Saturday , December 6 2025

Gomez, Bitoon kapit sa top 5

TINARAK nina Pinoy Grandmasters John Paul Gomez at Richard Bitoon ang magkahiwalay na draw upang makisalo sa second to eighth place sa nagaganap na DYTM Raja Nazrin Shah KL International Open Chess Championships 2014 sa Malaysia. Nakipaghatian ng puntos sa round five sina No. 3 seed Gomez (elo 2524) at ranked No. 20 Bitoon (elo 2414) kina GMs Nguyen Anh …

Read More »

BKs nasiyahan kay Fickle

Maraming BKs ang nasiyahan kay Fickle sa pagkapanalo ng dehado, base kasi sa kanilang obserbasyon ay medyo hilaw pa ang mga tiyempong naitala nung siyam na naglaban kung kaya’t hindi imposibleng may makasorpresa sa grupo. Kaya bingo at natapat ang dehado nilang napili. Pero bago ang karerang iyan ay hindi nila inasahan na basta basta lang ang gagawing pagdadala sa …

Read More »

Apology to Mr. Eric Albano

NASA ‘Code of Ethics’ naming mga mamamahayag na kapag ang isang tao na aming nabatikos ay nagpahayag ng kanilang panig, ito’y dapat naming pakinggan, ilathala at tanggapin ang aming pagkakamali. Katulad ng naging kaso namin ni Jack Castillo, isa sa aming editors sa Police Files TONITE, kay Ginoong Eric Albano, dating intelligence officer ng Bureau of Customs (BoC). Nabatikos ko …

Read More »

Tutulungan ba tayo ng US?

MUKHANG patungo na sa hindi magandang kahihinatnan ang problema ng Pilipinas at China sa usapan ng West Phillipine Sea. Ito ang nababanaag natin matapos magalit ang China sa ginawa ng ating pamahalaan na pagsasampa ng protesta sa UN. Dito ngayon lumabas ang tanong na tutulungan ba tayo ng Amerika sakaling giyerahin na tayo ng China? Ito ngayon ang problemang kinakaharap …

Read More »

Gen. Carmelo Valmoria pinagkakatiwalaan ng Fil-Chinese community

SA KABILA ng samo’t saring pag-upak ng mga kabaro natin sa hanapbuhay (press) sa kapulisan, natatanging pinupuri ang liderato ni General Carmelo Valmoria ng National Capital Regional Police Office (NCRPO). Hindi ito isang ordinaryong kalakaran pagdating sa mga manunulat at kolumnista na ang karamihan ay mas inclined na pumuna kesa magbigay ng papuri. Kapag ang isang opisyal ng pulis ay …

Read More »

P120-M Shabu nasamsam sa 2 tsekwa (Nagsindi ng marijuana)

DAHIL sa paghitit ng marijuana, dalawang Chinese nationals na may dalang tinatayang P120 milyon halaga ng shabu ang nasakote ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Binondo, Maynila,  iniulat kahapon. Nakapiit na sa MPD-PS 11 ang mga suspek na kinilalang sina John Chua Sy, ng Valenzuela City at Anthony Ang Chiu, 42, ng 195 P. Sevilla St., Caloocan …

Read More »

ALAM, NUJP, IFJ nanawagan ng hustisya kay Garcia

DALAWANG Philippine media organizations – Alab ng Mamamahayag (ALAM) at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang nakiisa sa International Federation of Journalists sa paggiit ng hustisya para kay Rubylita Garcia, ang unang Filipino journalist na napatay ngayong taon 2014. Si Garcia, reporter ng tabloid na Remate at block timer ng Cavite based dwAD radio station, ay binawian …

Read More »

RH Law constitutional — Supreme Court (Maliban sa ilang probisyon)

BAGUIO CITY – Idineklarang constitutional ng Supreme Court en banc ang pag-iral ng Republic Act No. 10354 o mas kilala bilang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act. Ayon kay SC PIO chief, Atty. Theodore Te, ito ang naging pasya ng ng mga mahistrado ng Kataastaasang Hukuman sa isinagawang sesyon sa lungsod ng Baguio kahapon. Magugunitang 14 petisyong kumukuwestiyon sa legalidad …

Read More »

P0.89/KWh dagdag-singil sa koryente pinaboran ng Palasyo

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang pagpataw ng Manila Electric Company (Meralco) ng dagdag na P0.89/ kWh ngayong Abril. “You know, that’s bit simplistic in the way that rates do change from time to time, and we do have a mechanism in place to address these petitions. I am not quite sure if it’s 89 centavos. I heard differently this morning, you’ll …

Read More »

Tiamzon couple tumangging magpasok ng plea

TUMANGGING magpasok ng ano mang plea ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon nang basahan sila ng sakdal dahil sa mga kasong kidnapping. Para sa dalawa, hindi sila naniniwala sa prosesong iyon kaya hindi sila nakibahagi sa arraignment. Ginawa ang pagbasa ng sakdal sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) bago magtanghali kahapon. Dahil dito, ang korte na lamang ang nagpasok …

Read More »

Caloocan hospital ginawang ‘shabuhan’ (3 kelot timbog, 3 pa kulong sa Navotas)

TATLO ang arestado kabilang ang empleyado ng ospital, nang maaktohang humihitit ng shabu sa loob ng kuwarto ng ospital,  sa Caloocan City. Kinilala ang mga suspek na sina Dennis Santos, 43-anyos, ng Block 14-H, lot 18, Phase 3-C Dagat-Dagatan, emple-yado ng Caloocan City Medical Center (CCMC), Rick Valderama, 34-anyos, ng #6551 Libis Espina, at Rhonnel Avila, 21 anyos, ng #6106 …

Read More »

Italian envoy walang immunity (Sa child abuse raps)

HINDI maaaring igiit ni Italian ambassador to Turkmenistan Daniele Bosio ang kanyang “diplomatic immunity” sa kinakaharap na kasong child exploitation sa Filipinas. Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, hindi nakatalaga sa Filipinas ang opisyal kaya’t hindi niya maaaring magamit ang “safe passage and protection”  na  itinatakda ng Vienna Convention on Diplomatic Relations para sa foreign diplomat. Kasalukuyang nakadetine si …

Read More »

Lola, 67 utas sa QC fire

PATAY ang 67-anyos lola, habang isang lalaki ang nasugatan nang masunog ang 30 bahay sa isang squatters area sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, iniulat kahapon. Sa ulat ng Quezon City Fire, kinilala ang namatay na si Emperatriz Pagunsan, 67,  ng Doña Isadora St., Barangay Holy Spirit, QC. Suffocation ang si-nabing ikinamatay ng biktima na natagpuan sa kanyang kuwarto, at …

Read More »

Yolanda survivors nanatiling walang bahay (Makaraan ang 5 buwan)

MAKARAAN ang limang buwan, blanko pa rin ang Palasyo kung hanggang kailan maninirahan sa mga tent ang libo-libong survivors ng bagyong Yolanda. Walang naihayag na update si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte hinggil sa pagtatayo ng pamahalaan ng permanenteng pabahay para sa mga biktima ng Yolanda. “I will have to ask the—a status from the office of Secretary (Panfilo) Lacson …

Read More »

300 toneladang bangus tinamaan ng red tide

CAGAYAN DE ORO CITY – Magsasagawa nang malalimang imbestigasyon ang pamunuang bayan ng Balingasag ng Misamis Oriental makaraan ang napaulat na malawakang red tide sa kanilang palaisdaan. Ayon sa ulat, umaabot sa 300 toneladang bangus ang tinamaan ng red tide sa mariculture park na pagmamay-ari ng pamahalaang bayan. Inihayag ni Balingasag information officer Aljun Fermo, pupuntahan nila ang lugar upang …

Read More »