA nang buhay at duguang nakahandusay ang 21-anyos security guard nang madatnan ng kanyang karelyebo, sa binabantayang bakanteng lote,  sa Malate, Maynila,  kamakalawa. May tama ng bala sa mukha ang biktimang si Joemar Sallote, sa bakanteng lote na kanyang binabanta-yan sa kanto ng Singalong at Francisco streets sa Malate. Si Sallote ay empleyado ng Helenian Security Agency sa #3 Rosal …

Read More »

Jueteng War ba ang dahilan ng kamatayan ni Marikina ex-Konsi Elmer Nepo?

MALAKAS ang bulungan sa mga huntahan ngayon sa mga sabungan at sa pulisya, hinggil sa naganap na ambush sa dating konsehal ng Marikina na si ELMER NEPOMUCENO. Sa mga HUNTAHAN ay lumulutang ang anggulong ‘JUETENG’ ang dahilan ng ambush kay ELMER NEPO. Sabi ng isang retiradong HENERAL, dahil daw sa kainutilan ng ONE STRIKE POLICY ng Philippine National Police (PNP) …

Read More »

Taxi riders mag-ingat!

MAG-INGAT po sa TAXI na may plakang TXR 324 UV Ortega. Isang Bulabog  boy ang sumakay dito nakaraang Huwebes ng gabi, between 11 to 11:30 a.m. from Walter Mart, Muñoz. Mayroon daw pong ini-SPRAY ang driver na kakaiba ang AMOY at nahilo ang nasabing pasahero. Again, ingat-ingat po! Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o …

Read More »